MARUMING BABAE

1433 Words
Tumingin ako sa lalaking nagbukas ng switch ng ilaw. Seryoso itong nakatingin sa akin. Ngunit nakikita ko sa mga mata nito ang galit at para bang gusto akong i-umbog sa pader, Kuyom din ang mga kamao nito. Ngunit hindi ako magpapatinag sa lalaking ito. Saka, ano pa bang habol nito sa akin? Eh, wala naman kami, dahil simula noon ay alam kong suklam na suklam na ito sa akin dahil sa ginawa ko ritong pamimikot. Ang sabi pa nga nito sa akin dati ay--- sukang-suka raw siya sa akin. Kaya na ako na ang kusang lumayo para gamotin ang aking pusong sugatan. Kaya ang ginawa ko’y taas ang noo na tumingin sa lalaking nasa harapan ko. “Mr. Barnes, hindi ko alam kung bakit panay ang pangungulit mo sa akin, samantalang ay halos isuka mo ako noon!” mariing sabi ko sa lalaki. “Gusto mong malaman kung bakit kita hinahabol, Hazel, ha! Dahil nakita-usap ng Inay at Itay mo sa akin na hanapin kita. Kahit sa huling sandali ng buhay nila. Ikaw ay nagpapakasarap dito kasama mga lalaki mo, ngunit ang mga magulang mo nandoon sa Sta. Vanity, naghihirap at palagi kang inaalala. Wala ka talagang kwentang anak! Kung talagang may pagmamahal ka pa sa mga magulang ko ay umuwi ka habang maaga pa, Hazel!” Mariing sabi sa akin ni Wallace. Hindi ako makapagsalita, nakatingin lamang ako sa lalaki. Parang napahiya naman ako dahil sa mga pinagsasabi nito. Hanggang sa muling magsalita ng lalaki. “Hindi ko pag-aaksayahan ng panahon ang isang katulad mong maruming babae. May dahilan ako kaya pumunta ako rito, Hazel Fang!” mapang-uyam na sabi ni Wallace sa akin. Pagkatapos ay agad na itong umalis dito sa inuupahan kong bahay. Parang nanghina naman ako. Yes, aaminin ko na wala akong kwentang anak. Dahil simula ng umalis ako sa Sta. Vanity ay hindi na rin ako nagparamdam kina Inay at Itay. May pagkakataon na gusto ko silang puntahan ngunit, naduduwag at natatakot ako, dahil baka sumbatan ako ng mga magulang ko. Bigla ko tuloy nahawakan ang aking dibdib. May pumatak ding luha sa mga mata ko. Agad kong pinunasan ang luha. Sa totoo lang ay matagal na panahon na rin na hindi ako umiiyak at ngayon lang ulit. Siguro’y panahon na para harapan ko sina Inay at Itay at tanggapin ang mga sumbat nila sa akin. Dahil simula umpisa ay ako talaga ang may kasalanan ng lahat-lahat. Kailangang ko nang harapin ang multong tinataguan ko. Muli kong pinahid ang luha sa aking mga mata. Pagkatapos ay tumayo ako para lumabas ng bahay na inuupahan ko. Tatawagan ko na lang ang may-ari ng bahay na ito bukas. Paglabas ng bahay ay agad akong sumakay ng taxi nang may huminto sa harap ko. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa bahay ko. Tuloy-tuloy akong pumasok sa kabahayan at pumunta sa aking kwarto. Nang hihina na naupo ako sa kama. Tumingin ako sa picture frame na kung na saan naroon ang aking Ama at Ina. Ito lang ang tanging alam ng wallet ko nang umalis ako sa Sta. Vanity noon. Kahit pera ay wal ako nang mga panahon na ‘yun. Ngunit may isang babae ang nagbigay sa akin ng pera kaya nakarating ako sa lunsod, halos isang linggo rin bago ako makita ni Boss Zach upang matulungan. Nagbuntonghininga muna ako. Hanggang sa magdesisyon na akong pumasok sa loob ng banyo para maligo. Nang makapag-shower ako at matuyo ang aking buhok ay agad akong nahiga sa kama. Ngunit binabagabag pa rin ako ng aking konsensya ko at pagsisi sa sarili ko dahil natiis ko ang aking mga magulang ng ilang taon na hindi nagpakita sa kanila. Malungkot na ipinikit ko na lamang ang aming mga mata. