AZUL Sumapit ang umaga. Halos wala akong tulog dahil nag-aalala akong bumalik ang grupo ni Jerry at ang mga babaeng 'yon. Puyat na puyat ako, at tiyak kong sila Jordan ay ganoon din. Lahat kami ay nagaalala para kay Isla at kay baby Asia. Pero sa awa naman ng Diyos, hindi na muling umatake pa ang mga ito hanggang ngayong umaga. Siguro pagod at puyat din. Tahimik na pumila kami at kinain ang almusal namin. Nagmartsa ang mga The Crusaders sa harapan namin. "Ngayong araw gaganapin ang pang-apat na stage niyo. Pumila kayo ng maayos at sumunod," Nagkatinginan kami ni Isla at tinignan si baby Asia na binalot lang namin ng mga dahon na kakaiba na nakuha namin sa gubat. Parang cotton 'yon at natitiyak naming sapat na upang hindi ginawin ang aming anak. Normally, ang pinakamatagal na nagigin

