AZUL Palapit ng palapit ang mga yabag. Nararamdaman kong malapit na ako nitong matagpuan. Nakapikit lang ako ng matindi at dahil alam kong ako na ang sunod na mamamatay. Parang ngayon lang tumikbo ang puso ko ng sobrang bilis. Ganito pala ang isang tao kapag nasa bingit na ng kamatayan. Halos hindi na ako humihinga. Nakikita ko sa corridor ang anino ng The Crusader. Hindi ako madasaling tao. At mas lalong hindi ako relihiyoso. Pero sa pagkakataon na ito ay nabanggit ko ang pangalan ng Panginoon sa sobrang kaba at takot. Nang akala ko ay katapusan ko na, biglang may tumunog na napakalakas sa buong pasilyo ng Elinia. Nagkulay pula ang bawat paligid. Tantiya ko ay warning ito sa lahat ng The Crusader na may nakatakas o marahil may pumindot n'yon. Kaya naman naalerto ang The Crusader at

