THIRD PERSON VIEW Pumalakpak si Violeta habang nakatingin sa malaking screen ng TV. Napangisi. "Wow! Hindi ko akalain na ganito kaganda ang magiging kahihitnatnan ng ginawa nating laro, Hidan. Pakiramdam ko nanood ako ng heavy drama 'ron. Sulit na rin. Damang-dama mo 'yung mga emosyon nila," nakakalokong sambit ng babae. Matiim lamang na nakatitig si Hidan sa screen ng TV. Nagtaas ng kilay si Violeta. "Hmmm. Don't tell me na nakukunsensya ka? Ikaw? Oh come on, Hidan! Alam nating parehas na walang kakayahan ng emosyong 'yun," Tinignan ni Hidan ng masama ang babae. "Pwede ba? Ang ingay mo. Wala akong sinabing nakukunsensya ako. At tama ka. Iyon ang huling emosyong mararamdaman ko," "Eh bakit ganyan ang itsura mo?" hindi pa rin kumbinsidong tanong ni Violeta. Hidan shrugged his should

