AZUL Madaling araw. Nagising ako dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang pantog ko. Ihing-ihi na ako. Kahit anong baluktot ang gawin ko sa tent ay hindi mapawi n'yon ang ihi ko at hindi ako makatulog. Kailangan ko pa namang mag-ipon ng lakas para mamayang stage. Parang nangiinis din kasi ang mga ito. Napakalakas ng aircon. Dinaig pa ang mga sosyaling mall sa totoong buhay. Akala naman yata ng mga ito libo ang katao sa Octagon para sobrang lakasan ang aircon. Lalo na't ang mga Pilipino ay hindi naman sanay sa malamig dahil mainit sa Pilipinas. Napabuntong-hininga ako at wala na akong nagawa kundi ang tumayo kahit bugnot na bugnot ako. Paglabas ko ng tent ay narinig kong humihilik si Jordan sa tent nito. Madilim pa rin ang paligid, halatang madaling araw kahit wala pang orasan. Marami ri

