bc

She Stole my Heart

book_age18+
1.4K
FOLLOW
7.1K
READ
HE
age gap
friends to lovers
arrogant
mafia
bxg
lighthearted
musclebear
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

"Dad, bakit naman sa dinami-rami ng tao sa mundo, siya pa? Saka, Dad. Hindi na ako bata na kailangan pang alagaan. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko. Tapos halos sampong taon pa ang tanda niya sa akin. Hindi porque siya ang pinagkakatiwalaan niyo sa kaniya niyo rin ako ipapakasal. Ano ba 'yan? Napaka unfair niyo naman," reklamo nito at hindi sang-ayon sa kagustuhan ng kaniyang Ama.

'Doon pa talaga sa lalaking nanakit ng puso ko," aniya rin nito sa kaniyang isipan.

"Belinda! Makinig ka sa akin. Hindi ko 'to ginagawa para sa 'kin. Ginagawa ko 'to para sa 'yo at pagdating ng araw maiintindihan mo rin kung bakit siya ang gusto ko para sa iyo. Isa pa, sa ayaw at gusto mo. Ako ang masusunod at habang nabubuhay ako. Ako ang batas sa pamamahay na 'to!" paliwanag at madiin na wika nito.

"Susundin ko kung ano man ang gusto niyo. Kahit ayaw ko! Sino ba naman ako sa pamamahay na 'to. Isa lang naman akong sunudsunuran at walang kalayaan mula nang mamatay si Mommy," saad ng dalaga na nagmamaktol at iniwan na lamang ang ama nito.

"Belinda! Bumalik ka rito!"

Sa paglabas ng dalaga sa bahay ay agad naman itong sinundan ng kaniyang mga bodyguard.

"Huwag kayong sasakay sa kotse ko, kung ayaw niyong mawala ako ulit sa paningin niyo at managot sa ama ko!" galit at bantang wika nito. Agad namang sumunod ang kaniyang mga alipores.

Sasakay na sana ito ng kaniyang sasakyan nang mapansin ang isang kotse na huminto sa kaniyang harapan at bumaba ang lalaking unang nagpatibok at nanakit ng kaniyang puso.

Bumaba ito ng sasakyan at seryoso ang mukha nang marinig niyang nagsalita ang dalaga.

"Andito ka rin, pala. Pinapunta ka ba ng mahal kong, Ama? Masayang-masaya ka na siguro ngayon, ano? Natupad na ang pangarap mo. Akalain mo 'yon. Napaka suwerte mo naman. Sa dinarami-rami ng tao sa mundo sa iyo pa talaga ako ipapakasal ng ama ko. Sana all nakukuha ang lahat ng gusto, kasi naman ang galing mong sumipsip," nang-iinis na saad nito.

"Mawalang galang na, pero hindi ako narito para makipagtalo sa 'yo. Oh, ang patulan ka. At huwag kang mag-aalala, dahil hindi rin ako sang-ayon sa kagustuhan ng ama mo. Pero wala akong magagawa," saad din nito na hindi nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"Walang magagawa? Oh, baka naman kasi, gustong-gusto mo rin? Sabagay, ikaw ba naman ang magiging boss kapag nakasal na sa akin at magkakaroon ng maraming pera. Bakit hindi 'di ba? Pera na 'yan kaysa maging bato pa," makahulugang saad pa ng dalaga.

"Kung gusto man kita, sana noon pa. Noong sinabi mong gusto mo 'ko, 'di ba, baby girl?" makahugang wika ng binata.

"Ay 'yon, ba? Sorry, ha? Limot ko na kasi 'yon, eh. Saka bata pa ako no'n. Kaya huwag kang umasta na patay na patay ako sa 'yo. Alam mo kung bakit? Kasi para sa akin. Isa ka lang asong ul*l na sunod nang sunod sa ama ko. Tandaan mo 'yan!" galit na wika nito.

"Itong asong ul*l na 'to ang magpapaamo sa 'yo. Huwag kang mag-alala. Dahil no'ng sinabi ko sa 'yo noong bata ka pa na hindi kita gusto. Hanggang ngayon. At kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan," saad naman ni Alex at iniwan na ang dalaga.