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong nakatulog. KINABUKASAN nagising ako na nasa puso ko pa rin ang lungkot at pag-aalala sa aking mga magulang. Kailangan kong matapos ka agada ang misyon ko kay Madam Prencess Ferry upang makauwi ako sa Sta. Vanity. Bigla naman akong napatingin sa cellphone ko ng mag-ingay iyon. Agad ko itong kinuha upang tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Nang mahawakan ko ang aking cellphone ay nakita kong si boss Zach ang tumatawag sa akin. “Boss Zach,” bungad ko agad sa aking boss. “Tapos na ang misyon mo, Agent Hazel,” anas ng aking boss mula sa kabilang linya. “Po? Tapos na, boss?! Paanong nangyari ‘yon?” tanong ko sa lalaki. Narinig kong nagbuntonghininga muna nang ilang beses ang aking boss, bago sagutin ang aking tanong sa kanya. “Kusang sumuko si Madam Prencess Ferry at ngayon ay hawak na siya ng secret weapon ng bansa. Mamaya ay papaaminin namin siya kung bakit nagawa niya ang ganoong krimen sa mga babae. Ngayon ay puwede ka nang magbakasyon, kahit isang linggo. Dahil sa sunod na linggo ay may misyon ka ulit na hahawakan, Agent Hazel.” “Isang linggo lang boss? Baka naman puwede mong gawin na dalawang linggo? Kailangan kong uwi sa Sta. Vanity, boss. Para sa aking mga magulang.” “Hindi ko masasabi ngayon kung puwede kang magdalawang linggo, Agent, lalo at maraming mga kaso ang inilapit sa secret weapon ng bansa.” “Sige boss, okay na sa akin ang isang linggo. Ang gagawin ko na lang ay pumunta ng maaga sa Sta. Vanity.” “Mag-iingat ka, Agent Hazel, sana’y maging maayos ang pagkikita ninyo ng magulang mo. Hmmmm! Nakakatiyak akong makikita mo rin ang dati mong asawa roon.” “Wala na akong pakialam sa kanya, boss!” “Talaga lang, ha? Baka kapag nakita mo na si Mr. Wallace Barnes ay mahimatay ka,” mapang-asar na sabi ng boss ko. Kasabay noon ang malakas na tawa ng boss nito mula sa kabilang linya. Magsasalita pa sana ako, ngunit nawala na ito sa kabilang linya. Iiling-iling na lamang ako. Hanggang sa magdesisyon na akong bumangon sa kama. Tangka na sana akong papasok sa loob ng banyo. Nang marinig kong nag-ring ang isa ko pang cellphone Agad ko naman itong kinuha. Baka kasi ang tumatawag sa akin ang isa sa mga tauhan ko. Ngunit nakita kong hindi ko kilala ang caller ko. Pero sinagot ko na rin ito. “Hello, sino ‘to?” tanong ko ka agad. “Is this Hazel Fang?” “Yes, who are you, Mr?” “Good day, Ms Fang. I will just let you know that I am the lawyer for Mr. Barnes. I’m Attorney Timong.” Kumunot ang aking noo. Ano’ng kailangan sa akin abogado ni Wallace? “Is there anything I can do for you, attorney?” “Ms. Fang, nais ni Mr. Barnes, na pag-usapan ang pagpapawalang bisa ng kasal ninyo. Ang gusto niya ay pumunta ka na rito sa opisina niya. Upang maayos ang lahat-lahat.” “Okay, Pupunta na ako riyan sa opisina niya, ngayon din.” Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ng abogado ni Wallace, nang sabihin nito sa akin ang address na pupuntahan ko’y agad ko ring tinapasa ang usapan. Iiling-iling na lamang ako. Mabuti na lang at pumayag na si Wallace ba tuluyan kaming maghiwalay. Lalo at alam kong hindi na mangyayari na mahalin ako ng lalaki. Nahilot ko na lamang ang aking noo. Hanggang sa mabilis akong nag-asikaso. Isang black na t-shirt at black na pantalon ang suot ko. Kinuha ko ang shades at isinuot ko ito. Kinuha ko rin ang bag ko na dadalhin ko sa Sta. Vanity. agkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa tapat ng malaking building na pag-aari ni Wallace. Tuloy-tuloy na akong lumabas ng taxi nang makapagbayad na ako. Agad naman akong pinapasok ng security guard nang pinakita ko ang aking id. Agad akong sumakay ng elevator. Hanggang sa makarating ako sa 10th floor nitong building. Nakita ako ka agad ako ng secretary ni Wallace. Ngumiti pa nga ito sa akin. Hanggang sa tuluyan na akong pinapasok sa loob ng opisina ng dati kong asawa. Ilang beses muna akong nag-alis ng bara sa aking lalamunan. Hanggang sa taas noo na humarap kay Wallace. “Attorney, kakausapin muna si Ms. Hazel Fang,” anas ng lalaki. Agad namang umalis ang abogado rito sa opisina ng lalaki. Ako naman ay naupo sa couch. Seryoso lamang na nakatingin sa akin si Wallace. Ngunit hindi ako nagsalita. Umirap na lamang ako. Saka, hindi naman nito makikita na umirap ako lalo at nakasuot pa rin ako ng shades. “Ibibigay ko na ang gusto ko mo, Hazel, hindi ko rin naman masisikmura na maging asawa ang isang babae na pinagsawaan na ng mga lalaki!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD