Chapter 20

1191 Words
Halos kaladkarin na ni Robert si Elaine para mailayo sa lugar na iyon. Mahigpit ang hawak niya sa braso nito habang hinihila. Kanina pa nagpupumiglas na bitawan siya. "Robert, nasasaktan ako!" muling pagmamakaawa nito. Nasa labas na sila ng pamilihan. Alas singko iyon ng hapon kaya wala na rin halos tao sa kalsada. Padarag na binitawan niya ang babae at matalim na tinitigan. "Ganyan ka ba kadesperada ha!" sigaw niya sa babaeng nahintakutan sa lakas ng kanyang boses. "Hindi mo ba naiintindihan o tanga ka talaga, hindi kita kayang mahalin! At mas lalo lang akong nasusuklam sa iyo dahil sa ginagawa mong panggugulo!" Mabibilis ang kanyang paghinga dahil sa labis na galit. Nakakuyom ang mga kamao dahil sa pagpipigil na masaktan ng pisikal ang babae. Sa galit na nararamdaman niya ngayon, hindi maikakailang kaya nga niyang pagbuhatan ito ng kamay. Luhaang tumingin sa kanya si Elaine! Galit ang mga matang nakatitig sa kanya. "You're becoming a monster! Nang dahil sa babaeng iyon, kaya mo akong higitin at ipahiya sa harap ng maraming tao! Kaya mo akong saktan, kami ng anak mo!" Mahina ngunit puno ng hinagpis na saad ni Elaine. Mas lalong nag-alab ang mga mata ni Robert sa galit. "Who made me a monster, Elaine?" He hold her arms tightly. Gusto niyang ipakita dito ang pagiging halimaw niya. "Huwag na huwag mong ipanlaban sa akin ang dinadala mo---" Natigilan si Robert noong mapansin ang pamumutla ng babae. May gumuhit na konting guilt sa kanyang puso noong mapagmasdan niya ito. Hindi lang pamumutla, nangingitim at nanlalalim din ang mga mata ni Elaine. Tatlong linggo pa lang ito sa bahay niya, ganoon na ang itsura nito. Maayos at maaliwalas ang mukha ni Elaine noong dumating sa bahay niya...ngayon? Is he really a monster! Tila napapasong nabitawan niya si Elaine. Hindi na makatingin ng diretso sa babae. "Umuwi ka na sa inyo!" Matigas na utos niya dito. "No..." agad siyang hinawakan nito sa braso. Nagmamakaawa. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Pero mas hinigpitan nito ang hawak. Dinalawang kamay pa nito habang nagsusumamo. Nasa ganoon silang eksena nang may pumaradang sasakyan sa harap nila. "Ano'ng nangyayari dito?" Napalingon silang pareho ni Elaine sa nagsalita. Namutla lalo ang babae samantalang nagtagis bagang naman siya. "Dad?" Napabitaw si Elaine sa kanya at umayos sa pagkakatayo. Nakadungaw sa bintana ng sasakyan ang isang matandang lalaki. Puti na ang buhok at halata na ang kulubot sa mukha. Ngunit halata pa rin ang tikas nito kahit matanda nang tignan. Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Robert. Sa totoo lang, ang ex mayor ang pinakahuling taong gusto niyang makaharap. "Umuwi ka na!" Mariing bulong niya kay Elaine. Tinalikuran at akmang aalis na. "Can we talk Robert?" Napahinto siya sa paghakbang dahil sa pagtawag na iyong ng matanda. Nagtiim bagang siya. "Wala tayong dapat pag-usapan. Mabuti pa iuwi mo na ang anak mo, baka kung mapano pa siya kung hahayaan ming manatili siya sa akin!" saad niya ni hindi hinarap ang ex Mayor. Nanatili siyang nakatalikod. Pinipigilan ang umuusbong pang galit. "Please!" Muling pakiusap ng matanda. Nangangalit ang kanyang pakiramdam. Kumuyom ang kanyang kamao. Halos mamuo na ang dugo dahil sa higpit ng pagkakakuyom nito. "Wala tayong dapat pag usapan Mr. Valdez. Ang sa akin, iuwi mo na ang anak mo. Kung ayaw mong may mangyaring masama sa kanya, ilayo mo siya..." "No, Dad. Hindi po ako sasama sa inyo," tanggi agad ni Elaine at nagmatigas. Sumabay sa kanyang paglayo. Narinig nilang dalawa ang pagbukas at pagsara ng pinto. Simbolo na lumabas ang Ex Mayor sa sasakyan. "Elaine!" Napatigil ang babae sa tawag ng ama samantalang