Nakaramdam lalo ng galit si Belinda para sa binata at kasama na ng bahagyang kirot sa dibdib nito, kaya ipinangako nito sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat para mapa-ibig ang binata at makaganti.

chap-preview
Free preview
chapter one
"Dad, bakit naman sa dinami-rami ng tao sa mundo, siya pa? Saka, Dad. Hindi na ako bata na kailangan pang alagaan. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko. Tapos halos sampong taon pa ang tanda niya sa akin. Hindi porque siya ang pinagkakatiwalaan niyo sa kaniya niyo rin ako ipapakasal. Ano ba 'yan? Napaka unfair niyo naman," reklamo nito at hindi sang-ayon sa kagustuhan ng kaniyang Ama. 'Doon pa talaga sa lalaking nanakit ng puso ko," aniya rin nito sa kaniyang isipan. "Belinda! Makinig ka sa akin. Hindi ko 'to ginagawa para sa 'kin. Ginagawa ko 'to para sa 'yo at pagdating ng araw maiintindihan mo rin kung bakit siya ang gusto ko para sa iyo. Isa pa, sa ayaw at gusto mo. Ako ang masusunod at habang nabubuhay ako. Ako ang batas sa pamamahay na 'to!" paliwanag at madiin na wika nito. "Susundin ko kung ano man ang gusto niyo. Kahit ayaw ko! Sino ba naman ako sa pamamahay na 'to. Isa lang naman akong sunudsunuran at walang kalayaan mula nang mamatay si Mommy," saad ng dalaga na nagmamaktol at iniwan na lamang ang ama nito. "Belinda! Bumalik ka rito!" Sa paglabas ng dalaga sa bahay ay agad naman itong sinundan ng kaniyang mga bodyguard. "Huwag kayong sasakay sa kotse ko, kung ayaw niyong mawala ako ulit sa paningin niyo at managot sa ama ko!" galit at bantang wika nito. Agad namang sumunod ang kaniyang mga alipores. Sasakay na sana ito ng kaniyang sasakyan nang mapansin ang isang kotse na huminto sa kaniyang harapan at bumaba ang lalaking unang nagpatibok at nanakit ng kaniyang puso. Bumaba ito ng sasakyan at seryoso ang mukha nang marinig niyang nagsalita ang dalaga. "Andito ka rin, pala. Pinapunta ka ba ng mahal kong, Ama? Masayang-masaya ka na siguro ngayon, ano? Natupad na ang pangarap mo. Akalain mo 'yon. Napaka suwerte mo naman. Sa dinarami-rami ng tao sa mundo sa iyo pa talaga ako ipapakasal ng ama ko. Sana all nakukuha ang lahat ng gusto, kasi naman ang galing mong sumipsip," nang-iinis na saad nito. "Mawalang galang na, pero hindi ako narito para makipagtalo sa 'yo. Oh, ang patulan ka. At huwag kang mag-aalala, dahil hindi rin ako sang-ayon sa kagustuhan ng ama mo. Pero wala akong magagawa," saad din nito na hindi nakatingin sa mga mata ng dalaga. "Walang magagawa? Oh, baka naman kasi, gustong-gusto mo rin? Sabagay, ikaw ba naman ang magiging boss kapag nakasal na sa akin at magkakaroon ng maraming pera. Bakit hindi 'di ba? Pera na 'yan kaysa maging bato pa," makahulugang saad pa ng dalaga. "Kung gusto man kita, sana noon pa. Noong sinabi mong gusto mo 'ko, 'di ba, baby girl?" makahugang wika ng binata. "Ay 'yon, ba? Sorry, ha? Limot ko na kasi 'yon, eh. Saka bata pa ako no'n. Kaya huwag kang umasta na patay na patay ako sa 'yo. Alam mo kung bakit? Kasi para sa akin. Isa ka lang asong ul*l na sunod nang sunod sa ama ko. Tandaan mo 'yan!" galit na wika nito. "Itong asong ul*l na 'to ang magpapaamo sa 'yo. Huwag kang mag-alala. Dahil no'ng sinabi ko sa 'yo noong bata ka pa na hindi kita gusto. Hanggang ngayon. At kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan," saad naman ni Alex at iniwan na ang dalaga. Nakaramdam lalo ng galit si Belinda para sa binata at kasama na ng bahagyang kirot sa dibdib nito, kaya ipinangako nito sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat para mapa-ibig ang binata at makaganti.❤ Nagmamaneho si Belinda nang tumunog ang cellphone nito, kung gaya agad niya itong sinagot. "Belinda, nasaan ka na? Kanina pa ako rito sa mall, pupunta ka pa ba rito o hindi na?" tanong ni Myra ang kaibigan nito. "Papunta na malapit na, hintayin mo na lang ako," sagot naman ng dalaga. "Ano ba kasing nangyari? Bakit ang tagal mo?" tanong muli nito. "Saka ko na lang ipapaliwanag kapag nandiyan na ako. bye," wika nito at pinutol na ang linya. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakarating na ito. "Kailangan niyo ba talaga akong sundan?! Uupo lang ako doon, oh?" galit na tanong ni Belinda sa mga body guard nito at nakaturo pa kung saan naroon si Myra. "Opo, Ma'am. Iyon po kasi ang sabi ng ama niyo. Pasinsya na po, ginagawa lang namin ang trabaho namin," paumanhin na wika ng isang body guard nito at naka tungo ang ulo nito. "Hoy, tama na iyan. Ginagawa lang nila ang trabaho nila. Dito na lang tayo," wika naman ni Myra na malumanay ang boses. Sumunod na lamang si Belinda sa kaibigan nito at umupo sila. "Ano bang problema mo? Ang init na naman ng ulo mo," tanong ng kaibigan nito. "Kasi naman si Dad. Ipapakasal na ako," naiinis na saad ni Belinda. "Ano?! Totoo ba 'yan?" gulat na tanong ni Myra. "Oo, kahit nga ako hindi makapaniwala, eh." "Kanino ka naman daw ipapakasal?" tanong pa nito. "Kay Alex." "Ha?! Kay Alex? Iyong first love mo at first heart ache mo?" tanong pa ni Myra na halos lumuwa ang mata nito. "Wala naman akong magagawa, eh. Iyon ang kagustuhan ni Dad." "Gusto mo, itakas kita?" nakangiting tanong ng kaibigan nito. "Saan naman ako pupunta at magtatago? Wala rin naman akong pupuntahan." "Huwag kang mag-alala. Tutulungan kitang makatakas," wika naman ni Myra. "Talaga, Myra?" hindi makapaniwalang saad ng dalaga. "Oo, pero sa ngayon. At dapat pag-isipan nating mabuti." "Salamat, Myra. Sa iyo na lang ako umaasa," saad naman ni Belinda. "Huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal mo. Belinda, ano kaya kung sabihin mong. Buntis ka," wika pa nito. "Ha? Hindi naman puwede iyon, ano? Saka isipin mo sinong nakabuntis sa akin. Samantalang wala naman akong kasintahan." "Eh, kung humanap tayo ng magpapanggap. Puwede kaya 'yon?" nagnining-ning na saad ng kaibigan nito. "Hindi kaya ako mapatay ng ama ko? Kapag sinabi kong buntis ako?" tanong din ng dalaga na nagdadalawang isip. "Susubukan lang natin. Malay mo, 'di ba? Saka dapat kukuha tayo ng lalaking matapang at talagang mapapanindigan ka. Pero syempre dapat handa ka na rin sa posibilidad na puweding mangyari." "Tulad ng ano?" tanong muli nito sa kaibigan. "Na baka puwede kang itakwil ng Daddy mo. Saka ihanda mo rin ang sarili mo na baka ipakasal ka rin sa lalaking magpapanggap na nakabuntis sa iyo." "Hay...." masgugustuhin ko na lang na makasal sa ibang lalaki kaysa naman kay Alex," saad nito habang nag-iisip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook