"Ano ang sabi mo, Mayang?" kunot noong hinarap ni Mateo si Mayang. Sinasabi kasi nitong inihanap siya nito ng trabaho at gusto nga siyang mainterview ng may ari. "Bingi ka ba kuya? Paulit-ulit? Ang sabi ko gusto kang interviewhin ng may-ari ng bagong tayong resto sa bayan. Maglinis ka nga ng teynga mo!" asik ni Mayang. Halatang nairita na. Maging siya man ay iritado sa kapatid. "At sinong nagsabi sa iyo na kailangan mo akong ihanap ng trabaho? Kailangan ni tatay ng kasama dito sa bukid..." Umirap si Mayang sa narinig. "Hay naku kuya. Puwede ka naman sa hapon. Tulungan mo si tatay sa umaga. Tas pasok ka sa hapon. Isa pa, mabuti na rin na lumalabas ka rito kesa nariyan ka lang lagi sa palayan at gulayan t'saka dito sa bahay. Get a life kuya. Magpasalamat ka na lang sa akin! " Marahas na

