Sa katotohanan na nag-alinlangan at nagdududa siya kung bakit bigla na lang bumait sa kanya si Jayson ay sumama pa rin siya rito. Inilabas siya nito sa hospital sa araw ding iyon at dinala sa bahay nito sa kabilang bayan.
Nasa ikalawang taon na sila sa kolehiyo, at doon ito tumutuloy tuwing pasukan. Katamtaman ang laki noon. Atubili pa siya na pumasok noong pagbuksan siya ng pinto.
"Dito ang silid mo," ika nito at itinuro ang isang pinto sa kaliwa. May isa pang pinto sa kanan kaharap ng silid, hula niya ay kuwarto nito.
Binuksan ni Jayson ang pinto. Nanatiling nakahawak ito sa pihitan, hinihintay siyang pumasok. Bantulot siyang humakbang papasok.
Namangha siya sa disenyo ng kuwarto nang makapasok na siya nang tuluyan. It has a modern design. Purple color ang dingding. The queen size bed has a floral bed sheets.
Halatang nakadisenyo para sa isang babae. Napakagat labi siya. Kung ano-ano ang nasa isip siya sa oras na iyon.
"It was my mom's room kapag dumadalaw siya rito. She's not here at nanatili muna sa Maynila, you can use the room," wika nitong parang nabasa ang anumang nasa isipan niya.
Nabunutan din siya ng tinik nang malaman na hindi ito silid ng babae nito. Pero mas nag-alangan naman siyang gamitin ang silid ng ina ni Jayson.
"Puwede akong matulog sa sofa, huwag na rito. Ayaw kong haluan ng amoy ko ang napakabangong amoy ng nanay mo." Matipid niyang nginitian ang lalaki. Talagang nahihiya siya.
He sighed as he enter the room with her stuff. Ibinaba nito sa kama ang mga supot ng damit, tsinelas at sapatos na binili nila sa bayan bago umuwi.
"Use the room," he paused as he look at her intensely. "Or if you want, you can sleep with me, on the same bed," tatawa-tawang suhestiyon nito. Pilit pinapagaan ang sitwasyong medyo bumibigat.
Inirapan ni Vivien si Jayson. Hindi siya nakahuma sa sinabi nito. Napakagat tuloy siya sa pang-ibabang labi.
"Sa kusina na muna ako," putol sa katahimikan na namayani at paalam ni Jayson makaraan ng ilang saglit. Nakalabas na ito sa pinto nang bigla itong dumungaw ulit.
"By the way, take a bath. Nangangamoy ka na eh!" Natatawang suhestiyon nito at tinakpan pa ang ilong ng kamay.
Ibinato ni Vivien ang hawak na damit mula sa supot. Tatawa-tawang pinulot iyon ng lalaki at ibinato pabalik sa kanya. Eto na naman, inuumpisahan na naman siya.
Bully talaga, at hindi na yata maaalis sa sistema nito ang pangbu-bully sa kanya. Pero nakakapanibago dahil ibang pangbu-bully ang ngayon. Magaan na parang nakikipagbiruan lang ang lalaki. Tuloy hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
Paglapat ng pinto pasara ay agad niyang inamoy ang sarili.
Yuck! Amoy hospital siya.
Kailangan na talaga niyang maligo.
Nagtungo siya sa banyo. May sariling banyo ang kuwartong iyon. Maliit lamang pero kumpleto sa gamit. Mukhang nakahanda talaga para sa sinumang bisita. May tuwalya na rin, bago ang sabon at shampoo na naroon. May bagong sipilyo at toothpaste na rin. May maliit na walk in shower ito. Lalong lumawak ang kanyang ngiti sa labi. Sa bundok kailangan niyang mag-igib ng tubig. Nakakapagod dahil mahina ang hatak ng poso kaya ilang beses siyang pabalik-balik para makapuno ng isang batyang tubig.
Dinama niya ang tubig gamit ang kamay para sa hustong temperatura ng panligo niya. Agad siyang nagtangal ng damit at pinaragasa ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Nang may maalala noong shinashampuhan na niya ang buhok.
"Yuck, Ang lagkit ng buhok mo? Naliligo ka ba? Ang baho-baho pa!" Tuya ng chubby at labing isang taong gulang na si Jayson. Kaklase na naman niya ito sa grade 5.
Walang araw na hindi siya nito pinapansin. Suwerte sana siya kasi halos lahat ng mga kaklase niya ay nagpapapansin dito para kausapin at kaibiganin .
Subalit mas nanaisin pa niyang sana ay parang hangin na lang siya kung ituring ni Jayson. Pinapansin nga siya, panay pang-aasar at pambu-bully naman ang napapala niya.
Ngayon nga ay hawak-hawak nito ang buhok niya. Hindi naman masakit ang pagkakahawak nito doon pero naiinis siya dahil pinapanood sila ng mga kaklase. Mangiyak-ngiyak niyang hinihila iyon habang nagtatawanan ang mga ito.
"Ano ba? Bitiw sabi!" sigaw ni Vivien.
Ngunit hindi niti binitiwan ang kanyang buhok. Aminado naman siya na hindi siya nakapag-shampoo.
Pero naliligo siya araw-araw, wala lang talaga siyang pambili ng kagamitan.
"Bitiw sabi eh." Pilit niyang hinihila ang buhok sa pagkakahawak ni Jayson.
Ngising-aso naman ito nang muling magsalita.
"See? It's like a glue, nadikit na yata ang kamay ko." Pang-aasar pa nito sa kanya.
Sa totoo lang, asar na asar na siya talaga. Nahagilap ng kanyang mga mata ang gunting sa upuan na malapit sa kanya. Inabot at mahigpit niyang hinawakan iyon.
"Bibitiwan mo ba ang buhok ko o..." at iniamba niya ang hawak na gunting dito.
"Woah! nakakatakot. Anong gagawin mo? Sasaksakin ako niyan? Go, tignan lang natin!" banta nitong hindi man lang natakot sa gunting.
Nagpupuyos na talaga sa galit si Vivien. Ubos na ubos na ang pasensya niya.
Walang sabi-sabing ginunting niya ang kalahati ng kanyang buhok. Ewan niya kung gaano kaikli o kahaba ang nagunting niya. Importante ay ang makawala siya kay Jayson.
Gulat na gulat ang lahat sa kanyang ginawa. Maging si Jayson ay napamura na lang.
"Anong ginawa mo?" shock na bulalas nito at talagang hindi makapaniwala.
Nabitiwan na siya nito sa wakas.
Hawak-hawak nito ang kalahati ng kanyang buhok. Wala siyang maisip na paraan para makawala rito kaya naman ginupit na lamang niya ang buhok niyang mahaba. Ngayon ay hanggang balikat na lamang ito dahil sa pagkakagupit niya. Hindi pa pantay kaya malamang ang iba ay mas maikli pa.
"Next time iyang kamay mo na ang gugupitin ko!" Mangiyak-ngiyak niyang banta dito bago tuluyang kumaripas ng takbo. Binigyan niya ito ng matalim na titig at tuluyang lumayo.
Uuwi na sana siya ng makasalubong niya si Robert. Ang batang nagbigay sa kanya ng tsinelas noon.
"Ano ang nangyari, Vivien?" Umilap ang mga mata niya sa tanong ni Robert. Gusto niyang umiwas pero napigilan siya nito sa kamay.
"Ano'ng nangyari sa buhok mo?" Nag-aalalang tanong muli nito at hindi siya binibitiwan.
"Wala yan!" Hinawi niya ang kamay nito nang tangka nitong hawakan ang kanyang buhok. Nahihiya siya. Baka maamoy nito ang kanyang buhok na mabaho. Ayaw niyang ipahawak dahil malagkit din iyon. Kahiya-hiya!
"Anong wala? Sino gumawa niyan sa 'yo?" Hindi naniniwalang tanong nito. Halata sa tono ng boses ang galit dito.
"Wala nga, ano lang yan napagtripan kong gupitin. Kaya lang sobrang purol nung gunting. Kaya ito ang kinalabasan," mahabang paliwanag niya. Sinungaling na kung sinungaling. Mahalaga hindi mapa-away si Robert.
Hindi naman naniniwala si Robert. May kutob na siya kung sino ang may kagagawan nito kay Vivien.
"Sumosobra na ang hambog na iyon ah," sabi ng kanyang isip at lalong nagpupuyos sa galit dahil hindi magawang isumbong ni Vivien ang lalaki.
"Saan ka ngayon? Hindi pa tapos ang klase ah."
"Uuwi na, aayusin ko pa kasi ang buhok ko," sagot ni Vivien kay Robert at akmang aalis na.
Duda si Robert na maayos nga ni Vivien ang buhok nito. Baka makalbo ito sa kakapantay!
"Halika, ako na lang bahala riyan. Ipapaayos natin." Hinila niya si Vivien at hindi hinayaang makatanggi.
"Sandali!"
Hila-hila ni Robert. Hindi siya binitiwan kahit pa kunwaring nagpupumiglas siya!
Dinala siya nito sa isang maliit na salon. Doon na talaga siya pimilit kumawala.
"Ayaw ko rito!" Nakanguso niyang tanggi.
Maglalakad na sana siya palayo nang hilahin ulit siya ni Robert papasok.
"Hi, guwapong bagets, ano'ng maipaglilingkod ko?" Isang bakla ang lumapit sa kanila. Lumingon siya sa paligid. Walang customer.
Hindi niya maalala na may salon sa kanilang barangay. Siguro ay bagong tayo iyon.
"Magkano gupit?" tanong ni Robert. Kay Robert pa rin nakatuon ang pansin ng bading.
"Sa 'yo libre!" Paglalandi pa nito. Hindi niya masisi ang bading, sa edad na 15 binatang-binata nang tingnan si Robert. Napakaguwapo pa at makisig.
Kaya nga crush ito ni Vivien.
"Hindi ako. Itong kasama ko," sagot ni Robert at itinulak siya paharap.
Nahihiya siyang humarap sa bading.
"What happened?" eksaheradang bulalas ng bading. "Ginawa mo sa buhok mo bata ka?" Napakagat-labi si Vivien nang sa wakas, napansin na siya ng bading. Hinila siya nito at pinaupo.
"Ako'ng bahala rito, pero hugasan muna natin medyo malagkit," napangiwi ang bakla noong mahawakan ang buhok niya. Halos pamulahan siya ng mukha sa sinabi nito.
Malalakas na katok ang nagpabalik sa diwa ni Vivien mula sa alaala ng nakaraan. Sa gulat ay nabitawan niya ang sabon.
"Hoy! Okay ka lang diyan? Mukhang natulog ka na ah!" tanong ni Jayson mula sa labas. Dali-dali niyang pinatay ang tubig at nagpunas
"Oo," sigaw na sagot niya.
"Kanina pa ako kumakatok, hindi ka sumasagot? Sobra bang dami ng libag na tinatanggal mo? Concentrated?"
Mula sa labas ay rinig niya ang paghalakhak nito.
Napairap siya sa ere at Hlhindi na lamang ito pinansin.
"Well, pagkatapos mo riyan. Labas na. Kakain na tayo."
"Okay!" sigaw niyang muli, narinig kasi niya ang mga yabag nitong papalayo na.