Pagkatapos makapaglinis sa kusina, nagpaalam na sa kanya si Vivien upang magpahinga. Nanatili pa siya roon. Nasa harap niya ang tatlong bote ng San Mig Light.
"She doesn't want to talk hijo. Ayaw niya rin magpa-medical. Itinatanggi na may mga nangyari. Nakiusap pa siyang huwag sabihin sa iyo," naalala niyang sabi ng doctor bago niya ilabas si Vivien sa hospital. Pinakiusapan pa siya ng doctor na act normal, huwag magtanong. Vivien was in trauma and she's in denying stage. Hintayin na lang daw na ito ang mag-open up. Kusang magsabi ng totoo.
Nilagok niya ang isang bote.
The f**k. Kating-kati na ang kanyang mga kamay pagbayarin kung sino ang may kagagawan ng pagdurusa ng babae. Ubos niya ang isang bote ng San Mig Light. Nagbukas pa siya ng isa.
She looks okay. She acts normal. Lips can lie but not the eyes. Nguminguti ito pero hindi inaabot ang mga mata nitong bilugan, hindi na ito gaya ng dati na kahit binu-bully niya ito noon, masaya pa rin ang mga mata nitong nakikipagtawanan at nakikipagkulitan sa iba.
There's something in the back of it. Pilit itinatago sa madilim na parte.
He promised to open it. Kahit anong paraan pa! Kung pwede niya lamang sanang panghimasukan iyon agad ay pinilit na niya ang babae, but he needs to respect her privacy.
They hated each other. Aso at pusa silang dalawa. They clash, never reconcile. He never said sorry. He wants too. Pero madami ang pumipigil sa kanya.
Just like before...
Tulala siya habang nakatitig sa mahabang buhok na nasa palad niya.
Gulat na gulat siya sa ginawa ni Vivien. Ginupit nito ang kalahati ng buhok para lang kumawala sa kanya.
"Woah...Hindi ka kaya sumobra, brad?" Nakatawang umakbay sa kanya si Eliseo. Siniko niya ito.
"Shut up!" sigaw niya sa pagmumukha nito. Napatigil naman si Eliseo. Maging ang mga kaklase nilang nakikipagtawanan.
"Kawawa naman si Vivz," rinig niyang usal ni Carol. Napatingin siya rito, dahilan upang matameme at yumuko ang babae.
He felt guilty kaya naman agad niyang kinuha ang bag at balak habulin ang umiiyak na si Vivien. Ipapaayos na lamang niya ang buhok nito sa salon sa bayan.
Nakita niya si Vivien na mabilis na naglalakad. Tatawagin niya sana ito noong bigla na lang nitong nakasalubong si Robert. Nagdilim ang ekpresyon ng kanyang mukha, lalo na noong makita niyang hinila ng binatilyo si Vivien.
"Sorry? She doesn't need my sorry. Bagay lang sa kanya iyon. Buti nga sa kanya. Bwisit!"
Pinaglalaruan niyang sipain ang mga batong nadadaanan habang palihim na sinusundan ang dalawa. Isang salon ang pinasok ng mga ito.
"Go home! Go home now!" paalala niya sa sarili. Pero hayun siya at naghintay sa labas. Nakatago sa may puno ng mangga.
Pagkalipas ng halos tatlumpong minuto. Lumabas ang dalawa kasabay ang isang bading na sa tingin niya 'y may-ari ng salon.
Vivien had a bobcat short hair just below the ears. It was too short pero mas bumagay ito sa kanya. It enhanced her heart small face. Binagayan pa ng side bangs, mas naging dalaga tuloy itong tingnan kahit nasa murang edad pa lamang.
"s**t!"
Napasuntok siya sa may puno. Nagsisisi tuloy siya, sana ay hinayaan na lamang niya itong may malagkit na buhok. Mas okay pa na ganoon, kesa naman ngayon. Lalo itong kapansin-pansin.
Nagbukas muli siya ng isang bote. Noon pa man ay hindi na niya maintindihan ang sarili. He loves to see her cry, in pain and hurt. Sinisisi niya rito ang mga pangyayari sa kanilang pamilya! But then, he still care. Ayaw niyang may ibang manakit at magpaiyak dito.
But then, ayaw niya rin na masaya ito. Tumatawa, lalo na kapag kasama ang Robert na iyon. Kaya naman ay lagi niyang sinisira ang masaya sanang araw ni Vivien. To the extent na talagang sumosobra na siya.
Second year highscool sila noon. Magkaklase na naman sila.
Nakikipag-usap si Vivien sa kaibigang babae na si Carol. Kinikilig na nagkukuwento ito. Kaya naman na-curious siya at lumapit para mapakinggan ang kwentuhan.
Hindi siya napansin na lumapit kaya patuloy pa rin ito sa pagku-kuwento.
"Niyaya niya ako. Punta raw kami sa piyestahan sa kabilang baranggay."
Magkahawak kamay na kinikilig din ang nakikinig na si Carol.
"Date ba yan? Magde-date kayo? Ayie!" Tila kiti-kiting gumalaw ang malalanding babae. Napakunot noo siya. Kaya pala nakabihis si Vivien. Suot nito ang paboritong damit kapag may okasyon.
Bigla na lang naghimutok ang butse niya. Lalo pa at nakikita niyang masayang-masaya ang babae.
Hawak-hawak ang bote ng coke. Bigla niyang ibinuhos ito sa damit ni Vivien.
Gulat na gulat na napatayo ito at hinarap siya.
"Anong ginawa mo?" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"Oops...akala ko basurahan. Ang baho kasi eh!"
Mabilis at nanggigigil na lumapit si Vivien sa kanya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha. Isang sampal pa sana pero nahawakan niya ang mga kamay ni Vivien.
"One more and I'll give you more than that!" banta niya na ikinatakot nito.
Umatras ito kasabay ng pagbitiw niya sa mga kamay na hawak niya.
Basang-basa ito at nanlalagkit.
Pilit pinupunasan ng panyo ang basang damit. Ibinato niya rito ang malinis na white t-shirt mula sa kanyang bag.
"Isuot mo yan." Saka siya naunang lumabas ng classroom dahil uwian na.
"Tignan lang natin kung makakapag-date ka pa na ganyan ang suot!" bulong niya sa sarili.
Extra large na T-shirt iyon, hindi dahil sa allo siyang tumaba, talaga lang na tumangkad siya. Nagpasya siyang mag-work-out noong nakaraang bakasyon. It paid off dahil hunk na siya ngayon. Six pack abs, with those broad muscled shoulder. He has a perfect toned body.
Dahil din doon ay mas lalo siyang nagmukhang gangster sa school. May mga bad boy din pero wala ang mga ito sa kanyang kalingkingan.
Sobra siyang nirerespeto ng mga ito kaya walang nais kumanti o kumalaban sa kanya.
Kinaumagahan, galit na galit siya nang makita ang puting t-shirt sa sahig. Madumi na at halatang pinampunas ng basang sahig. Sinipa niya iyon at tinumba ang mga upuang nasa paligid. Kaya naman halos ayaw magsipasok ang mga kaklase niyang nagdadatingan na. Hindi rin pumasok si Vivien sa umagang iyon, kaya lalong naghimutok ang kalooban niya rito.