Week X :Anak mahirap pero nagsumikap
Si Liza,.! Si Liza ay laki sa hirap at anak siya nina Aling Lumeng at Mang Lando nag tatrabaho lamang ang dalawa sa isang pagawaan ng parol
mahina ang kita ng parol lalo na kung hindi pa Ber month's . kumi kita lamang ngayon ang pagawaan ng parol kapag may umoorder na mga tindahan ng parol para paghandaan ang nalalapit na kapaskuhan.
Isang araw habang nagkikipag laro si Liza sa kaniyang mga kaibigan dumating ang nanay ng isa sa kaniyang kalaro at may mga bitbit ito na tila mga gamit sa paaralan at habang nag lalaro sina liza tinanong niya ang kanyang kalaro kung ito ba ay mag aaral na sa nalalapit na enrollan sa malapit na paaralan sa kanilang bayan . Tila napaisip si Liza at dali dali siyang umuwi at sinabi sa kaniyang ina na gusto rin niyang mag aral ngunit kulang pa ang ipon ng kanyang ina para sa kaniyang pag aaral.
Alam ng kanyang ina na gustong gusto na nyang pumasok sa paaralan pero dipa talag sasapat ang kaniyang ipon para sa kanyang pag-aaral. Kinausap ng nanay ni Liza ang kaniyang asawa at sinabi ng nanay ni Liza na gusto ng mag aral ni Liza sa nalalapit na pasukan laking gulat ng nanay ni Liza na nilabas ni Mang Salvador ang isang baunan na may lamang pera at inipon pala ni mang salvador ang kaniyang pera para pag hahanda sa pag pasok ni Liza sa paaralan at natuwa naman si Aling Lumeng sa binigay na pera ni Mang Salvador para sa pag aaral ng kanila anak. at sa sobrang tuwa ni Aling Lumeng ibinalita agad niya ito sa kaniyang anak at sinabi niya na makakapag aral na si Liza.
Laking pasasalamat ni Liza sa kaniyang ama at ina na makakapag aral na siya sa nalalapit na pasukan at sa sobrang tuwa nanumpa agad si Liza na mag aaral ng mabuti para sa pag laki niya maiahon niya ang kaniyang magulang sa kahirapan.
Ang hindi alam nila Liza at Aling Lumeng habang mahimbing silang natutulog sa gabi lumalabas si Mang Salvador para umextra bilang delivery Boy sa kainan sa kabilang bayan para maipon niya ang pera para sa pag aaral ni Liza.
Dumating na ang Erollan at agad na Inenroll ni Aling Lumeng si Liza sa paaralan para makapasok na ito kasabay ng kaniyang mga kaibigan.
ngunit napaisip ang kaniyang ina na wala pang uniporme si Liza at agad na gumawa ng paraan si Aling Lumeng para may maisuot na Uniporme si Liza Pumunta ito sa kanyang kakilala at hiningi ni aling lumeng ang Lumang uniporme ng anak ng kaniyang Kakilala at naawa ang kaniyang kaibigan at ibinigay niya ang lumang uniporme at sapatos lubos naman na nagpasalamat si aling lumeng sa kaniyang kakilala.
Agad na umuwi ito para labahan para maisuot ni Liza.
At habang nag lalaba si Aling Lumeng inayos na ni Liza ang kanyang kagamitan sa Paaralan at siyang dating naman ng kaniyang ama at napansin ni liza na tila pagod ang kaniyang ama kaya naman binigyan niya ito ng tubig at agad na pinakain at sibi ng tatay ni Liza na Mag-aral itong mabuti dahil pag nawala sila yunlang ang maipapamana nila kay Liza.
At agad na sumang ayon at nagpasalamat si liza sa kaniyang amat ina at nag salo salo sila sa hapagkainan para sa kanilang hapunan at habang nalalim ang gabi lumabas ulit ang kaniyang ama para mag trabaho ulit para sa kanyang magina.
At sumapit ang umaga ginising ni aling lumeng si Liza para pumasok sa paaralan pagpasok ni liza sa paaralan nagulat siya ng maging kamag aral niya ang kaniyang kalaro.
At agad na nagsumikap sa pag aaral niya si Liza tulad ng pangako niya sa kanyang ama't , ina.
habang tumatagal ang araw patuloy parin si liza sa kanyang pag aaral at kahit na maraming tukso patuloy parin siya hindi niya pinapansin ang mga hadalang sa kanyang pag aaral at dumating ang takdang panahon para sya ay para ngalan.
Laking tuwa ng kanyang ama at ina na napasali siya sa mga paparangalan at may onor.
Nang maka graduate siya sa elemtarya tumungtong namn siya sa Highschool ngayon ay labing tatlong taong gulang na sya. Habang tumatagal lalo nya pang pinag sipagan ang kanyang pag aaral para sa mga pangako niya sa kanyang mga magulang.
Dahil gusto ni Liza na maging isang guro pag laki niya.
lumipas pa ang ilang taon naka graduate na si liza sa highschool at panarangalan din siya ng award at sya ang may pinaka mataas na grado sa buong paaralan.
Natutuwa nag mga guro kay Liza. Dahil si liza dapat ang tularan ng mga mag aaral na kahit mahirap ang buhay nagsusumikap para makamit ang inaasam na tagumpay. ng maka pagtapos si Liza sa Highschool tutungtong naman siya sa kulehiyo ngunit iniisip niya na mahal ang tuition sa kulehiyo lalo na't pag guguro ang gusto niyang kurso.
Pag uwi niya nakita agad niya ang kanyang ina at sinabi na gusto niyang mag kulehiyo pero may sakit sa puso ang kanyang ama dahil sa katandaan na neto. paano na sya makakapag aral sa kulehiyo hindi tumigil si Liza nag isip sya ng mga raket kung paano matulungan ang kanyang ina at ama.
Namasukan si Liza bilang Cashier sa isang fastfood chain malapit sa kanila tatlongdaangpiso ang sweldo niya kada araw doon. at para makatulong maka ipon pinasok narin niya ang pag tuturo sa mga bata o bilang tutor.
Ngunit lahat ng paghihirap niya parang nawala lang dahil pag uwi niya wala na ang kanyang ama.
binawian na ito ng buhay nawalan ng lakas si Liza at parang ayaw na nyang lumabas lagi ng bahay at dahil hindi sumuko ang kanyang nanay kinausap nya si liza para lakasan ang loob nya. lumipas ang isang taon at napaisip si Liza na dapat syang mag sumikap bumalik siya sa pag cacashier nya at pag tututor nya at nag ipon siya sinabay narin niya ang pag aaral at pag tatrabaho. at makalipas ang limang taon nakapagtapos nasi liza sa kolehiyo at napaluha nalang sya bigla dahil alam nyang hindi na makikita ng kanyang ama ang kanyang tagumpay . pero alam nyangkung nasaan man ito ay masaya na sya at naisipan niyang pumunta sa libingan ng kanyang ama kasama niya ang kanyang ina at inalay niya ang kanyang parangal sa kanyang ama at nangako sya na magsusumikap sya para sa kanilang dalawa ng kanyang ina.
Hanggang tinawagan siya ng may ari ng paaralan at sinabi na nakahanda ng maging guro si liza dahil binigyan siya ng parangal dahil sa angkin nyang talino para magturo sa mga kabataan sa kaniyang paaralan na pinag mulan.
Alam ni liza na kung hindi dahil sa kanyang ama at ina ay hindi sya makakatungtong sa position na yon kaya sinabi ni liza na lahat ng tagumpay na iyon ay para sa kanyang mga magulang at dito nag tatapos ang kwento ng isang bata na laki man sa hirap pero nagsusumikap para makamit ang tagumpay na pinapangarap.