Hindi na kinaya ni Alexis ang matinding sakit na nararamdaman. Mabilis niyang binalikan kung saan iniwan niya ang sasakyan. Panay lang ang kanyang iyak at lalong nadagdagan ang poot sa dibdib para kay Yana. "Hayop sila...Mga walang kwentang kaibigan silang lahat!" saka sinipa ang latang nadaanan sa may kalsada. Panay ang punas nito sa kanyang mga luha. Para itong gripo na walang tigil sa pagdaloy. Pagkapasok sa loob ng sasakyan,kaagad binuhay ang makina sabay apak sa gas nito. Halos lumipad ang kotse ni Alexis pabalik ng maynila at walang tigil sa pag iyak. Sobra itong nasaktan sa kanyang nasaksihan. Gusto niya ring sisihin Ang sarili dahil sa ginawa niyang pag tulak kay Yana papalayo kaya ito napunta na sa iba. "Leche lang. Agad agad nakakita ng kapalit?! Hindi man lang pi

