"Salamat Mateo. Pasensiya na, wala naman kasing bilin si Ma'am Vivien kung ano talaga ang trabaho mo rito. Wala pa naman siya rito ngayon para sana i-orient ka." "Ayos lang, Lito," nasabi na lamang ni Mateo. Unang araw niya ngunit hindi malinaw kung ano nga ba ang trabaho niya sa restaurant. Alam niyang usapan nila ay sa likod siya ngunit iyon lang. Natapos na niya ang mga stock sa dry storage, cooler at freezer na ayusin. Ngunit kalahati pa lamang ng oras ng shift niya iyon ay wala na siyang gagawin. Ngayon ay halos nakanganga siya habang kitang kita niya na busy ang mga kasamahan. Bumuntong hininga siya ng malalim. Nadismaya pa siya dahil wala roon ang amo nila na siyang dapat ay naroon sa unang sa araw niyang iyon. "May emergency daw kasi si mam Vivien kaya umuwi muna. Pero talaga

