Kabanata 44

1224 Words

AZUL Nagising ako na may matandang babae ang nakahawak sa kamay ko. Napakunot-noo ako nang maramdamang may mga nakatitig din sa akin. Ginala ko ang paningin ko. Nanglaki ang mga mata ko nang makitang ito ang mundo ng mga tao, ng mundo ko! Napasinghap ako at kinumpirma ang hinala ko. Ito nga... nasa labas na ako! Naririto na ako sa mundo ng mga tao! "M-Manang, a-ano hong lugar 'to?" tanong ko. "Nasa Cubao ka, hijo. Ano bang ginagawa mo at ng anak mo at bakit nakahiga kayo sa sahig? Malamig pa naman ang panahon, kaawa-awa naman ang anak mo," nagaalalang sambit nito. Nagsitaungan ang mga taong nasa paligid. "Oo nga, ang iresponsable namang ama. Nag anak anak, tapos hindi kaya buhayin," "Kawawa naman 'yung baby, ang ganda ganda pa naman," "Ay naku, kaya dapat lumaganap ang s*x education

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD