AZUL "Hoy, Azul! Tama na 'yang pagpapraktis, may bukas pa. Magdi-dinner na raw, naroon na ang iba sa Octagon," sigaw ni Jordan sa akin. Hinihingal na binitawan ko ang espada at shield ko. Gutom na nga rin ako. Hinanap ng mata ko si Isla pero nakita kong wala na ito. "Nauna na sila ni Judith at Rose sa Octagon. Halika na, nagugutom na ako eh," yakag sa akin nito. Napabuntong-hininga ako. Kanina ko pa napapansin na badtrip talaga sa akin si Isla. Hindi ako nito tinitignan at kung magtatama man ang paningin namin, matinding irap ang natatanggap ko rito. Hindi ako nito pinapansin kahit kaninang lunch. Tahimik lang ito at mukhang bwisit na bwisit talaga. Hindi ko tuloy maiwasan hindi mapangiti. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Honey kanina. Mukha raw nagseselos si Isla. Ayaw ko sanang mani

