Isang linggo na ang nakalipas simula noong magsimula si Vivien sa kanyang trabaho. Worthy ang buong araw niya dahil mas dumami ang mga suki dahil sa kanya.
Hindi niya alam, pero ibang-iba na siya tratuhin ng mga nakakilala sa kanya. Noon kasi, parang malayo ang loob ng mga tao sa kanya. Hindi naman siya sinasaktan, pero parang balewala siya sa mga ito. Hangin siya kung ituring.
Naisip niyang maaring dahil iyon kay Jayson. May mga nakakakita kasi sa kanila na lagi silang magkasama. Hinahatid at sinusundo siya nito kapag may pagkakataon. Ayaw man niya, mapilit naman ito. Umo-o na lamang siya dahil ayaw niyang makipagtalo pa rito.
"So totoo nga dito ka nagtatrabaho?" Isang nang-uuyam na tinig ang nagpalingon kay Vivien. Kasalukuyan kasi siyang nakatalikod sa mga paninda dahil sa pagbibilang ng benta.
Napabuntong hininga siya noong mapagsino ang kanyang mamimili. Kung mamimili nga ba?
"Bigyan mo ako ng isang kilong galunggong," ika nitong may pag-irap. Binagsak ni Vivien ang perang hawak sa lagayan. Tinanggal niya ang gloves na suot gamit sa pagbibilang. Pagkatapos ay nagsuot muli ng malinis na gloves para asikasuhin ang panauhin.
"Ilang kilo, Elaine? Isang kilo?" malumanay niyang tanong. Kung bakit kasi naiwan siyang mag isa ngayon sa tindahan. Ayaw niyang kaharap ang babae. Hindi dahil sa galit siya, kundi kabaliktaran nito.
"Siya na nga ang nang agaw siya pa ang may ganang magalit sa akin," muli siyang napabuntong hininga habang iginagayak ang gustong bilhin ng babae. Alam niyang kanina pa siya tinitigan ng masama.
Maayos siyang humarap sa babae. Kaya napagmasdan niyang mabuti ito. Medyo maumbok na ang tiyan nito. Siguro ay nasa apat na buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Medyo pale ang babae at payat. Hindi tugma sa sana'y malusog na ina kung magbuntis. Nilukuban siya ng pag aalala at awa. Bilang isang babae, hindi maayos ang tingin niya sa kalagayan nito.
"Ayos ka lang ba?" hindi na niya mapigilang tanong. Mababanaag sa mga mata niya ang awa. Kahit ayaw niyang ipakita iyon sa babae.
Mapait na ngumiti sa kanya si Elaine. Nasa labi pa rin ang pang uuyam sa kanya.
"Do I look okay to you?" Napataas ang boses na balik-tanong nito sa kanya. Hindi tuloy maiwasan ang mga tinging nag uusyoso ng katabi niyang tindahan at mga taong dumadaan.
Kilala pa naman si Elaine sa kanilang lugar. Anak ba naman ng Ex mayor.
"Please, calm down. Wala akong ibig sabihin sa tanong ko. Im just..."
Humalakhak ito kaya hindi na niya naituloy ang gustong sabihin.
Napakagat siya sa kanyang labi at nahihiyang na tumingin sa mga taong nagmamasid. Nahihiya siya dahil baka mag-eskandalo si Elaine.
Inabot niya ang supot ng galunggong dito.
"Libre na iyan, please, umalis ka na." Tinalikuran niya ito. Ngunit isa isang tumama sa kanya ang mga isdang pinamili ni Elaine.
Pinagbabato nito sa kanya ang galunggong.
"You b***h! Tama lang na dito ka magtrabaho, dahil kasing lansa ng mga isda ang amoy mo!" puno ng galit na sigaw nito. Kung ano anong salita at mura ang lumabas sa bibig nito.
Kinuyom niya ang nanginginig niyang kamay. Ayaw niyang patulan si Elaine dahil sa buntis ito. Baka kung ano ang mangyaring masama dito, given na parang hindi maganda ang kalagayan nito ngayon.
Patuloy ang pagmumura nito noong humarap siyang muli. Para lamang matagpuan ng mga mata niya ang matang nangungusap ni Robert.
Puno ng pangungulila ang mga mata nito. Nagbadya tuloy ang luha sa kanyang mga mata. Bumigat ang kanyang pakiramdam nang makita ang lakaking minahal ng labis.
Patuloy pa rin ang pagmumura ni Elaine, hindi napansin ang palapit na si Robert.
Robert on the other hand was furious. Hindi niya akalaing magagawang sumugod ni Elaine sa loob ng palengke. To think that it was dirty and stinky dahil sa ibat ibang amoy ng isda, nagawa pa rin nitong puntahan si Vivien para eskandaluhin.
"Elaine!" tawag niya sa babaeng biglang napatigil at napalingon sa banda niya. Tila nawalan ito ng dugo sa mukha at namutla noong makita ang galit niyang anyo.
"Ro...," mangiyak-ngiyak na biglang umamong tupa si Elaine. Hinawakan ni Robert sa braso ang babae nang mahigpit. Nakatingala sa kanya si Elaine ngunit ang mga mata ay nakatuon kay Vivien.
"Ayos ka lang?" tanong ni Robert kay Vivien na napatda pa rin dahil sa kanyang presensiya.
Nakita niya ang pagpikit nito at nang magmulat ay tumango at pilit na ngumiti, pero hindi abot sa mga mata nitong malungkot.
Malungkot din siyang tumango rito saka binalingan ang babae sa kanyang tabi. Hinila niya palayo sa lugar na iyon si Elaine.
Nakagat ni Vivien ang kanyang labi para sa pinipigilang luha. Hanggang ngayon masakit pa rin sa kanyang makita si Robert na may kasamang iba. Mahal niya si Robert, siya ang buhay niya simula noon. Pero mapaglaro ang tadhana sa kanila. Dahil ang inaakala niyang lalaking panghabang buhay niyang makakasama, aangkinin lang pala ng iba. Sa masakit pa na paraan.
Sabado ng umaga iyon,buwan ng Hunyo. Maaga siyang bumaba mula sa bundok dahil nais niyang puntahan at supresahin si Robert. Pumayag na kasi ang kanyang ama na tumira siya kay Robert sa susunod na pasukan. Nais niya iyong ibalita agad at hindi na siya makapaghintay pa. Matagal na siyang inaalok ni Robert na tumira doon dahil nga napakalayo ng bundok sa kanilang paaralan.
Noong una ay tutol ang kanyang ama. Pero nagtaka siya dahil sa tuwing umuuwi ito minsan sa isang buwan. Tinatanong siya kung kailan niya balak lumipat.
Nagtaka siya dahil parang galit ang kanyang ama at ipinagtatabuyan siya nito paalis. Sa totoo lang ayaw niyang iwanan ang bahay kubo nila at ang kanyang ama na minsan niya lang nakakasama.
"Sige na Vivien, ipagpapasalamat mo pa ang pagtataboy ko sa iyo. Dadalawain na lang kita sa bayan. Sa maraming tao!" Naguguluhan siya sa sinabi ng ama,ngunit hindi na nagtanong para hindi na mapalaki ang hindi nila pagkakaunawaan.
Part of her was happy, makakasama na niya si Robert. Magsasama sila sa iisang bubong. Parang mag asawa.
Napahagikgik siya sa naisip.
Madali niyang narating ang bahay ng mga Belen. Dahan dahan siyang lumapit sa pinto. Sigurado siyang gising na si Robert. Maaring nasa kusina na ito at nagluluto.
Pinihit niya ang saraduhan, nagsalubong ang kilay niya dahil nakalock pa rin ang pinto. Dati naman kapag gising na ito, iniiwan na ni Robert na bukas ang pinto.
Inilabas niya ang spare key niya sa dalang maliit na pouch. Pagkabukas niya sa pinto, tumambad sa kanya ang nagkalat na bote ng alak sa sahig at maliit na mesa sa living room.
Bagsak balikat niyang inayos at pinulot ang mga bote.
"Ano kaya naisip ng Robert na ito at nag inom!?"
Napansin ni Vivien na medyo bukas ang pinto ng kwarto nito. Pupuntahan na niya sana para gulatin ito noong mapansin ang isang sapatos sa gilid.
Sapatos ng babae.
Inatake ng kaba ang kanyang dibdib. Nanginginig ang kanyang tuhod habang humahakbang palapit sa kwarto.
"Sana nagkakamali ako ng hinala, Diyos ko! Huwag naman po sana totoo ang kutob ko." Dalangin niya, palapit sa kwartong nakabukas ng kaunti.
Itinulak ng nanginginig niyang kamay ang pinto ng dahan dahan. Napatda siya sa eksenang bumulaga sa kanya.
Nag uunahang lumandas ang luha niya sa mga mata habang mahinang napapahikbi.
Gustong sumigaw ni Vivien pero wala siyang boses, gusto niyang sugurin ang mga taong nakahiga ng hubad sa kama pero wala siyang lakas. Tanging ang mga luha niya lamang at hikbi! Tanging kahinaan lamang ang naipapakita niya sa oras na iyon.
Natutulog ang dalawang hubad na nilalang sa kama. Si Robert ang isa, hindi niya mamukhaan ang babaeng nakayakap at nakaside view kay Robert.
Lalong lumakas ang kanyang hikbi. Kahit anong pigil niya ay kumawala ito sa kanyang bibig, dahilan upang maalimpungatan ang natutulog na si Robert.
Half-sleep,half-awake, nagmulat ng mga mata si Robert. Nanlaki ang kanyang mga mata noong magtama ang paningin nila ng umiiyak na si Vien malapit sa pinto.
Agad siyang bumalikwas ngunit isang kamay ang pumigil sa kanya. Napalingon siya sa kanyang tabi.
Manghang mangha siyang muling lumingon kay Vivien. Umiiling iling, pawang nakikiusap na hayaan siyang magpaliwanag.
Pero hindi kinaya ni Vivien ang nasaksihan. Inipon niya ang buong lakas at tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Muling nagbadya ang luha sa mga mata ni Vivien. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa tuwing nakikita si Robert. Si Robert na minahal niya. Si Robert na naging sandalan niya. Yumugyog ang balikat niya dahil sa hindi na mapigilang pag iyak. Nang isang braso ang humila sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Napasubsob ang mukha niya sa dibdib ng pamilyar na katawan. Doon na siya nag breakdown. Doon na niya ibinubos ang lahat ng sakit at hinanakit. Wala na siyang pakialam na umiyak. Malakas ang palahaw niya habang halos wala ng lakas para yumakap pabalik sa taong mahigpit siyang yakap.