"Ma!" masayang bati ni Jayson sa ina. Inalalayan ito sa pagbaba sa sasakyan. Binati niya rin ang Ninong niya na siyang nag-uwi dito.
"Hijo."
Mahigpit na yumakap sa kanya si Mrs. Perez. Sinuklian niya iyon ng yakap at ngiti. Pagkatapos ay ikinulong ng kanyang ina ang kanyang mukha sa palad nito at tinitigan siya.
"Parang ang saya-saya mo ngayon anak. Ibang-iba ang aura mo."
Muntik nang mapawi ang ngiti niya sa labi dahil sa sinabi nito. Ganoon na ba kahalata ang pagbabago niya. Napatingin siya sa kanyang Ninong. Nagkibit-balikat ito.
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ng ina sa kanyang mukha saka ito inakbayan.
Nagpatianod ito habang papasok sila sa bahay.
"Masaya lang akong ayos ka na," sabi niyang muling inalayan ng matamis na ngiti ang nanunuring ina.
Inilibot ni Mrs Perez ang buong paningin sa loob ng mansyon.
"It's good to be back! Kamusta ka rito? Ang pag-aaral mo?" tanong nito habang paupo sa sofa. Ang katulong ay naglalapag ng meryenda sa center table. Tahimik ding naupo ang kanyang Ninong sa kabisera ng inupuan ng Mama niya.
"Ayos lang Ma, I manage everything. Walang problema."
Napatitig muli ito sa kanya habang humihigop ng tsaa. May nakapagkit na ngiti sa labi.
"Do you have a girlfriend hijo?" Muntikan na niyang maibuga ang juice na iniinom. Out of the blue ay iyon ang tanong. Nagkatitigan sila ng kanyang Ninong na hindi maiwasang mapangiti.
"Wala ma," sagot niya na ikinataas ng kilay nito. Na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi niya.
Well, hindi niya alam kung ano ang relasyon nila ni Vivien. Kaya hindi niya masasabi dito. At hindi niya kailanman dapat malaman. Hindi niya alam hanggang kailan niya pwedeng itago ang lahat sa kanyang ina.
"Well," nagkibit balikat ito. "Now that I'm back, pwede ka nang mag concentrate sa pag-aaral mo. Ako na ang bahala sa negosyo."
Napaayos siya ng upo at napaubo.
"Magpahinga ka na lang muna ma, kaya ko pa naman."
Tumingin siya sa kanyang Ninong para humingi ng tulong. Hindi pwedeng agad itong magtrabaho dahil sa naging kalagayan nito. Isa pang dahilan, kapag ito ang namahala sa negosyo nila ay siguradong may mga times na mananatili ito sa apartment nila.
Tumikhim ang kanyang Ninong para mag-alis ng bara sa lalamunan.
"Tama ang anak mo. You need to relax and enjoy first. Makakapaghintay ang trabaho Marietta."
Napasimangot si Mrs. Perez.
"Pinag-kakaisahan niyo ba akong dalawa? Matagal akong nawala, matagal ang nagugol kong panahon para sa pahinga."
Napabuntong hininga na lamang si Jayson sa katigasan ng ulo ng kanyang ina.
Tumayo ang kanyang Ninong at tumabi sa Mama niyang nakabusangot pa rin.
Hinawakan nito ang kamay ng bestfriend simula pa noong bata sila.
"Ako ang sundin mo Marietta. Sino ba ang doctor sa atin,ha!" Saad ni Doctor Villa. Kay Jayson nakatingin.
Mas lalong umasim ang mukha ng kanyang ina at tinampal sa balikat ang doctor.
"Huwag na huwag mo ngang magamit gamit sa akin ang pagiging doctor mo. Katawan ko ito..."
"Ma," malumanay niyang tawag dito. "It's not about how you feel with your body. Kapakanan mo ang iniisip namin ni Ninong," malambing niyang saad at lumapit din sa kinauupuan ng ina. Ngayon ay napagitnaan na nila ito. Nakahawak sa kamay ng kanyang ina ang Ninong niya samantalang naka-akbay naman siya rito.
They look like a happy family. Kung sana lang ay ang Ninong na lang niya ang naging kanyang ama.
Bagaman salungat sa kagustuhan ng kanyang ina ang pagpapahinga ng maaga, wala itong nagawa dahil dalawa na sila ng Ninong niya ang kalaban nito.
Parang batang nagmaktol ito sa kanila. Ngunit nakumbinsi rin nilang pumanhik na sa kwarto nito at magpahinga. Kasalukuyan niyang hinahatid ang Ninong sa labas papunta sa kotse nito.
"Anong binabalak mong gawin ngayon Jay?"
Mataman siyang tumitig sa amain. Tila humihingi ng payo ang mga mata niyang nakatingin dito.
Nagkibit-balikat ito at tinapik siya sa balikat.
"Hindi ko alam kung ano ang relasyon mo kay Vivien, but let her know the truth. Karapatan niyang malaman ang katotohanang kinimkim mo ng napakaraming taon. It will lessen your burden. As of your mom, hindi makakabuti sa kanya ang paglilihim mo. She was betrayed before, at ang ginagawa mo ay parang betrayal na rin sa kanya." Mahabang payo nito sa kanya. Napayuko na lamang siya dahil totoo ang mga sinabi nito. Pero saan siya magsisimula.
"I will keep your mom here, pero hindi ko maipapangako Jay kung hanggang kailan. Kilala mo ang mama mo. Impulsive na tao, hindi mo namamalayan na alam na pala niya ang lahat!"
Napalunok siya sa isiping iyon. Muling tumingin sa mga mata ng Ninong.
"Gusto kong maging masaya Ninong."
Malambot ang ekpresyon ng mukha nitong tumingin sa kanyang mukha. Nakangiti.
"I'm happy to hear that from you. I, myself want that. You've been hiding yourself in the dark world they created for you. It's time to move forward and follow the light. And that light is Vivien, I know that!"
Muli siyang tinapik nito sa balikat at pumasok na sa kotse.
"Don't worry about your mom, she will understand. Nagmahal din naman siya, mas nagpakatanga pa nga," sabi nitong humalakhak pa bago isinara ang pinto ng kotse.
Napangiti na lamang siya sa tinuran nito. Kinawayan niya ito bago tuluyang umalis ang kotse. Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
Muli siyang napasulyap sa mansion. Nang mapansin ang isang pigura sa bintana, nakasilip.
Nagkunwari siyang hindi napansin ang kanyang ina at tinahak na ang daan paloob sa mansyon. Nagpasya siyang manatili muna doon ng ilang araw.
Nakapagpaalam na siya kay Vivien kahapon. Sinabi niyang may kailangan siyang asikasuhin kaya hindi muna siya makakauwi.
Wala man lang pinakitang reaksiyon ang dalaga. Sinabihan lang siyang mag-ingat at huwag siyang alalahanin doon.
Pero sa totoo lang, hindi talaga siya mapakali. Paano kung makipag kita ito kay Robert?Paano kung puntahan siya ng ama nito o ng nanay niya?
Kaya naman sa gabing iyon, hindi siya makatulog. Pabiling-biling siya sa kanyang higaan.
Kaya kahit na alas Onse na ng gabi. Tumawag siya sa apartment para kamustahin si Vivien.
"Hello," usal ng dalaga,halatang kagigising lang dahil sa mababang tono nito.
"Vien," bulong niya sa telepono.
Tumahimik ito. Tanging paghinga lang ang naririnig niya mula sa kabilang linya.
"Kamusta ka diyan? Pagpasensiyahan mo ako kung nagising kita. It just that...I miss you." Hindi niya kayang idugtong ang huling kataga na nais sabihin.
"Ma-ma-ayos ang lagay ko Jayson," saad nito sa bigla niyang pananahimik.
Napapikit siya habang pinapakinggan ang boses ni Vivien. Hindi nila napag-usapan ang nangyari sa kanila. Gusto niyang hayaan ang babaeng makapag-isip muna. Magkaroon ng espasyo para makapagdesisyon ng maayos. Hindi lang talaga siya nakapagtiis, namimiss niya ang dalaga, kaya kahit boses lang nito na mapakinggan niya ay napakahalaga na sa kanya.
Gusto niyang panagutan si Vivien. Kaya niyang piliin ang dalaga. Hindi niya lang alam kung papaano. At kung papayag ba si Vivien.
Malungkot siyang napangiti. Binasa ang nanunuyot na labi.
"Bumalik ka na sa pagtulog. Good night Vien," paos niyang usal dito.
Hindi niya narinig na nagsalita si Vibien. Pero pinatay agad nito ang tawag niya.
Napahugot siya nang malalim na hininga. Nagpasya na lamang siyang lumabas sa terasa at manigarilyo.