bc

Ang mawawalang Brief

book_age18+
39
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
sex
one-night stand
love after marriage
opposites attract
childhood crush
first love
friendship
secrets
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Si Jennifer Beltran ang dalagang patay na patay sa kaniyang binatang among si Vitor Pascual. Noong pa man ay talagang kinahuhumalingan at pinagpapantasyahan niya ang binatang amo. Ngunit hindi niya ito pinapahalata dahil alam niyang alalay lang ang tingin nito sa kaniya.

Victor Pascual. Guwapo, mayaman at may matipunong pangangatawan. Matapang, matapang pala utos at higit sa lahat laging naka kunot ang noo.

Jonathan Nativida ang classmate at kaibigan ni Victor na galing sa ibang bansa at unang kita pa lang nito sa Nanny ng kaibigan ay tinamaan na siya.

Paano kung malaman ng binatang Amo nito na ang kaniyang mga kaibigan ay may pagtingin sa kaniyang Nanny. Papayag ba siyang paligawan ang kaniyang Nanny at maging tulay sa dalawa para magkalapit ang dalawa? O gagawa ito ng paraan para ma turn off ang kaiibigan sa kaniyang Nanny dahil nasanay na ito sa kaniyang Nanny na laging nasa kaniyang tabi.

"Eh, paano naman kung malaman nitong may lihim pa lang pagtingin sa kaniya ang Nanny nito. May magababago kaya sa nararamdaman niya?

Abangan!

chap-preview
Free preview
Ang nawawalang brief
Title: Ang nawawalang Brief Written by: Miss_Choi Genre: Romcom Chapter One Isang malakas na sigaw ang naririnig ng dalaga mula sa silid ng kaniyang amo. "Jennifer...!" sigaw ni Victor ang amo ng dalaga. Kung kaya gad 'tong kumaripas ng takbo patungo sa silid ng kaniyang amo. Humahangos ito ng takbo nang makarating ito sa silid ng kaniyang amo. At nadatnan ito ng dalaga na nakatapis lamang ng tuwalyang puti sa ibabang parte ng katawan nang binatang amo. 'Hmmm... ang yummy talaga ng boss ko. Sarap kagatin at hawakan ang naglalabasan nitong pandesal nito," wika ni Jennifer na nakakagat labi pa habang pinagmamasdan ang katawan ni Victor. Naagaw ang attention ng dalaga nang marining nito ang boses ng kaniyang among lalaki at isinara ang kaniyang bibig na nakaawang kanina. "Ano'ng tinitingin-tingin mo d'yan? Siguro may pagnanasa ka sa akin ano? Nasaan ang brief ko?!" Galit na tanong nito sa dalaga. "P-Po?" Brief? Ano naman pong gagawin ko sa brief n'yo? Saka excuse me lang, Sir. Hindi ko po kayo pinagnanasaan kasi may jowa naman ako," sagot ni Jennifer na nagsisinungaling. Habang nakatingin sa mga mata ng kaniyang amo. "Dapat lang dahil hindi tayo talo. Pakikuha na nga lang 'yong brief ko sa cabinet," utos ng kaniyang amo. Agad naman na sinunod ni Jennifer ang utos nito at kumuha ng brief ng kaniyang amo. 'Si sir talaga napaka demanding at hindi nakakaramdam. Pasalamat ka at kahit paano napagtitiisan ko ang ulagali mo. Higit sa lahat gustong-gusto kita. Kasi kung hindi malamang matagal na kitang nilayasan. Kaso lang biglang nag-iba ang ugali ni sir mula no'ng galing ito ng Manila at malalaki na kami. Naalala ko pa noong mga bata pa kami, masaya kaming naglalaro ng Mommy at Daddy ako ang Mommy at siya naman ang Daddy. Doon ko siya nagustuhan. Akala ko nga hindi na magbabago 'yon. Iyon pala sa paglipas ng panahon ito ang nagbago na siya. Nabalik sa ulirat si Jennifer nang marinig muli nito ang boses ng kaniyang amo. "Jennifer ang brief ko nasaan na? Natabuna ka na ba?" sigaw muli ng kaniyang binatang amo. "Nariyan na po, Sir!" sagot naman ng dalaga at tumakbo ito papunta sa kaniyang amo. "Akala ko natabuna ka na. Akin na 'yang brief ko," wika nito at iniabot naman iyon ng dalaga. "Hindi naman, Sir. Hinanap ko na rin po kasi iyong favorite n'yong brief," sagot ng dalaga. "Lumabas ka na at magbibihis na ako," utos ng binata ng walang emosyon ang mukha. Lumabas naman agad ang dalaga ng silid ng kaniyang amo. At naghintay ito sa pintuan. Makalipas ang ilang sandali ay lumabsa na ang binatang amo nito na nakadamit. "Ano'ng ginagawa r'yan?" tanong nito sa dalaga nang makita nito sa pintuan. "Hinihintay ko po kayo, sir. Baka po kasi may ipag-uutos pa kayo o sasabihin," sagot ng dalaga na nakangiti. "Hanapin mo iyong paboritong brief na kulay pula na may print na spider man. Alam mo 'yon 'di ba? Saka huwag mo na akong hintayin pauwi mamayang gabi. Dahil may pupuntaha ako," saad ng binatang amo nito. "Copy, Sir," matipid naman na sagot ng dalaga at pinagmasdan nito ang binata na naglalakad. "Ay, Sir. May nakalimutan po kayo," pahabol pa na wika ni Jennifer. Kaya napatingin ang binata na nakakunot ang noo sa dalaga. "Ito po pala ang pagkain n'yo para sa pananghalian at niluto ko po iyang paboritong adobong manok," wika ni Jennifer na nakangiti at iniabot ang dalang baunan. "Sige, pakilagay na lang doon sa sasakyan at kukunin ko pa ang foldel sa kuwarto ko," utos nito. Agad naman na inilagay ng dalaga ang dalang baunan sa loob ng sasakyan nang kaniyang amo at pinagbuksan pa n'ya ito ng gate. Hanggang sa nakita na lamang ng dalaga ang sasakyan na papalayo. 'Ingat, Sir. Huwag po kayong mag-alala sa brief n'yo at inaamoy-amoy ko lang naman po 'yon bago matulog at katabi ko po 'yon sa pagtulog ko," tumatawang wika ni Jennifer sa kaniyang isipan. At nawala na ang sasakyan ng kaniyang amo sa kaniyang paningin. Buong araw na ginugol ni Jennifer ang kaniyang sarili sa paglilinis, pag-aayos ng bahay. Pati na rin ang pagbubunot ng damo sa likod ng bahay ng kaniyang amo. Hapon na nang nagbubunot ito ng damo at may biglang magsalita mula sa kaniyang likuran. Kaya agad itong napalingon. "Miss, Miss," saad ng isang lalaking kababa galing ng sasakyan nito. "Yes? Ano po 'yon, sir?" tanong naman ni Jennifer habang nakatingin sa binata. Nakasuot lamang ang dalaga noon ng sleeveless kaya lutang ang makinis at maputi nitong balikat. At hindi rin siya nakasuot ng salamin sa mata. Kaya mas kita ang mukha nitong natural sa ganda. "Hi, I'm Jonathan. And you are?" tanong nito sa kaniya at inilahad ang palad. "I'm sorry mabuti ang kamay ko. I'm Jennifer. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" sagot at balik na tanong nito sa binata. "Nariyan ba si Victor? Ikaw ba ang girlfriend niya? Or asawa?" tanong agad ni Jonathan. 'Sana nga magdilang angel ka at magkatotoo ang sinabi mo. Pero parang imposible," saad nito sa kaniyang isipan. "Hoy, Miss. Okay ka lang ba?" tanong muli ng binata habang pinagmamasdan ang dalaga. "Nagkakamali po kayo. Kasambahay lang po ako ni Sir Victor," nakangiting sagot ni Jennifer. "Ah, gano'n ba? Sige pakisabi na lang babalik na lang ako rito. Its nice to meet you Jennifer," saad pa nito na may mga matang nang niningning. At agad na itong sumakay ng sasakyan. Maya maya pa ay tumunog ang kaniyang cellphone at agad nitong sinagot ang tawag. "Hello, Sir Victor. