AZUL Hanggang ngayon ay tulala pa rin kaming lahat dahil sa pangyayari. Hindi namin ma-imagine na talagang namatay na ang mga kanina naming kasama. Grabe. Ang dami pa namin kanina. Ngayon eighty na lang daw kami. Para kaming mga manika na de susi habang naglalakad. Parang sumusunod na lang kaming lahat dahil sa sobrang takot. Natatakot na baka kami naman ang batuhin ng spear sa noo. Napalunok ako. Diyos ko, ano ba itong napasukan naming sitwasyon? Akala ko noong una laro lang. Bakit ganito kabrutal? Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Tanging ang ingay lang ng hakbang namin ang maririnig. Muli kaming binalik ng mga The Crusaders sa Octagon, kung saan ang sleeping quarters namin. Napasinghap ako nang makitang ang dating sobrang daming tent ay bigla na lamang kumonti. Nagmartsa ang

