Chapter 6

1058 Words
He had five bottles of San Mig Light. Hindi naman gaanong nakakalasing ang inuming iyon, isa pa hindi naman siya naglalasing. Kailangan niya lang iyon pampatulog. Patungo na siya sa kanyang kuwarto nang impit na iyak at sigaw ang narinig niya mula sa kabilang kuwarto. Mainit ang kanyang pakiramdam at lalo pang nag-init, kasabay ng mabilis na t***k ng puso niya nang marinig ang mga daing mula roon. Pinihit niya ang doorknob para makapasok. "s**t!" bulalas niya nang mapagtantong lock ang pinto. Lalo pang lumakas ang mga daing na may kasama ng iyak. "Vivien! Vivien" sigaw niya kasabay ng malakas na pagkalampag sa pinto, baka sakaling magising ang babae sa bangungot nito. Patuloy pa rin ang mga daing kasabay ng malakas niyang kalampag sa pinto. Napasabunot siya sa kanyang buhok, habang nagpabalik-balik sa pinto at sa ilang hakbang palayo. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sirain ang pinto. One kick and the whole door opens and crack in the middle. Hinawi niya iyon at pinilit ikasya ang sarili sa bitak na pinto. Gawa lamang iyon sa plywood. Hindi na niya nagawang ipa-renovate ang bahay na iyon noong bilhin niya, at sinisigurado niyang hindi niya kailanman lalagyan ng mas matibay pinto lalo na sa nangyayari ngayon. Isang gulat na gulat na Vivien ang tumambad sa kanya nang dali-dali siyang pumasok. Nakatayo na ito at parang papunta na sana sa pinto para buksan ito. "An'ong ginawa mo?" galit ang tono nito na may halong takot, unti-unting napapaatras ito habang siya ay palapit. "Are you okay?" In that dark room. Inaaaninag niya ang babaeng nakatayo sa kanyang harap. "Okay naman ako, mqhimbig na natutulog, nagusing kang ako nang kinakalampag mo ang pinto!"may panginginig ang boses nitong wika. "You had a nightmare! I heard you screaming," sa mababang boses ay sabi niya. Hindi pa rin maalis-alis ang kaba niya sa dibdib. He move slowly again, palapit kay Vivien na unti-unti pa ring umaatras. "Nagkakamali ka," tanggi nitong gumaralgal ang boses. Napalunok si Vivien nang hindi tumitigil si Jayson sa paglapit. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Halos habulin niya ang kanyang hininga, lalo na at nasa harap niya si Jayson, half naked. Wala itong suot na pang-itaas. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya na maaaring gawin nito sa kanya. Malaki talaga ang pagsisisi niya na sumama rito. Natatakot siya... Never siyang natakot noon sa pambu-bully nito. Tinanggap niya lahat at nilabanan. But this time it's different. At sobra ang takot na nararamdaman niya. "Diyan ka lang! Huwag mo akong lalapitan!" sigaw niya nang malapit na ito sa kanya. Subalit hindi nakinig si Jayson. Pinagpatuloy pa rin nito ang mabagal na paglapit sa kanya kahit alam nitong natatakot siya. "Please, Jayson, kung ano man iyang pinaplano mo, nakikiusap akong huwag mong gawin," pagsusumamo niyang naiyak na ng tuluyan. Lalo siyang inatake ng kaba nang maramdaman ng likod niya ang dingding. Wala na siyang maaatrasan pa. Napapikit siya nang akma siya nitong abutin. Inihanda niya ang kanyang sarili para lumaban, kahit pa sobrang nanlalambot na ang kanyang katawan sa takot. Ngunit, iba sa inaasahan niya ang nangyari. Marahang haplos sa kanyang pisngi ang ginawa ni Jayson. Nagmulat siya ng mga mata. Sinalubong ang mga mata ng estrangherong nasa harapan niya. Oo, estranghero sa kanya ngayon ang lalaki. Hindi ito ang Jayson na kilala niya. Ang Jayson na nasa harap niya ngayon ay maalaga. "Go back to sleep, I will stay here until you fall sleep," saad nitong hindi inaalis ang mga mata sa kanya. Napalunok siya nang mapagtantong ang kamay niya ay nakahawak sa hubad na dibdib nito. Pinagi itan siya ng mukha habang nanginginig ang kanyang mga kamay. "M-agpahinga ka na rin." Wala siyang maapuhap na sasabihin kundi iyon lang. Gusto niyang yumuko pero parang magnet ang mata nitong hindi niya malubayan ng titig. "No, I'll watch you sleep," sabi nitong pinagdikit ang noo nilang dalawa. Hindi makahuma si Vivien, halos mapugto na ang kanyang hininga sa pagpigil doon. Hindi lang hipnotismo ang nangyari sa kanya, para na rin siyang itinulos sa kinatatayuan. Halos habulin niya ang hininga sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero alam niya sa sarili niya na hindi na iyon dahil sa takot. "Sleep now, please. Kailangan mo ng pahinga!"malalalim ang hininga nito na para bang nagpipigil. Gustp niyang magprotesta. Mas lalo lang siyang hindi makakatulog kapag binantayan siya nito. "Go now," ika nitong binigyan siya ng espasyo para makadaan. Inalis niya ang nanginginig na kamay sa dibdib nito saka dahan-dahang naglakad papuntang kama. Naramdaman niyang nakasunod ito sa kanya. Humiga na siya at umupo naman ito sa pang-isahang sofa sa gilid ng kama niya. "Sleep," utos nito. Pinilit niyang isara ang mga mata para makatulog kahit pa buhay na buhay ang buong systema niya dahil sa presensiya nito. Yes, she had a nightmare. Nagsinungaling siya noong sabihin niyang hindi, at kung hindi dahil sa paulit-ulit na pagtawag nito sa kanyang pangalan, malamang nabangungot na siya nang tuluyan at hindi na nakaahon. Pinanindigan siya ng balahibo,lalo na sa isipin na ang taong kinasusuklaman niya ay ang taong magsasalba sa kanya sa pinakamatinding bangungot sa buhay niya. Ito ang nagbibigay ng masamang panaginip sa kanya noon. But now, he's the light of that dark world. He's the hands trying to reach her from the deep hole. He's the glue that keeps her intact and sane. He became everything. Just one act of kindness erase all her hate. At sobrang natatakot siya roon. Natatakot siyang sumandal dito. Natatakot siyang ang suklam na nararamdaman niya ay maging paghanga. Kasi ngayon, nararamdaman niya sa kanyang sarili, unti-unti siyang nahuhulog dito. At ayaw niyang mahulog, baka patibong iyon,baka hindi na niya kayang ilaban ang sarili kung patuloy siyang magpakahulog dito. She will be a willing victim...kapag nagkataon. Akala ni Vivien ay mahihirapan siyang makatulog, pero ilang minuto lang ng pag-alinlangan ay mahimbing na ang kanyang tulog. Malalalim na ang kanyang hininga hudyat ng mahimbing na pagtulog. Inayos ni Jayson ang kumot sa katawan ni Vivien.With his heavy sigh staring her, nanginginig ang kanyang kamay na hinaplos ang mukha ng babae. "Almost, I almost lost myself. Buti na lang nakontrol ko pa ang aking sarili Vivien. You will hate me the most if I did it. And I will not going to forgive myself!" bulong niya sa natutulog na babae. Muli siyang naupo at nakatulugan ang pagbabantay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD