Nakatunghay si Jayson sa kisame. Hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Sinulyapan niya ang nakatalikod ngayong babae. Nababalot ito ng kumot at walang imik.
"Vien?" pilit niyang inaabot si Vivien. Napatigil lamang siya nang magsalita ito.
"Gusto ko nang magpahinga Jayson. Gusto ko rin sana ng katahimikan," pakiusap ni Vivien. Naglandas ang luha sa mga mata nito.
Ngayon mo pa talaga nagawang umiyak Vivien! Hindi mo dapat iniiyakan ang bagay na ginusto mo. Hindi ka niya pinilit!" pagalit na sabi niya sa sarili.
Ang bagay na hindi niya kayang ipagkaloob kay Robert ay ganon-ganon na lamang niya naibigay kay Jayson. Hindi naman malinaw ang relasyon nilang dalawa. Nagbabayad lamang siya ng utang na loob sa lalaki.
Nga ba? Iyon lang ba talaga o iyon lang ang gusto niyang paniwalaan. Hindi na niya alam...
Naging malaking ginhawa na lamang niya dahil naging masuyo ito noong malamang birhen siya. Hindi ito makapaniwala, halos ayaw nang ituloy ang naumpisahan nila.
Totoong ang ama niya ang muntik nang gumahasa sa kanya. Ito ang tinatakbuhan niya sa gabing nasa daan siya at umuulan.
Kasalukuyan siyang nagluluto ng hapunan sa maliit nilang kusina. Gawa ang bahay nila sa tagpi tagping kahoy mula sa trabaho ng kanyang ama. Bagaman maliit na bahay iyon, matibay naman ang pundasyon. Kaya akahit anong unos o bagyo ang manamantala, hindi iyon nabubuwag.
Hindo tulad ng kanyang pamilya na nabuwag ng unos na hindi niya alam kung ano.
Napatingin siya sa relo sa dingding ng kusina nila. Mag aalas- Siyete na ay wala pa ang kanyang itay na dati namang umuuwi ng maaga. Ngayong araw darating ito mula sa isang buwan na trabaho.
Naghintay siya sa labas dala ang lampara para magsilbing ilaw dahil napakadilim na ng paligid.
Nang mapansin niya ang pasuray-suray na pigura ng tao sa madilim na. daan.
Itinaas niya ang lampara at napagtantong ang tatay niya iyon. Nang makalapit ito ay inalalayan niya dahil halos hindi na ito makahakbang dahil sa kalasingan.
Medyo hindi siya mapakali dahil unang beses na umuwi ang kanyang Itay na lango sa alak.
Pinaupo niya ito sa ratan na upuan. Kumuha siya ng isang basong tubig at ibinigay sa kanyang ama.
"Tay, hetong tubig nang mahimasmasan naman kayo? Saan ba kayo galing at lasing na lasing kayo?"
Hindi siya pinansin kaya hinayaan na lamang niyang makapagpahinga ito at mahimasmasan. Inihanda niya ang tulugan ng kanyang ama sa papag.
Nang walang abisong bigla siyang sinunggaban ng ama at sinakal.
"I- i-tay!" nahihirapan niyang sambit dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa leeg niya. Halos lumuwa ang mata niya sa takot. Nanlilisik ang mga matang iyon ng kanyang Itay. Parang sa demonyo.
"Hindi ba't sabi ko huwag ka nang magpapakita sa akin ha!" Sigaw nito na mas lalong hinihigpitan ang hawak sa leeg niya. "Bumalik ka pa talaga, para ano? Guluhin muli kami?"
Halos hindi na siya makahinga na tinampal-tampal ang kamay na nakasakal sa leeg niya. Ang luha ay nagbadya sa mga mata niya pero hindi niya magawang umiyak dahil sa takot.
"It..."
Napasigaw siya sa biglaang pagbalandra nito sa kanyang katawan sa sahig. Natama siya sa dingding. Hindi pa man siya nakakabangon ay sinugod siyang muli ng kanyang ama. Parang hayop na papatay...
Naumid ang dila niya at hindi siya makapagsalita dahil sa takot sa ama.
"Hindi ka na sana bumalik, Laura!" Saad nito at tila nauulol na muli siyang dinamba nito. Pilit siyang kumawala sa ama. Tinadyakan niya ito at saglit ay nakaiwas siya, ngunit naabot nito ang kanyang paa. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang hita.
Napasigaw siya dahil tila nauulol na aso ito. Natakot siya para sa buhay niya dahil alam niyang hindi ang tatay niya ang kaharap niya. Tila nasaniban ito ng demonyo. Gusto niyang sumigaw at magpasaklolo. Humingi ng tulong. Kaya lang, wala silang kapitbahay, kahit pa sumigaw siya ng napakalakas, kahit pa lumabas pa ang lalamunan niya sa kakasigaw. Wala ni isang tutulong sa kanya.
"Napakasama mo Laura! Napakawalang hiya mo!" sigaw ng kanyang ama. Sinampal siya nito ng napakalakas.
Para siyang nabingi dahil sa lakas ng sampal nito sa kanyang mukha. Umiiyak na umiiling siya. Nawawalan na siya ng pag-asa.
Nang bigla na lamang hiklatin ng kanyang ama ang damit niyang suot napunit iyon at tumambad ang kanyang dibdib na natatakpan ng panloob. Hinaklit siya nito at hinalikan sa leeg hanggang sa dibdib.
Doon na siya napasigaw ng walang kasing lakas. Doon niya paulit-ulit na tinawag ang kanyang itay. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa ginagawang kapangahasan ng kanyang ama.
"Itay, tama na po!" Muli niyang sigaw na pakiusap. Sumigaw siya ng sumigaw habang takot na takot. Halos mawalan na rin siya ng ulirat dahil nagdidilim ang kanyang paningin.
Napatigil ang kanyang ama. Tumitig nang mabuti sa kanyang mukha.
Bigla itong napaatras sa kanya. Tulirong pinagmamasdan siya.
"Vivien?" Hindi makapaniwalang saad nito.
Nanginginig ang kanyang mga paa habang tumayo at takot na takot na lumayo sa ama. Tinatakpan niya ang sarili ng kamay dahil sa punit na t-shirt
"Anak, patawarin mo ako!" Palahaw ng kanyang ama. Tumayo at hindi alam kung lalapit sa kanya o lalayo. Sa huli ay hindi na lamang lumapit at dumausdo na lang paupo sa sahig. "Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina," tumatawang saad nito. "Nakikita ko siya sa iyo! Sa tuwing nakikita kita, ina mo ang naaalala ko at ang kataksilan niya." matalim ang titig nito sa kanya . Tawa at iyak ang ginawa nito, nababaliw dahil sa alak. Gulat na gulat si Vivien sa sinabi ng ama. "Vivien,umalis ka na. Tumakbo ka! Hindi ko kontrolado ang isip ko sa oras na ito," kinilabutan siya sa babala ng ama.
Kaya walang lingon likod siyang tumakbo. Tumakbo siya para iligtas ang kanyang sarili, at para iligtas na rin ang kanyang ama sa kasalanang alam niyang hindi nito kagustuhang mangyari.
Umiiyak siyang tumakbo habang kinukwestiyon ang mga pangyayari. Kung bakit hinahabol pa rin sila ng multo na ginawa ng kanyang ina. Ayaw niya sanang paniwalaan ang sinabi ng ama na pagtataksil ng ina. Ngayon ay naliliwanagan na siya kung bakit iniwan sila.
Nagkunwaring tulog si Vivien nang maramdaman ang pagbangon ni Jayson. Lumabas sa terasa sa kwarto nito.
Nakatalikod ito sa kanya kaya malaya niya itong pinagmasdan. Naninigarilyo ito habang malalim na nakatanaw sa kawalan.
Kinapa niya ang kanyang dibdib. Dinama ang bawat t***k nito. Alam niyang may kalakip na pag-alala ang nararamdaman niya kay Jayson.
Pero hindi niya iyon masasabing pagmamahal. Hindi pa...
Habang humihitit ng sigarilyo at nakatanaw sa kawalan. Hindi mapigilan ni Jayson na mapangiti.
Isang bagay na bihira niyang magawa.
Pinitik-pitik niya ang daliri sa railings ng terasa. Nang makarinig ng tunog na nagmumula sa loob ng kwarto. Pinatay niya ang sigarilyo sa ashtray at pumasok para hanapin ang telepono.
Sinulyapan niya muna ang babaeng akala niya ay tulog.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at sinagot iyon.
"Ninong?"
Si Doctor Villa ang tumawag sa kanya.
"Ho?"na-aalarmang ika niya. Muling napasulyap sa dalaga sa kama.
"Hindi po siya puwede dito ninong. Hindi po sila pwedeng mag pang-abot ni Vivien." mahina niyang sambit pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng babaeng napakunot noo.
"Alam ko po, alam kong kailangan ako ni mama. Sa mansion na lang po muna si mama. Uuwi ako doon."
Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Vivien. Mas naging interesado siyang mapakinggan ang usapan meron si Jayson sa kausap. Laking pagtataka niya kung bakit hindi sila pwedeng magtagpo ng ina nito.
"Kailan siya makakalabas?" Umalis si Jayson patungo sa terasa. Kaya kahit maulinigan niya ang tinig nito ay hindi naman niya maintindihan.
Napahigpit ang yakap niya sa unan.
Anong meron Jayson? Anong misteryo ba ang itinatago mo sa akin?