nagpatuloy lamang siya sa paglayo. Tama lang na lumayo siya. Layuan ang mga ito habang kaya pa niyang magtimpi ng galit na nais ng sumabog. Mas magandang isauli na niya si Elaine sa ama nito. Mas makakabuti iyon sa mag-ina niya. Kung hindi niya gagawin iyon, lalong magdurusa ang babae. Baka lalo niyang makumbinsi ang sarili na gamitin ito para pasakitan ang ex Mayor. Bullshit! Mahina niyang mura. Nagsisikip ang kanyang dibdib habang patuloy sa paglayo. Naidalangin niyang sana, hindi na bumalik sa kanya si Elaine. Dahil hindi niya maipapangakong hindi niya muling masasaktan ito. Mahapdi ang mga mata ni Vivien dahil sa patuloy na pag-iyak. Ngunit gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa taong nagpahiram sa kanya ng dibdib na maiiyakan. It's been a while, na sa tuwing nasa panganib o nasa masama siyang sitwasyon, si Jayson ang laging naroon para damayan siya. Nagpasalamat siya sa pananahimik ni Jayson habang umiiyak siya. Nagpasalamat siyang walang komento ito at hinayaan lang siyang umiyak at ibuhos lahat ng sakit. "Salamat," sabi niya mula sa pagkakadukdok sa dibdib nito. Ayaw pa rin niyang umalis sa ayos nila. Napatda naman si Jayson sa salitang binitawan ni Vivien. "Salamat para saan?" piping tanong niya niya sa sarili. "I don't deserve that Vien. Kung alam mo lang," sabi niya sa sarili, may kaunting guilt na nararamdaman. "Salamat," muling saad ng dalaga. Lumayo nang bahagya sa kanya. Pilit na ngumiti ito kahit pa bakas ang lungkot sa mukha. Pinakatitigan niya ang babae. Malamlam ang mga mata niyang nakamasid dito. Masyadong malikot ang mga mata nito at hindi makatingin sa kanya ng diretso. Hinawakan niya ito sa balikat. Nagtaas ito ng paningin. Sinamantala niya iyon upang maapuhap ang mga mata nito. "Lets go home," malumanay niyang yaya kay Vivien. Tumango ito sa kanya at nagsimulang magligpit ng paninda. Tinulungan niya si Vivien. Bago sila makauwi, dumating na si Aling Mering para humalili sa natitirang liligpitin. Walang naging imik ito o tanong. Tahimik silang naglakbay ni Vivien. Siya man ay mas gusto munang tumahimik. Ngunit hindi napanatag ang kanyang utak sa pag-iisip. Napahigpit ang hawak niya sa manibela ng motor nang maalala ang pangyayari at ang mga nasaksihan niyang damdamin. Hindi maipagkakaila sa kanya na mahal pa rin ni Vivien si Robert. Ang isiping iyon ay nagpapakulo sa kanyang dugo. Nagseselos siya! Tama, selos ang nararamdaman niya dahil minahal ito ni Vivien. Samantalang utang na loob ang dahilan ng babae para pakisamahan siya. Putang ina! Mukhang ikababaliw niya ang mga alalahaning iyon. Dapat ay nagsasaya siya dahil napaghiwalay na si Vivien at si Robert ng tuluyan. Pero bakit pakiramdam niya, talong talo siya. Pakiramdam niya lalo lamang naging malaki ang puwang at pagmamahal ng mga ito sa isa't isa dahil sa paghihiwalay na iyon. Nang makarating na sila sa bahay ay hindi siya bumaba. Inalis niya ang kanyang helmet at sinulyapan ang babaeng nakakunot ang noo at may tanong sa mukha. Napalunok siya sa mataman nitong titig. "Aalis ka ba?" Napapiksi ang puso niya sa tanong nito. Nahimigan kasi niya ng tampo ang boses ng dalaga. "Ma-may sasadyain lang ako saglit. Bago maghapunan, nandito na siguro ako." Iniwas niya ang kanyang tingin sa babae. Para kasing binabasa nito ang nasa isip niya. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Sige, mag iingat ka," walang ganang sabi nitong umalis nang walang lingon sa kanya. Napanguso siya at hindi mapigilang mapangiti. Tila natunaw ang selos na naramdaman niya kanina sa inasta ni Vivien. Ngunit agad ding napawi ang ngiting iyon noong may mag-text sa kanya ang katulong nila sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD