Napaisip si Jannel. "Nandun ka ng dumalaw ako sa Mama ko?" nakita ni Jannel ang pagtango ni Benjamin. "Kung kapatid kita, at siya ang ama ko..."turo kay Matandang Buenaventura na hindi na nakapagsalita. "Maaring si Ate Yana ang kanyang panganay?"sambit ni Jannel habang nakatingin sa ate Yana niya. Lahat ng mga mata napunta kay Yana. Ibinaba ni Benjamin ang kanyang baril Na nakatutok kay Yana at napaiyak. "Nakita mo Na Papa! Dahil sa pagiging self centred mo, sarili mong mga anak magpatayan! Ito ba ang gusto mong mangyari?! Ha! Ang patayin ka ng sarili mong kadugo!? Ng mga anak mo!?" Galit Na galit Na sigaw ni Benjamin sa ama. Unti unti Na din ibinaba ni matandang Buenaventura ang kanyang baril. Laglag ang kanyang balikat. "I guess your friend is right, darating ang

