"Akala mo lang 'yon, Alex. Dahil hindi ko pinapahalata o pinapakita ang emosyon ko. Pero ang totoo ay alalang-alala ako sa kanya. At walang magulang na panatag ang kalooban sa tuwing malalayo ang kanilang anak sa piling nila. Lalo na kapag alam mong nawawala ang anak mo. Ngunit dahil alam kong matapang si Belinda at may tiwala ako sa kanya. Alam ko na nasa mabuti siyang kalagayan." Sagot naman ni Eduardo. "Pasinsya na po. Kung nagpabaya ako. Lalo na po ngayon, nasa kamay ko na nga siya nakatakas pa rin." Paumanhin muli ni Alex. "You know what, Alex. Huwag kang papatalo sa emosyon mo at dapat huwag mo 'tong ipapakita sa ibang tao. Kasi kung minsan, puwede tayong ipahamak nito. Lalo na kapag nakasal na kayo ng anak ko." Makahugang saad pa ni Eduardo. "Opo, tatandaan ko po ang sinabi niyo.

