She Stole my HeartUpdated at Nov 17, 2024, 07:11
"Dad, bakit naman sa dinami-rami ng tao sa mundo, siya pa? Saka, Dad. Hindi na ako bata na kailangan pang alagaan. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko. Tapos halos sampong taon pa ang tanda niya sa akin. Hindi porque siya ang pinagkakatiwalaan niyo sa kaniya niyo rin ako ipapakasal. Ano ba 'yan? Napaka unfair niyo naman," reklamo nito at hindi sang-ayon sa kagustuhan ng kaniyang Ama.
'Doon pa talaga sa lalaking nanakit ng puso ko," aniya rin nito sa kaniyang isipan.
"Belinda! Makinig ka sa akin. Hindi ko 'to ginagawa para sa 'kin. Ginagawa ko 'to para sa 'yo at pagdating ng araw maiintindihan mo rin kung bakit siya ang gusto ko para sa iyo. Isa pa, sa ayaw at gusto mo. Ako ang masusunod at habang nabubuhay ako. Ako ang batas sa pamamahay na 'to!" paliwanag at madiin na wika nito.
"Susundin ko kung ano man ang gusto niyo. Kahit ayaw ko! Sino ba naman ako sa pamamahay na 'to. Isa lang naman akong sunudsunuran at walang kalayaan mula nang mamatay si Mommy," saad ng dalaga na nagmamaktol at iniwan na lamang ang ama nito.
"Belinda! Bumalik ka rito!"
Sa paglabas ng dalaga sa bahay ay agad naman itong sinundan ng kaniyang mga bodyguard.
"Huwag kayong sasakay sa kotse ko, kung ayaw niyong mawala ako ulit sa paningin niyo at managot sa ama ko!" galit at bantang wika nito. Agad namang sumunod ang kaniyang mga alipores.
Sasakay na sana ito ng kaniyang sasakyan nang mapansin ang isang kotse na huminto sa kaniyang harapan at bumaba ang lalaking unang nagpatibok at nanakit ng kaniyang puso.
Bumaba ito ng sasakyan at seryoso ang mukha nang marinig niyang nagsalita ang dalaga.
"Andito ka rin, pala. Pinapunta ka ba ng mahal kong, Ama? Masayang-masaya ka na siguro ngayon, ano? Natupad na ang pangarap mo. Akalain mo 'yon. Napaka suwerte mo naman. Sa dinarami-rami ng tao sa mundo sa iyo pa talaga ako ipapakasal ng ama ko. Sana all nakukuha ang lahat ng gusto, kasi naman ang galing mong sumipsip," nang-iinis na saad nito.
"Mawalang galang na, pero hindi ako narito para makipagtalo sa 'yo. Oh, ang patulan ka. At huwag kang mag-aalala, dahil hindi rin ako sang-ayon sa kagustuhan ng ama mo. Pero wala akong magagawa," saad din nito na hindi nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"Walang magagawa? Oh, baka naman kasi, gustong-gusto mo rin? Sabagay, ikaw ba naman ang magiging boss kapag nakasal na sa akin at magkakaroon ng maraming pera. Bakit hindi 'di ba? Pera na 'yan kaysa maging bato pa," makahulugang saad pa ng dalaga.
"Kung gusto man kita, sana noon pa. Noong sinabi mong gusto mo 'ko, 'di ba, baby girl?" makahugang wika ng binata.
"Ay 'yon, ba? Sorry, ha? Limot ko na kasi 'yon, eh. Saka bata pa ako no'n. Kaya huwag kang umasta na patay na patay ako sa 'yo. Alam mo kung bakit? Kasi para sa akin. Isa ka lang asong ul*l na sunod nang sunod sa ama ko. Tandaan mo 'yan!" galit na wika nito.
"Itong asong ul*l na 'to ang magpapaamo sa 'yo. Huwag kang mag-alala. Dahil no'ng sinabi ko sa 'yo noong bata ka pa na hindi kita gusto. Hanggang ngayon. At kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan," saad naman ni Alex at iniwan na ang dalaga.
Nakaramdam lalo ng galit si Belinda para sa binata at kasama na ng bahagyang kirot sa dibdib nito, kaya ipinangako nito sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat para mapa-ibig ang binata at makaganti.