It's mine!

1831 Words
-------- ***Celeste's POV*** - Ipinalinga ko ang mga mata ko sa buong kwarto ko habang nakatayo sa gitna nito, naka-cross ang mga braso ko sa dibdib. Wala na akong makitang kahit anong gamit ng b*tch na si Eunice. Finally. Pero kahit ganoon, hindi pa rin ako tuluyang kampante. Huminga ako nang malalim bago bahagyang napangiwi. “I still need this room sanitized,” malamig kong sabi habang nakatingin sa kama ko. “God knows what kind of germs she brought in here.” Narinig kong bahagyang napaubo si Nanay Koren sa likod ko, tila pinipigilan ang tawa. Napailing ako. “I’m serious.” Matagal ding ginamit ni Eunice ang kwarto ko. Ang lugar na mismong si mommy ang nag-design para sa akin—every detail, every color, every furniture piece. This room was made for me. At hindi ko maatim na basta na lang hihiga rito pagkatapos tirhan ng taong iyon. “I’ll stay in one of the guest rooms for now,” dagdag ko habang marahang hinahawi ang buhok ko. “Oo, hija. Ipapalinis ko agad nang mabuti,” sagot ni Nanay Koren. Tumango ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagod pa rin ako mula sa biyahe, pero mas lamang ngayon ang inis kaysa antok. Kailangan kong kumalma kahit papaano. At iisa lang ang naiisip kong paraan. Bigla akong napangiti nang bahagya. “Nanay Koren…” tawag ko habang naglalakad kami papunta sa hagdan. “Bakit, Celeste?” “Pwede bang magpaluto ako ng tinolang manok? Yung luto ninyo.” Agad siyang napangiti. “Ay naku, syempre naman! Favorite mo talaga iyon.” “I missed it,” mahina kong sabi. “Hindi ko na iyon nakakain sa Canada.” At sa totoo lang, iyon ang kailangan ko ngayon. Something familiar. Something comforting. Baka kahit paano… mabawasan ang galit na unti-unting kumukulo sa loob ko. Pero bago pa man ako tuluyang makababa ng hagdan, narinig ko na agad ang kaguluhan sa ibaba. Nawala ang bahagyang ngiti ko. A loud, irritating voice echoed through the mansion. “Sino ang nagpalipat ng mga gamit ko?!” matinis na sigaw ni Eunice. “Do these servants even know who I am?! Nakalimutan niyo ba kung sino ako?" Napataas agad ang kilay ko. Seriously? Huminto ako sa gitna ng hagdan at tahimik na nakinig. “Gusto ba ninyong mawalan ng trabaho?!” muli niyang sigaw. “Hindi n’yo na ba ako kinikilalang prinsesa ng bahay na ito?!” Prinsesa? Halos matawa ako sa kapal ng mukha niya. This house belongs to my mother. Everything here is mine. Narinig ko naman ang boses ng mommy niyang kabit— si Lucille. “Honey,” malambing ngunit matalim nitong sabi kay daddy, “papalampasin mo lang ba ito? Hahayaan mo na gawin nila ito kay Eunice?” Tahimik akong nakatitig mula sa hagdan habang unti-unting tumitigas ang ekspresyon ko. “Ikaw na rin ang nagsabi na everything here in the mansyon ay kay Eunice. Hindi ba nila alam iyon?” dagdag pa nito. What? Tuluyang kumulo ang dugo ko. Nakuyom ko ang kamao ko nang mariin. The audacity. Galit namang hinarap ni daddy ang mga katulong. “Who gave you the right to move Eunice’s things?!” malamig niyang tanong. “Sino ang nag-utos sa inyo?” Tahimik ang mga katulong. Halatang natatakot. Pero bago pa makasagot ang kahit isa sa kanila— “Ako.” Agad kong sabi. Malinaw. Malamig. Matigas. “I gave them the right.” Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Nakita ko ang gulat na mabilis na lumitaw sa mga mukha nina daddy, Lucille, at Eunice habang dahan-dahan akong bumababa ng hagdan, nakaangat ang baba at walang bahid ng takot ang mga mata ko. “Celeste, what are you doing here?” Laking mata akong napatingin kay daddy sa tanong niya. Really? Iyon agad? Hindi man lang “How are you?” o “You’re finally back.” After five years. Five f**k*ng years. Hindi nga niya ako binisita kahit minsan sa Canada sa buong panahong naroon ako. Ni hindi ko nga maalala kung kailan ang huling matinong pag-uusap namin. Dahan-dahan akong tuluyang bumaba ng hagdan habang diretso ang tingin sa kanya. “What do you think I’m doing here?” kalmado kong tanong. “Obviously, I came back to the Philippines for a reason.” Tumigil ako ilang hakbang mula sa kanila bago ngumiti nang bahagya. “I’m already of legal age, Dad,” dagdag ko. “So I’m finally allowed to handle everything Mom left for me.” Nakangiti pa rin ako habang sinasabi iyon, pero alam kong alam niya ang ibig kong iparating. The properties. The inheritance. And especially— The 55% shares of Stonecrest Holdings under my name. Kitang-kita ko kung paano bahagyang nagbago ang ekspresyon ni dad. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, mas lalo na ang pagbabalik ko. Good. Mabilis namang nakabawi sa pagkabigla ang mga plastik sa harapan ko. As expected. Lumapit agad si Lucille sa akin na parang wala kaming tensyon. Nakangiti pa siya nang matamis bago ako bineso-beso. “Celeste, dear! We’re so happy na bumalik ka na,” malambing niyang sabi. “Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka? Sana nakapaghanda kami.” Napangiti rin ako. Sweet. Fake. Completely fake. “Really?” mahinahon kong sagot. “Kung sinabi ko bang uuwi ako… maibabalik n’yo agad sa dati ang kwarto ko?” Bahagyang natigilan si Lucille. Bago pa siya makasagot, sumingit agad si Eunice. “Hiniram ko lang naman iyong room mo,” sabi niya habang naka-cross arms. “It’s not a big deal.” Napatingin ako sa kanya. Then I almost laughed. Hiniram? Seriously? I turned to face her fully. “My room is my private property,” malamig kong sabi. “You can touch anything in this mansion, siguro maiintindihan ko pa.” Humakbang ako palapit nang bahagya. “But not my room.” Tahimik siya habang nakatitig lang sa akin. Ngumiti ako. A mocking smile. “Well… I guess I should try to understand you,” dagdag ko. “After all, wala ka namang proper classification kung ano ang hindi mo pwedeng pakialaman at kung ano ang pwede.” Bahagya akong tumigil bago ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa. “Like mother, like daughter.” Nanigas ang mukha ni Lucille. Nawala ang arte nitong ngiti. Alam nilang pareho kung ano ang ibig kong sabihin. It's about being a mistress. Biglang tumalim ang tingin ni daddy sa akin. “Celeste!” saway niya nang madiin. Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon— wala akong naramdamang takot. Wala na iyong batang Celeste na tahimik lang habang unti-unting inaagaw sa kanya ang lahat. Wala na iyong batang hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Canada changed me. Being alone changed me. The loneliness, the betrayal, the realization of everything they did to my mother— it made me stronger. Kaya ngayon, diretso ko siyang tiningnan sa mga mata nang walang pag-atras. No fear. No hesitation. Because I’m no longer the weak daughter he forced away five years ago. “Bakit, Dad? May problema ba?” kalmado kong tanong habang diretso siyang tinitigan sa mga mata. “May mali ba sa sinabi ko?” Tahimik siya sandali. Kitang-kita ko kung paano siya bahagyang napalunok bago umiwas ng tingin sa akin. “Eunice used your room without permission, yes,” sabi niya sa wakas, pilit pinapakalma ang boses. “Pero hindi mo pa rin dapat inilagay ang mga gamit niya sa bodega. Marami namang bakanteng kwarto rito.” “Exactly,” agad kong sagot. Bahagya akong napangiti, pero walang init iyon. “Sana sinabi mo rin iyon noon kay Eunice,” dagdag ko. “Sa dami ng kwarto sa mansyon na ito, bakit ang mga gamit ko ay doon niya ipinalagay sa bodega?” Tahimik silang lahat. Tila naumid ang mga dila nila. I crossed my arms. “Ginawa ko lang naman sa kanya exactly what she did to me.” Huminto ako sandali bago isa-isa silang tingnan. Si daddy. Si Lucille. At si Eunice. “At saka.... this is my mansion,” mariin kong sabi. “I can do whatever I want.” Malamig kong ibinaling ang tingin ko kay daddy. “Alam naman siguro nina Tita Lucille at Eunice na nasa pangalan ko ang mansyon na ito, right?” Walang sumagot. Bahagya akong ngumiti bago dahan-dahang lumapit muli kay Eunice. Nakita kong bahagya siyang natigilan pero pilit pa ring matapang ang mukha. “You're not a princess here,” diretsahan kong sabi habang nakatitig sa kanya. “You are just an unwelcomed visitor.” Bahagya kong ibinaba ang tingin ko sa suot niyang mamahaling dress bago muli siyang tiningnan. “At mas lalong wala kang kahit isang gamit dito.” Tumalim ang tingin ko. “Even the dress you’re wearing was bought using my mother’s money.” Idiniin ko talaga ang bawat salita. Para maintindihan niya. Para maalala niya kung sino lang talaga siya rito. “Celeste!” muli akong sinaway ni daddy. Ngayon, halata na ang galit sa mukha niya. “You shouldn’t say those things to Eunice,” madiin niyang sabi. “Kapatid mo pa rin siya.” Napataas agad ang kilay ko. Kapatid? Funny. Biglang nagsalita si Eunice sa mahinang boses, parang kawawang-kawawa. “It’s okay, dad,” sabi niya habang pilit ngumiti. “Sanay naman ako. Alam ko namang mina-mata niya ako dahil illegitimate child lang ako.” Halos matawa ako sa narinig ko. Wow. Ang galing talaga niyang umarte. Nasaan na kaya iyong tapang niya noon? Iyong sinabi niyang balang araw mapupunta rin sa kanya lahat ng meron ako dahil mas mahal siya ni daddy kaysa sa akin? Now she’s acting like the victim? I slowly tilted my head. “Interesting,” malamig kong sabi. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, sumingit si Lucille. “Celeste,” malambing nitong sabi, akala mo talaga mabait. “Hindi namin inaangkin ang kahit ano sa’yo.” Talaga? “We only want this family to live peacefully,” dagdag pa niya. Napangiti ako. A slow, mocking smile. Really? Samantalang malinaw na malinaw ko pang naaalala ang sinabi niya noon sa akin. “Lahat ng kayamanan ng daddy mo, mapupunta rin sa amin.” Akala siguro nila noon, lahat ng pera ng pamilyang ito ay galing kay daddy. Nakakatawa. Because the truth is— All the wealth came from my mother’s side. My father is just nothing compared to my mom. And before Mom died… She made sure to protect me. She made sure na halos eighty percent ng kayamanan ng pamilya niya ay mapupunta sa akin at hindi kay daddy at sa ibang pamilya nito. Hindi ako tanga. At lalong hindi ako helpless tulad ng inaakala nila noon. Tahimik ko silang pinagmasdan isa-isa habang unti-unting lumalamig ang ekspresyon ko. Go ahead. Continue living in your illusion. Pero hindi habang-buhay ito. At sisiguraduhin kong ako mismo ang gigising sa kanila mula sa pantasya nilang sila ang tunay na may-ari ng lahat dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD