SI Mariang Walang Pahinga

2211 Words
Nakatingin lamang ako sa lalaki na dating asawa ko, nakikita ko rin sa mukha nito ang galit sa akin na para bang gusto kong bigwasan. Ilang beses muna akong lumunok hanggang sa seryoso na akong tumingin dito. ”Sorry Mr. But I don’t know you!” mariin ang pagkakabigkas ko ng mga katagang ‘yun. Binago ko rin ang tono ng boses ko upang hindi niya akong makikila. Kahit alam kong malabong mapapaniwala ko ito na ako si Hazel ay hindi ako aamin sa lalaking ito. Bahala na kung ano ang mangyari. Lalo at may misyon ako ngayon gabi. ”Fvcking s**t! Hindi mo ako maloloko, Hazel, alam kong iwan iyan! Damn it!” Malakas na sigaw ng lalaki at magkakasunod din na hinampas nito ang manibela ng kotse niya. Kuyom ang mga kamao ko. At taas ang noo na tumingin sa lalaki. No choice ako kundi magsalita na upang tigilan na ako nito. “Okay fine! Ako nga si Hazel. At isa ako ng pick up girl sa gabi. Kung baga isa akong barayang babae at kung sino-sino ang mga lalaking na kakasiping ko sa gabi. Ano happy ka na ba, Mr. Barnes?!” mapang-uyam na tanong ko sa lalaki. Kitang-kita ko namang ang pag-igting ng panga nito. Kasabay nang panlilisik na mga mata ng dati kong asawa. ”Get in my car right now, Hazel!” “No! Hindi ako sasakay sa kotse mo, Mr. Barnes. Dahil hindi ikaw ang tipo ng lalaki na gusto kong makapiling ngayon gabi. Kung ako sa ‘yo, umalis ka na, dahil inaabala mo lamang ako! Nakakuha na sana akong ng customer ko ngayon!” galit na sabi ko pa sa lalaki. Wala akong pakialam kung pandirihan ako nito na sa pag-aakala na isa akong barayang babae. Kaysa naman mabulilyaso ang aking misyon dahil sa lalaking ito. Hinintay kong magsalita si Wallace, ngunit nakatingin lamang ito sa aking habang nababakas sa mga mata nito ang pagkasuklam sa akin. Hanggang sa muli na naman akong nagsalita. “Ngayon alam mo kung ano ang tunay kong trabaho, siguro naman ay papayag ka nang mapawalang bisa ang kasal natin, Mr. Barnes!” “Kailangan mong sumama sa akin Hazel at iuuwi na kita sa Sta. Vanity!” mariing sabi nito sa akin. Pagkatapos ay nakita kong lalabas ito ng kotse. “Sino ka para manduhin ako? Mas maganda rito sa Maynila ang magtigil dahil maraming malalaking Jumbo rito! Kaya puwede ba? Huwag mo akong pakialam, Mr. Barnes!” bulalas ko at asar na asar na tumingin sa lalaki. Ngunit nataranta ako nang makita kong lalabas na ito ng kotse niya kaya naman dali-dali akong nagtatakbo papalayo sa lalaki. Pero hindi ako makatakbo ng maayos dahil sa aking suot na mataas na heels. Kaya naman tumigil muna ako, sabay yuko ng aking ulo. Dali-dali kong kinuha ang ang aking heels na suot. Hanggang sa muli akong lumingon sa lalaki at nakita kong papalapit na ito sa akin. Hindi na ako nag-isip pa. Sapagkat ubod lakas kong pinagbabato sa lalaki ang dalawang heels na hawak ko. Ngunit nasusurang umilag naman ito sa aking ibinato. At muli akong hinabol. Kaya naman mas matulin akong tumakbo para lang makalayo kay Mr. Barnes. Lumiko ako sa kanang daan, hanggang sa matanaw ko ang isang Van. Bukas iyon, dahil may babaeng sapilitan na isinakay sa loob ng sasakyan. Kaya naman hindi na ako nag-isip pa, lalo at isasara na ang pinto ng Van. “Hep! Hep! Teka lang muna! Sasama ako sa ‘yo!” sigaw ko sa lalaking balak na sanang isara ang pinto ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na magsalita ito, dahil tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng Van sabay upo sa tabi ng tatlong babae na panay ang umiiyak at hindi ko alam kung bakit. Mayamaya na lang ako nagtatnong sa kanila. Pikit matang sumandal ako sa kina-uupuan ko. Sabay hilot sa aking noo. Naramdaman ko ring tumakbo na ang van na basta ko na lang sinakyan. “Peste! Muntik na akong mahuli ng abnoy na lalaking ‘yun, ah!” malakas na palatak ko. Habang nakapikit pa rin ang mga mata. Hanggang sa marinig ko ang pagkasa ng baril at naramdaman ko ang pagtutok ng dulo ng baril sa aking noo. Dahan-dahan ko tuloy iminulat ang mga mata ko. At bumungad sa aking harapan ang isang lalaking may balbas. Galit ding nakatingin ito sa akin. “Sino ka?!” pagalit na tanong nito sa akin. Magkakasunod muna akong nagkamot sa aking ulo. At alanganin ding ngumiti. “Bossing, pasensya ka na kung dito sa Van ninyo ako nagtago. Ganito kasi ‘yun--- May humahabol kasi sa akin na isang matandang hukluban na customer ko. Aba! Ayaw ko naman ng malambot ang tuhod, baka ang labas, eh, ako ang mag-adjust,” tuloy-tuloy na litanya ko at pinapilantik ko rin ang aking mga daliri. Nagkatingin naman ang tatlong lalaki dahil sa aking sinabi. Tiningnan din nito ang aking mukha. “Ano bang pangalan mo?” tanong sa akin ng driver ng van. At tumingin pa ito sa mirror sa itaas. “Ako si Maria Walang Pahinga,” anas ko at nagpa-cute pa talaga ako sa tatlong lalaki. “Tingnan mo kung may Maria Walang Pahinga ang nakalista riyan sa listahan,” anas ng lalaki na may hawak pa rin na baril. Sa katabi nito. Dali-dali namang kinuha ng lalaki ang isa maliit na notebook upang tingnan ang pangalan ko kung nandoon ba talaga. “Walang nakalagay na Maria Walang Pahinga rito. Maliban sa tatlong na babae na ating nakuha, dahil nandito talaga sila nakalista,” anas ng lalaking may hawak na notebook. “Ha? Bakit wala? Teka lang ilagay ninyo at baka nakalimutan lang ninyo ilagay, bakit ganoon? Grabe kayo, ah. May tinitingnan at may kinukulugan yata kayo, ah? Sige na ilagay na ninyo ang aking pangalan sa notebook na ‘yan, kahit panghuli na ako, tanggap ko ‘yon!” hibang na sabi ko sa tatlong lalaki. “Itigil mo ang kotse, P’re, hindi natin siya puwedeng isama kay Madam at nakakatiyak ako na tayo ang malilintikan na tatlo,” narinig kong anas ng lalaking may hawak na baril. Mayamaya pa’y biglang itinigil ng driver ang Van. Bumaba ang isang lalaki at sapilitan akong hinila papasalabas ng sasakyan. Ngunit hindi ako pumayag. Lalo at may kutob na kasi ako kung sino sila. HINDI na ako nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis kong hinawakan ang leeg ng lalaking gusto akong palabasin ng Van na ito. Sobrang higpit ko rin itong kinapitan ito. Kasabay noon ang magkakasunod ko itong sinuntok sa sikmura nito. “Ops!” bulalas ko, sabay ilag ng aking ulo. Dahil may tatama sa aking batok. Asar tuloy akong tumingin sa lalaki. Ngunit bago ko ito balingan ay malakas ko munang hinampas sa batok ang lalaking sakal-sakal ko, na siyang dahilan kaya bumagsak ito sa lupa na walang malay tao. Mabalis naman akong humarap sa lalaking may hawak na baril at muntik na ring akong saktang kanina. Pagbaling ko sa lalaki ay agad kong pinalipad ang kamao ko papunta sa ilong nitong sarat. Ngunit hindi ito nagpatalo, dahil agad nitong itinutok sa akin ang hawak nitong baril, nakita kong gumalaw ang daliri nito para kalabitin ang gatilyo ng baril. Kaya naman maliksi kong iniwas ang aking ulo, sabay noon ang malakas na putok ng baril. Pero walang takot na hinarap ko pa rin ang lalaki at ubod lakas kong sinuntok ang leeg niya nang dalawang beses, agad ko ring inagaw mula sa kamay nito ang hawak na baril, sabay tutok sa balikat nito at walang habas kong kinalabit ang gatilyo ng baril. Nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa akin at nakikita ko ring awang ang bibig nito dahil sa ginawa kong pagsuntok sa leeg nito. “Matulog ka na lang nang mahimbing, P’re!” At ubod lakas ko itong hinampas sa batok nito. Hanggang sa tuloy-tuloy na itong bumagsak. “Hu-Huwag mo akong sa---saktan…” kabadong sabi sa akin ng driver. Maliksi naman akong gumalaw sabay punta sa tabi nito. Ngumisi naman ako rito, habang naka-umang sa hita nito ang hawak akong baril. “Madali akong kausap. Basta ba, sasabihin mo lang sa akin kung sino ba ang tinatawag ninyong, Madam?” tanong ko sa lalaking driver. Hindi ka agad ito nagsalita. At simpre mainipin ako. Kaya ayon, binaril ko ang hita nito. “Ang tagal mong magsalita. Huwag mong hintayin na taniman ko ng bala ang dalawang hita mo!” pasinghal na sabi ko sa lalaki. “Si-Si Madam…” Ngunit bigla ulit huminto ito sa pagsasalita. Kaya ayon, na-demonyo na naman ang utak ko at binaril ko ulit ang hita nito. “Ahhhhhh!” malakas na daing nito dahil sasakit. Lalo at pinagdiinan ko pa ang dulo ng baril na hawak ko sa hita nitong may sugat. “Si--- Madam, Prencess Ferry…” nauutal-utal na sabi ng lalaking driver. “Ano’ng gagawin nito sa tatlong babae na ito?” Sabay turo ko sa tatlong babaeng umiiyak. Doon ko lang napansin ang mga suot nila. At kung ‘di ako nagkakamali ay nagtatrabaho sa bar ang dalawang babae at ang isang babae ay--- dancer yata ng bar, dahil sa costume nito. “Wala akong alam, dahil kapag pinapasok namin ang mga babae sa kwarto ni Madam Prencess Ferry ay lumalabas na silang walang buhay!” sagot ng lalaki sa akin. “Okay.”Sabay hampas sa batok nito. Kaya agad itong nawalan ng malay tayo. Nagmamadali naman akong lumabas ng Van. At ipinasok ko ang lalaking walang malay tao. Kailangan namin ang mga ito. Mabuti na lang at madilim kaya walang nakakakita sa mga nangyayari rito. Agad kong pinatakbo ang Van papalayo sa lugar upang dalhin sa hide out ni boss Zach. Alam kong nandoon pa si boss Zach, dahil mayroon pa itong mga pinaamin na mga salot ng lipunan. Hindi nagtagal ay tuluyan akong nakarating sa lugar. Pagbaba ko ng van ay nakita ko agad si Boss Zach. . . Ang mga dala-dala ko namang mga tao ay kinuha na ng mga kasama kong mga Secret Weapon. “Boss, pamilyar ka ba o baka kilala mo ang pangalang Madam Prencess Ferry?” tanong ko sa boss ko. “Madam Prencess Ferry? Yeah! Isa siyang sikat na modelo sa ibang bansa. Ngunit sa aking pagkaka-alam ay bigla itong nanahimik at walang makapagsabi kung bakit?” “Boss, nandito siya sa bansa natin. Naka-usap ko rin ang isa sa mga tauhan ni Prencess Ferry. Ang sabi niya ay--- lahat ng mga babaeng nakukuha nila at kapag inapasok sa kwarto ng babae ay lumalabas na wala ng buhay.” “Mukhang may kababalaghang nangyayari sa kwarto ng babaeng ‘yun. At iyon ang dapat mong alamin Agent Hazel.” “Sige po. Boss. Ako na ang bahala sa kanila.” “Mag-iingat ka, Agent Hazel.” Sabay tapik nito sa aking balikat. Agad naman akong nagpaalam sa aking boss. Kailangan kong maka-uwi na upang makapag-pahinga. At sa inuupahan ko na bahay ako uuwi. Kailangan kong kuhanin ang mga gamit ko roon dahil lilipat na ako ng ibang paupahan. Nang may dumaang taxi sa aking harapan ay agad akong sumakay. NGUNIT napansin kong panay ang tingin sa akin ng driver ng taxi. Medyo yumuko ako at nakita ko na ang tinitingnan nito ay ang boobs ko na medyo labas ang dalawang pisngi. Nagsalubong tuloy ang kilay ko na tumingin sa driver ng taxi. “Kuya, kapag nabangga tayo dahil sa kamanyakan ng mga mata mo--- papatay talaga kita!” pagbabanta ko sa lalaki. Ngunit ngumisi lamang ito sa akin. Pagkatapos ay tumingin sa mirror sa itaas. “Ms. Magkano ka ba? Kahit ngayon gabi lang?” manyak na tanong ng lalaki sa akin. Bigla ko tuloy nahilot ang aking noo. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang aking baril sa aking hita. “Ikaw tatanungin din kita, magkano ba ang buhay mo?” Sabay kasa ng baril na hawak ko at agad kong itinutok sa leeg nito. “Ms. Teka lang nagbibiro lang naman ako.” “Pero ako hindi nagbibiro. Gusto mong makita ng maaga si San Pedro?” “Pasensya ka talaga, Ms…” “Umayos ka, kuya. Pasalamat ka’t mabait pa rin ako sa ‘yo!” mariing sabi ko sa lalaki. Panay naman ang hingin ng Pasensya sa akin ng lalaki. Iiling-iling na lamang ako na muling bumalik sa aking kina-uupuan. Halos hindi naman mapatingin sa akin ang driver lalo at hindi ko pa tinatago ang aking baril. Lumipas ang mahabang oras nang tuluyan akong nakarating sa aking bahay na inuupahan. Agad naman akong nagbayad sa driver ng taxi. Gusto ko tuloy matawa dahil halos hindi ito tumingin sa akin. At ang kamay lang nito ang inilahad sa akin. “Alis na!” pagtataboy ko sa driver ng taxi. Taranta namang pinatakbo nito ang taxi. Iiling-iling na lamang ako na naglakad papasok sa aking bahay na inuupahan. Nagmamadali kong binuksan ang pinto. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Hindi na ako nag-abala pang binuksan ang ilaw. Tuloy-tuloy akong pumasok sa kwarto. Agad kong kinuha ang aking bag. Pagkatapos ay muli akong lumabas ng silid para umalis. “Ano nag-enjoy ka ba sa mga lalaking ‘yun? Mukhang pagod na pagod ka, Hazel.” Kasabay noon ang pagbaha ng liwanag dito sa maliit na sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD