Kabanata 6

1183 Words

"Goodluck kuya. Impress mo si Ma'am Vivien para 'di ka mapatalsik sa trabaho," bilin ni Mayang sa hapon na iyon. Unang araw ni Mateo sa trabaho. Trabahong ayaw naman sana niya talaga. Tinaasan niya ng kilay ang kapatid. Nagsusuot na siya ng puting t-shirt at katatapos din lang maligo pagkatapos ng pagtulong niya sa kanilang ama sa bukid. Binagalan pa nga niya ngunit hindi talaga siya tinantanan ng kapatid. Narindi siya sa bibig nito. Nang maisuot na nang tuluyan ang damit ay humarap siya sa salamin na kalahati ng katawan niya ang repleksiyon. Inayos niya ang kanyang buhok papunta sa kanyang likod. Hindi niya maiwasang mapansin ang hindi pantay na kulay ng kanyang balat sa braso. Iyon ay dahil lagi siyang babad sa arawan. Ngunit mas kapansin-pansin ang kanyang mukha. Maging ang pilat niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD