chapter two

1158 Words
Hapon na noong makauwi si Belinda. At pinagbuksan ito ng isa sa kanilang kasambahay. Nadatnan naman ng dalaga ang ama nito na naka upo sa sofa at pinagmamasdan siya. Ngunit walang imik ang dalaga at parang hindi nito nakikita ang kaniyang ama. Dire-diretso itong naglakad. "Ginabi ka na yata. At parang wala ka ng galang sa akin," wika ng ama nito. Kaya napilitang naglakad si Belinda patungo sa kaniyang ama at humalik sa pisngi nito. "Hi, Dad," walang ganang wika nito. "Siya nga pala, inaayos ko na ang kasal niyo at pinipili ko ang pinaka masuwerteng araw," wika pa nito sa kaniyang anak. "Dad, pagod po ako ngayon. Saka na lang po natin pag-usapan 'yan," aniya ng dalaga. "Belinda, kahit ano'ng iwas mong pag-usapan ang nalalapit na kasal niyo. Hinding-hindi mo 'to maiiwasan." "Dad, hindi na ba talaga magbabago ang pasya niyo? Kaisa-isang anak niyo ako. Tapos ipapakasal niyo lang ako sa kaniya. Gaano'n ba kalaki ang tiwala niyo sa kaniya. Na pati ako, na anak niyo ay ipagkakatiwala niyo rin," masamang loob na wika ng anak nito. "Huwag mong questionin ang pasya ko! Dahil para rin ito sa ikabubuti mo," saad ng aman nito. "Ikabubuti ko? Hindi, Dad. Dahil hindi niyo man lang naisip ang damdamin ko," saad ni Belinda at agad na itong umalis sa harapan ng kaniyang ama. Pagpasok nito sa loob ng kaniyang silid ay tumunog ang kaniyang cellphone agad niyang sinagot ang tawag. "Oy, umiiyak ka na naman ba?" tanong nito nang marinig ang paghikbi ni kaibigan sa kabilang linya. "Sabi ni Dad, inaayos na niya ang kasal ko at namimili na lang siya ng masuwerteng araw. Pakiramdam ko, habang palapit nang palapit ang kasal ko. Unti-unti na rin akong kandila na natutunaw," wika ni Belinda. "Huwag ka ng mag-alala. Bukas na bukas din hahanap ako ng lalaking magpapanggap na kasintahan mo at magiging ama ng anak mo kunwari. Para hindi matuloy ang kasal mo," saad naman ni Myra. "Bilisan mo namang maghanap. Para naman hindi matuloy ang kasal ko." "Oo, promise. Bukas na bukas din may makukuha na tayo. Kaya magpahinga ka na at see you bukas." "Okay good night." Maya maya pa ay nakatulog na si Belinda at hindi naglaon ay bumukas ang pintuan nito. Doon ay dahan-dahang pumasok ang kaniyang ama. Pinagmasdan nito si Belinda na natutulog. 'Anak, maniwala ka. Ginagawa ko ito. Para sa iyo. At pagdating ng araw maiintindihan mo rin," saad ng ama nito sa kaniyang isipan. Dinampian nito ng halik sa noo ang kaniyang anak at kumuha ng kumot upang kumutan ito. Maya maya rin ay lumabas na ang ginoo sa silid ng kaniyang anak. KINABUKASAN ay nagising si Belinda at lumabas ito ng kaniyang silid upang matungo sa hapagkainan dahil nakaramdam na ito ng gutom. "Good morning, Ma'am," bati ng isa kanilang kasamabahay. Napansin ng dalaga na wala pa ang ama nito. Pero alam niyang madalas ay maaga itong nagigising at nauuna sa hapagkainan. "Himalaya yatang, wala pa si Dad dito sa hapag kainan. Saan nagpunta ang daddy ko?" tanong nito. "Ma'am, maaga pong umalis ang daddy niyo. Kasama po si Alex may pupuntahan po yata." "Nagsabi ba kung saan sila pupunta?" agad na tanong ng dalaga. "Hindi po, eh. Pero ang alam ko po importante ang lakad nila. Kasi po maaga po silang umalis." "Saan kaya sila nagpunta?" wika na lamang ng dalaga at umupo na ito upang kumain. Pagkatapos nitong kumain ay agad-agad siyang naligo. Pagkatapos ay nagbihis agad. Sa kaniyang paglabas ay naroon na naman ang kaniyang mga bodyguard na nakabuntot sa kaniya. "Huwag kang lalapit sa kotse ko!" banta ng dalaga sa isa nitong bodyguard. "Ma'am, pagbubuksan ko lang po kayo ng pintuan," saad ng bodyguard nito na nakatungo ang ulo. "Tabi, kaya kong buksan ang pintuan ng kotse ko," masungit na saad ng dalaga at agad itong sumakay, doon ay pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan paalis. "Sige, habulin niyo ako kung mahahabol niyo ako," saad naman ng dalaga at lalo pang pinaharurot ng mabilis ang sasakyan nito. Nang marami ng sasakyan na nakakasalubong at dumaan sa kalsada ay nakisiksik ang sasakyan ni Belinda at doon ay humalo ito. Hanggang sa maya maya ay pumasok ang sasakyan nito sa isang iskinita at hindi na siya nahabol at naiwala na nito ang kaniyang mga bodyguard. "Hay salamat. Naiwala ko rin sila," wika nito sa kaniyang sarili. Tinawagan nito ang kaniyang kaibigan. "Nasaan ka na? Nailigaw ko na ang mga bodyguard ko," tanong nito. "I-text ko na lang ang address kung nasaan ako. Kasama ang lalaking magpapanggap na kasintahan mo," nakangiting saad ni Myra sa kabilang linya. "Okay," saad naman ng dalaga at pinutol na nito ang linya. Hanggang sa makatanggap siya ng text galing sa kaibigan. Mabilis niya itong binasa at agad na pinaharurot muli ang kaniyang sasakyan upang magtungo sa lugar kung nasaan ang kaibigan nito. Makalipas ang halos trienta minutos ay nakarating na siya. Pagbaba ni Belinda ay agad siyang sinalubong ni Myra na kita sa mukha ang ngiti. "Wow! Ang bilis mo, ah?" salubong na wika ng kaibigan nito. "Siyempre, ako pa. Alam mo naman, kailangan ko ito. Nasaan na nga pala iyong lalaki na nakuha mo?" makahulugang at tanong ni Belinda. "Wait, tawagin ko lang," sagot naman ng kaibigan nito at biglang nawala sa harapan ni Belinda. Maya maya pa ay bumalik na si Myra kasama na ang lalaking magpapanggap na kasintahan nito. "Belinda," wika ng isang lalaking pamilyar ang boses sa pandinig ng dalaga. Sa kaniyang paglingon mula sa pinanggalingan ng boses ay laking gulat nito nang makita ang lalaki. "Ma-Marco? Ikaw ba 'yan?" gulat na wika ng dalaga. "Magkakilala kayo?" agad naman na tanong ng kaibigan nito. "Ahm, oo. Classmate ko siya mula elementary hanggang koloheyo. Ewan ko nga kung bakit kahit saan ako magpunta, palagi ko siyang nakikita," sagot naman ni Belinda na nakatingin sa binata. "Baka naman kasi may gusto siya sa iyo," wika naman ni Myra na nakangiti sa binata. "Ano ba iyang sinasabi mo? Tumigil ka nga, matagal ko na siyang kilala. At imposible iyang sinasabi mo." "Ikaw, paano mo nalaman na kailangan ko ng magpapanggap na kasintahan ko? Sinong nagsabi sa iyo? Saka, okay lang ba sa iyo na sasabihin kong buntis ako at ikaw ang ama?" dire-diretsong tanong nito sa binata na walang pasintabi. "Hanggang ngayon, maganda ka pa rin at gaya ng dati wala ka pa ring pinagbago. Paano kung sabihin kong tama ang sinabi ng kaibigan mo, matagal na akong may lihim na pagtingin sa iyo," wika naman ng binatang titig na titig sa mukha ni Belinda. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Babayaran kita ng malaki. Basta pumayag ka lang na magpanggap na kasintahan ko at ipaglaban mo ang pag-iibigan natin sa ama ko at sa lalaking ipapakasal sa akin," wika ni Belinda na seryoso. "Hindi ko kailangan ng pera mo. Iba ang gusto kong kapalit," saad naman ng binata. "Ano naman ang gusto mong kapalit?" kunot-noong tanong ng dalaga. "Ang puso mo," makahulugang sagot ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD