Abalang-abala si Vivien sa tinatayong negosyo. Kung kayat halos araw-araw siyang nasa site. Patapos na rin naman iyon. Isang bagay na lamang sa loob at tanging interior design na lamang ang kinakailangan para sa pagbubukas. Kausap niya ngayon ang designer at pinupulido na lamang nila ang mga detalye. "Gusto kong may mini playground sa loob," ika niya sa kausap na arkitekto. Alam niyang huli na para doon. Nagbakasakali lamang siya kung puwede. "Maaari tayong magdagdag sa likod. Maglagay ng pinto sa side na ito," sabi nitong iminuwestra ang kanang bahagi ng resto. "Mas malawak pa na gawing palaruan para sa mga bata." Napangiti si Vivien sa suhestiyon na iyon ng Arkitekto. Agad siyang napa-oo dahil iyon din sana ang sasabihin niya rito. A dream come true, ika nga. Isang pangarap na unti

