AZUL Naging tila isang napakahiwagang puno ito. Sobrang makapangyarihan. Hangin pa lang ay napakamakapangyarihan na. Pinunasan ni Azul ang luhang namuo sa kanyang mata. Hindi niya sasayangin ang pagkamatay ni Ate Judith. Sisiguraduhin niyang wala nang mawawala sa kanila. Walang mamamatay sa kanila. Sa galit niya, may lumabas na kakaibang aura sa katawan niya. Sobrang lakas ng hangin na bumabalot sa kanya. Nanglaki ang mga mata ni Jordan. "A-Azul! Ang katawan mo..." Tumingin siya sa kaibigan. "Isa ito sa mga namaster kong skills habang nagte-training tayo. Tara na't umatake tayo, Jordan!" "Oo!" Pinunasan ni Isla at Rose ang mga luha sa mata at nilabas na rin ang tinatagong lakas na natutunan noong pageensayo. "A-Ang lakas nila..." nasambit ni Shereen habang nakatitig sa dalawan

