Chapter 1

1602 Words
Ang sabi nila mahirap ang maging mahirap, pero para saakin ay isa itong pag subok lamang sa buhay. Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran, kung lumaki tayong mahirap dapat ay tayo rin mismo ang gagawa ng paraan upang yumaman. Hindi pwedeng isinilang kang mahirap ay mamamatay ka ring mahirap. Yan ang itinatak sa aking isipan ng aking nanay simula ng ako'y mag kaisip. Nasaksihan at naranasan kong mabuhay na hindi pinapaburan ng mundo. Dugo't pawis ang bumubuhay saamin, sa murang edad natuto akong mag tanim at mag ani ng mga palay sa ilalim ng tirik na araw habang nakatapak sa putik. Nakasuot ng pinaglumaang damit ni nanay. Minsan napapa-isip ako, hanggang kailan ang ganito? Ngunit tuwing titingnan ko sila Nanay at Tatay na hindi iniinda ang init ng araw, ang pawis na kanilang pinag hirapan, nasasabi ko na lamang sa aking sarili na sila rin ay hindi pinili ito. Sadyang ipinagkait lamang ng tadhana ang mabuhay kami ng maginhawa. Oo, ang tadhana ang aking sinisisi, dahil habang lumalaki ako ay kitang kita ko ang kanilang pag hihirap na kahit itago nila ito sakanilang mga ngiti ay hindi maitatago ang pagod sakanilang mga mata. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para kahit papaano ay mabawasan ang kanilang pagod, gustuhin ko mang sarilinin ang pag aasikaso sa palayan ay hindi maaari dahil hindi ako pinapayagan ni tatay, lagi ring sinasabi ni nanay na pinayagan na niya akong tulungan sila ngunit huwag ko namang sarilinin ang lahat ng gawain dahil kaya pa naman nila. Kaya nama'y bumabawi na lamang ako sa pag tulong sakanila, minsan ay sumasideline ako sa bayan tumutulong sa pagtitinda ng mga isda ni Aling Marites, minsan naman ay nag lilinis sa bakuran ng mga Arellano o kaya naman ay nag seserve ng mga ulam sa karenderya ni Ante Lucing. Halos lahat ng pwedeng pasukan ay aking pinapasukan, upang makatulong kela nanay. Sa edad na labing walo ay nahinto na ako saaking pag aaral, hanggang grade 10 lamang ang meron sa bayan at iyon lang ang aking natapos. Sa kabilang baryo pa ang grade 11 at 12, napakalayo nito at hindi kayang lakarin dahil kung kaya lang ay lalakarin ko ito kahit gumising ako ng madaling araw. Tila pinagkakaitan talaga ako ng tadhana, gusto ko mang umasenso sa buhay para makatulong sa aking mga magulang ay pati ang aking pag aaral ay tila ba ipinagkakait saakin. Hindi sapat ang aking mga ipon para lumuwas ng baryo, anong magagawa ng 800 pesos na laman ng aking alkansya kung pamasahe pa lang papuntang kabilang baryo ay 150 na. Tila ba para lang sa mga nakaka-angat sa buhay ang pag aaral. At kaming mahihirap ay hanggang dito lang sa taniman sa loob ng lupain ng napakalawak na Provincia de San Aristeo. Kilala ang Provincia de San Aristeo dahil sa masagana nitong lupain kung saan makikita ang malulusog na mga tanim hindi lamang ng mga palay kundi pati na rin ang mga gulay at prutas na itinatawid pa papuntang Manila. Ang mga daan ay sementado kaya naman hindi nahihirapan ang mga sasakyan, bawat daan ay makikita ang nag tataasang puno ng mangga at niyog na sagana sa mga bunga. Sariwa ang hangin at tahimik ang lugar, kung saan masayang mangarap. Habang pinagmamasdan ko ang tanawin ng buong lupain ay dito ako nag umpisang mangarap na balang araw ay makaka ahon rin kami sa kahirapan. Sa bayan naman ay makikita ang malalaking building na kung tawagin nila ay mall at iba pang hindi ko na alam ang tawag, hindi pa ako nakaka pasok roon dahil una sa lahat ay wala naman akong pambili ng kung anuman roon. Kaya naman hanggang sa palengke lang ako kung saan malalansang amoy ng isda, maingay na paligid at maputik na daan ang makikita. Napabuntong na lamang ako ng hininga, "Michaela, anak. Malalim nanaman iniisip mo dyan." Napatingin ako kay tatay na may buhat buhat na ilang pirasong pritong isda sa plastic marahil ay ulam namin ngayong tanghali habang nandito kami sa palayan. Natulala nanaman ako kakaisip sa buhay, ngumiti ako kay tatay at sinalubong ito. Kinuha ko ang hawak nyang mga isda at nag mano sakanya. "Nagpapahinga lang po saglit tay." "Nasaan ang nanay mo? Tara kumain muna tayo ng tanghalian." umalis ito saglit para puntahan si nanay sa may bomba, nag huhugas ito ng kanyang kamay. Inayos ko naman sa maliit na lamesang kahoy ang aming tanghalian habang hinihintay sila. "Michaela, ikaw ba ay nag hugas na ng iyong mga kamay?" tanong ni nanay ng sya'y makalapit sa mesa. "Opo nay, tara na po at kumain na tayo." pag aaya ko sakanila. "Oo nga pala, kailangan kong pumunta sa mansion ng mga de Alba mamaya. " paunang wika ni nanay kaya naman napa angat ang tingin ko rito. "Ah, ayan ata yung sinasabi ni pareng Lindo kanina na nag bibigay ng bonus ngayon ang Donya ng mga de Alba dahil raw sa masaganang ani nung nakaraan." muli kong tinuon ang aking sarili sa pag kain dahil usapang matanda na iyon. Ang mga de Alba ang may ari ng lupaing sinasaka namin, sakanila galing ang mga palay at mga kasangkapan. Hindi lamang ang palayan ang kanilang pag mamay ari sa Provincia de San Aristeo kundi halos lahat ng lupain ay nakapangalan sakanila maski ang malalaking gusali sa bayan kulang na nga lang ay palitan ang pangalan ng lugar na ito ng Provincia de Alba. Balita ko rin ay hindi lang rito ang may pag mamay ari sila kundi pati na rin sa mga kabilang baryo at maski sa Manila at ibang bansa ay may mga negosyo sila. Grabe naman sa sobrang yaman. "Oo, lahat raw ng kanilang mga tauhan sa kanilang mga palayan ay pinapapunta mamaya. Hindi lang pala ako kundi tayong tatlo ay pupunta." Muling umangat ang tingin ko ng marinig ito. "Sigurado ba iyan? Kung ganoon ay sobrang dami pala ng pupunta kala ko ay isa lamang sa bawat tahanan." "Akala ko rin ngunit lahat raw eh, mukhang natuwa talaga ang Donya ." "Kasama po ako nay?" paninigurado ko rito. "Oo anak, kaya wag kana masyadong mag pagod dahil mamayang alas dos raw ang punta roon." wika ni nanay at inabutan ako ng tubig. Tumango na lamang ako rito. Ito ang unang beses na makakapunta ako sa mansion ng mga de Alba dahil sa pag kakaalam ko ay napaka higpit ng pamamahala roon. Hindi pwede pumasok ang hindi imbitado. Kung kanina ay sabi ko ay mansion ng de Alba ngayon naman ay hindi. Hindi sapat ang salitang mansion lang rito, napakalawak ng lupain nila at hindi lamang iisa ang mansion rito kundi may roon pang iba. Sa lawak nito ay parang isa na itong buong baryo. Kaya pala may nakikita akong sasakyan na tatlo ang gulong dahil hindi kakayanin na lakarin lang ito dahil nasa pinaka dulo ang pinaka mansion. Kitang kita ito mula rito sa matayog na gate ng mga de Alba. Napakaganda rito at pansin na pansin ang karangyaan ng kanilang pamumuhay. Natigil kami sa gitna kung saan ay tila ba ang lugar kung saan may mababang entablado na halatang sinadyang inilagay roon para sa kaganapang ito. Wala pa ang Donya kaya hindi pa nag uumpisa. Tanging ang mga tauhan pa lamang ng mga de Alba ang naririto at inaasikaso ang pila namin para raw mabilis at maayos rin pag nag umpisa na. Nang maayos na ang lahat ay siya namang pag dating ng isang itim na sasakyan. Nakakamangha ang ganda nito halatang mamahalin. Hindi rin nagtagal ay lumapit rito ang isang tauhan at binuksan ang pintuan kung saan lumabas ang Donya. Simpleng bistida lamang ang suot nito ngunit mababakas pa rin ang pag ka istrikto at elegante nyang tingnan. Masaya siyang sinalubong ng mga kapwa ko magsasaka na tanging ngiti at pag kaway lamang ang tugon niya. Akala ko ay aakyat na ito sa entablado ngunit ay gumilid ito at pinanood ang isa pa nyang tauhan na muling buksan ang pintuan ng sasakyan. May kasama pala ito. Doon naman dahan dahang bumaba ang isang dalaga. Tila ba nag liliwanag ito dahil sakanya kutis, idagdag pa ang suot nito na puting bestida na talaga namang napaka eleganteng tingnan sakanya. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito saamin, matangkad ito at may alon alon na buhok likod pa lamang ay masasabi ko ng maganda ito. Ngunit ng tuluyan na nga itong humarap ay tila hindi lamang ako ang nabighani dahil kapansin pansin rin ang pananahimik ng mga taong kasama namin rito. Napakaganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang mukha, walang bahid ng kahit anong kapintasan. Napakaperpekto, parang gusto ko itong lapitan at hawakan para itanong kung totoo ba ito dahil parang hindi na ito makatotohanan. Para siyang dyosa. Napaka amo ng kanyang mukha, ngunit kung titingnan mabuti ay napakalamig ng kanyang tingin kahit pa'y nakangiti itong nakaharap saamin at binabati ang mga nakakatanda. Ano ba itong pinag sasabi ko? Tahimik lamang akong sinusundan sya ng tingin, kinakamayan nya ang mga matatanda sa harap habang nakangiti. Katabi niya ang Donya na binabati rin ang mga ito. "Nay, sino yung kasama ng Donya?" hindi ko na napigilan at naitanong na ito saaking nanay. Katabi ko itong nakangiti at kumakaway sa Donya, "Siya ang panganay na apo ng Donya. Siya si Señorita Catalina." Catalina.. Muli akong tumingin sakanyang gawi, at sa pagtingin kong iyon tila ba huminto ang paligid ng mag tagpo ang aming mga mata. Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Tatlong segundo ang itinagal nun bago siya nagbawi ng tingin at muling nangamusta sa mga matatanda sa harapan. Napahawak ako saaking dibdib. Sobrang bilis ng t***k nun. Sa sobrang bilis ay para bang sasabog na ang puso ko. Ang ganda!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD