"Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Art kay Vivien. Nakatanaw pa rin si Vivien sa pintong nilabasan ni Mateo. Hindi naman niya sinasadyang hindi pansinin ang lalaki. May kung anong nakadagan sa pagkatao niyang nakatitig sa kawalan. Na para bang nakikita niya pa rin doon si Mateo. May kung ano sa kanyang sarili na gustong sundan ito. "Vivien..." muling tawag ni Art. Nayakap ni Vivien ang sarili at hindi na naman maiwasang mapaiyak. "Vivien, may masakit ba? May nangyari na?" nalilitong tanong ni Art sa babae. Kakaiba ang ikinikilos nito ngayon. Napalingon din siya kung saan nakatitig kanina si Vivien. "I-ihatid mo na lang ako sa bahay, Art," nanginginig ang boses na ika ni Vivien. Napatango na lamang ang lalaki at inalalayan siya. Tahimik nilang nilakbay ang daan pauwi sa bahay n

