Sa restaurant, busy naman si Vivien dahil sa natenggang trabaho kahapon. Napauwi siya sa San Agustin dahil sa kay Venson. Nag-alala siya nang sabihin ni Ginnag Perez na may sakit ito. Hindi naman niya kailangan pang umuwi dahil naroon naman si Dr. Villa pero hindi niya maiwasan. Siya pa rin kasi ang hinahanap ni Venson lalo na kapag may sakit ito. Maayos na ang lagay nito kaya nakabalik na siya sa trabaho. Lalo na at kauumpisa pa lamang ng kanilang negosyo. Ngayon nga ay kasalukuyan niyang ini-inventory at hinahabol ang kailangan gawin na dapat ay ginawa niya kahapon. Hapon na rin siya nakarating kaya siguradong aabutin siya ng madaling araw doon para matapos lamang lahat. Lalo na at katapusan na. She needs to do the accounting para malaman niya kung maayos ba ang simula ng negosyo nila.

