"Sige, papasukin mo," utos ni Vivien. Mabilis siyang tumayo nang bumukas nga iyon para salubungin ang hinihintay. Malawak siyang napangiti nang bumungad si Mayang sa kanyang paningin. Kumaway agad ito bago mapatingin sa likuran. "Kuya, halika na," sabi nito nang wala ang Kuya na sinasabi. Natatawa siyang naikiling ang ulo. Kung gaano kaboka si Mayang ay mukhang mahiyain ang kapatid nito. Kailangan pang pilitin ni Mayang. Ang ngiti sa kanyang labi ay mabilis na napawi at napalitan ng gulat. Sa una ay hindi siya nakagalaw at parang nablanko na lang habang titig na titig sa lalaking pumasok. 'Jayson' piping anas niya habang nakatunghay sa lalaking tila gulat rin nang makita siya. Titig na titig ang maiitim nitong mga mata sa kanya. Gaya ng pagkakatitig niya rito. "Ma'am Vivien," pag

