Parang musika sa teynga ang huni ng mga ibon. Sariwang hangin mula sa malalaking puno. Para siyang hinehele habang nakahiga at relax na relax sa duyan.
Ahhh...Ang sarap ng ganitong buhay.
Nang biglang ang hele ay parang lindol sa lakas ng paggalaw ng duyan.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at naghanda para tumakbo.
Pero biglang bumuka ang lupa. Kitang kita niya ang madilim at malalim na butas sa kanyang paanan. Wala siyang pagpipilian kundi manatili sa duyan at maghintay ng tutulong.
Nang biglang may maitim na kamay ang humawak sa kanyang paa. Pilit siyang hinihila.
Sumigaw siya at nagtatadyak.
Sumigaw siya nang sumigaw habang inilalaban ang buhay. Pilit siyang hinihila sa loob ng hukay. Kapit na kapit naman siya at nilalabanan ang kamay na iyon. Ngunit kahit gaano siya kumapit. Kahit ilaban pa niya ng ilang beses. Talo pa rin siya.
Tuluyan siyang nahulog.
Sa kanyang pagkakahulog nakakita siya ng mga tao sa taas ng bangin na tinatawanan siya, o kaya ay tinutuya. May mga tingin na naaawa ngunit walang nais tumulong.
Nandoon din si Robert, ngunit may pumipigil dito para tulungan siya.
Nawalan na siya ng pag-asa.
Nang isang kamay ang pilit siyang inaabot. Subalit nagdalawang-isip siya na abutin iyon nang makita kung kanino ang mga kamay na iyon.
Gusto pa niyang mabuhay, aabutin ba niya o hahayaan niya at tuluyan nang magpalamon sa lupa?
Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata.
"Vivien, Vivien!" Narinig niyang sigaw. Patuloy ang pagsigaw sa kanyang pangalan.
"Vivien!" Sa huling sigaw na iyon ay napamulat siya at inabot ang kamay na iyon.
"Vivien?"
Sa kanyang pagmulat. Napaisip si Vivien kung ligtas na ba siya?
Nanlalabo man ang kanyang paningin, nakaramdam naman siya ng kaligtasan. Isang malaki at mainit ang nasa harap niya, nakayakap sa kanya. Nagbibigay sekyuridad na ligtas nga siya.
Nakayakap din siya rito. Kung gaano kahigpit ang yakap nito ay mas mahigpit ang kanya. Ayaw niyang bumitiw. Muli siyang pumikit. Isinubsob pa niya ang kanyang mukha sa balikat ng taong kayakap.
"Shhh... are you okay now?" isang mabining tanong iyon na nagpasikdo sa kanyang puso.
Napamulagat siya at bigla ang pagtahip ng kanyang dibdib nang marinig ang pamilyar na boses.
Bigla siyang kumalas at tinulak si Jayson.
"An'ong ginagawa mo rito? Asan ako? An'ong nangyari?" Sunod-sunod niyang tanong habang palinga-linga hanggabg sa makasalubong niya ang mata nito.
Puno ng pag-aalala ang mga matang nakatitig sa kanya. Hindi niya maintindihan, unang beses niyang makitaan ng ganoong ekpresyon si Jayson
Lagi kasi itong may blankong ekspresyon. Blanko talaga na hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito, kung ano ang nararamdaman.
Nakikita lang nila ang emosyong nito kung galit!
"Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya noong hindi siya bitiwan ni Jayson.
Muli niyang pinagala ang paningin habang pilit kumakawala kay Jayson. Hinala niya ay nasa hospital siya. Hinawakan niya ang suwero at hinila ang karayom sa kamay para tuluyang maalis.
Sobrang sakit pero tiniis niya.
Nanghihina pa rin siya at nakaramdam pa rin ng hilo, pero hindi siya puwedeng magtagal sa lugar na iyon.
Unang-una, wala siyang pambayad.
Pangalawa, kailangan niyang makaalis nang makapaghanap-buhay siya. Wala siyang pera para gastusin sa kahit anuman.
Pangatlo...
Ayaw niyang manatili sa iisang lugar kasama si Jayson.
"What are you doing?" gulat na tanong ni Jayson sa kanyang ginawa.
"Kailangan ko nang umalis," mailap ang mga matang sagot niya rito. Bumaba sa kama.
Suot ang hospital gown, nagsimula siyang maglakad. Ngunit pinigilan lamang siya ni Jayson. Hinaklit siya nito papunta sa katawan at muling niyakap.
"No, you can't." he whispered. Maawtoridad ang tinig nito sa pagpigil sa kanya.
Naestatwa siya sa bilis ng pangyayari. Hindi sila kailanman naging malapit ng ganito, ang magkayakap.
Tuloy tila may paru-parung nagsasayawan sa kanyang tiyan. Ang pintig ng puso niya ay abnormal din.
Hindi niya maintindihan pero hindi pa siya nakaramdam ng ganoong t***k ng puso. Not even to his ultimate crush and ex-boyfriend na si Robert. Pilit na lamang niyang kinumbinse ang sarili na maaring dahil may sakit siya.
"Wala akong pambayad dito kung tatagal pa ako."
Wala siyang maisip na idahilan kaya iyon ang lumabas sa bibig niya. Totoo naman, wala siyang pera.
"I'll pay everything," deklarasyon nito at pilit siyang inalalayan papunta sa kama.
"Ayaw kong magkautang..."
"Whether you like it or you need to like it...you stay here. Ako na ang bahala sa lahat. If you want to pay me, I'll tell you when or how," sabi nitong pinutol ang anumang sasabihin niya.
Still in his arms, hindi na siya muling nagsalita. Nahihilo siyang muli, isabay pa ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Nanghihina siya. Nangangatog ang kanyang mga tuhod.
Tila naman naramdaman iyon ni Jayson kaya pinangko siya nito patungo sa kama.
Kakababa lamang sa kanya ni Jayson nang bumuka ang pinto at iniluwa doon ang hangos na hangos na si Robert.
The face of a worried man.
"Vivien, an'ong nangyari? Okay ka lang ba?" Tarantang tanong nito sa babaeng kahihiga pa lang.
Nilapitan niya agad ang babaeng nakahiga. Hindi pinansin ang ibang naroon, nakatuon ang kanyang paningin kay Vivien.
"Anong ginagawa mo rito Robert? Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ni Vivien na mukhang kabado. Nanginig ang kanyang boses sa pag aalala.
"Hinahanap ka ng Tatay mo. Sabi niya hindi ka pa daw umuuwi. Nagtanong tanong ako, may nakakita nga na dinala ka dito," sagot nito at ginagap ang kamay niya. "Okay ka lang ba?ano ang nangyari?"
Takot ang gumuhit sa mukha ni Vivien.
But when she sees Jayson's dark face and dark aura. Bigla siyang kinilabutan. Mas lalo siyang natakot sa presensiya nito.
"P-pakisabi na lang kay tatay hindi muna ako uuwi,"aniya na hindi makatingin nang diretso kay Robert.
"Why?" kunot-noong tanong nito.
"Dahil...k-kasi..."
"She needs to be here for a day or two. She still needs some test," sabat ni Jayson nang wala siyang maapuhap na idadahilan.
Robert was very surprised of seeing Jayson there.
"Anong ginagawa ng gagong 'to dito?" Nagngingitngit na tanong ni Robert. Ang tinging ipinukol niya kay Jayson ay parang makakapatay.
With his dark aura, Jayson manage to smile to mock Robert.
"I'm her knight in shining armour," panunuya pa nito sa lalaki. Pinantayan ang matalim na tingin ni Robert.
Vivien was panicking. Baka mag-away muli ang dalawa. Last time ay halos mag p*****n ang mga ito. Hindi na niya maalala ang dahilan. Pero hospital ang bagsak ni Robert.
Sabagay nasa hospital sila ngayon...
Pero hindi!
"Sasama ka na lang sa akin kung ayaw mong umuwi sa inyo." Pagkukumbinsi nito sa kanya. Muli siyang hinarap nito.
Robert is about to pull her so she can stand.
"Try! Tignan natin kung makakalabas ka dito ng buhay," banta ni Jayson.
Pinigilan ni Vivien ang kamay ni Robert nakikiusap sa pamamagitan ng mga mata na umalis na ito.
"No, Vivien sasama ka sa akin" pamimilit ni Robert.
"And where are you going to take her? Sa bahay ninyo? At anong balak mong gawin kay Vivien? Gawing kabit? Hindi ba't buntis ang asawa mo? Baka mapaanak iyon ng maaga ." Ngumisi pa si Jayson habang nakikita ang pagtiim bagang ni Robert. Natutuwa siyang makita ang pagkatalo nito.
Biglang sumugod si Robert at kinuwelyuhan ang nakangising si Jayson.
"Vivien knows my situation with Elaine. Hindi kami kasal, at hindi ko kailanman gagawing kabit si Vivien. I love her, and I treasure her!"
Nagdilim pa lalo ang mukha ni Jayson dahil sa narinig mula kay Robert. Ngayon pakiramdam niya siya ang talo. Hinawakan niya ang kamay ng lalaking nakahawak sa kwelyo niya, mahigpit ding hinawakan iyon. Gigil na gigil siya at nagngingitngit ang mga ngipin. Gustong gusto niyang ibalibag sa sahig ang lalaki. Kung hindi lang dahil kay Vivien, malamang bali na ang buto ni Robert. Isa pa, ayaw na niyang dagdagan pa ang pasakit na nararamdaman ng dalaga.
Natatarantang bumangon si Vivien.
"Please 'wag kayo mag-away, uuwi na
lamang ako," Sigaw niya sa mga ito kahit pa nga hinang-hina pa siya.
Binitawan ni Robert si Jayson. Napatingin ito sa kanyang dereksiyon.
While the other man is so pissed right now.
"No way lady, sa tingin mo hahayaan kitang umuwi. Kitang kita ko ang takot mo sa Tatay mo!" Saad ni Jayson sa sarili.
"You're not going home. You will stay here!" utos ni Jayson sa dalaga.
Hindi makapaniwala, napatingin si Vivien at Robert sa kanya.
"Ano'ng pinaplano mong kabulastugan na naman kay Vivien?" dudang tanong ni Robert. Matalim ang tinging ipinukol niya sa binata.
Imbes na sagutin ang tanong ni Robert ay kay Vivien siya nakatingin.
"This is what I want you to do to pay me for your life. Stay with me." hindi iyon pakiusap kundi utos sa dalaga.
Her jaw dropped. While Robert was pissed again.
"Baka nakakalimutan mong mula pagkabata wala kang ginawa kay Vivien na mabuti. You just make her suffer! So what game is this again?" Akusa na tanong ni Robert. Muling lumapit sa dalaga at nakiusap. "Hindi ka sasama sa kanya Vivien."
Parang wala siyang narinig na salita mula kay Robert. All her attention was with Jayson na nakatitig lang sa kanya ng mariin.
Para siyang hinihipnotismo ng mga matang iyon ng lalaki.
"We can pay him back. Ako ang bahala," dagdag ni Robert para makumbinsi siya." Tara ..."
"Hindi ako sasama sa 'yo Robert. Umuwi ka na, baka hinihintay ka na ni Elaine." She cut him off.
Roberts face was in disbelief na pinagtutulakan niya ito paalis.
Humarap si Vivien kay Robert noong dumilim ang ekspresyon nito.
"I know that you are concern about me, as a friend. Salamat. Pero kaya ko ang sarili ko. Gaya ng dati, I will not allow him to bully me again. Hindi ako papatalo sa kanya. Pero gaya nga ng sabi niya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at naniningil na siya. After this... magiging normal ang lahat. Umuwi ka na." pinal na saad niya sa lalaking bagsak ang balikat na umalis.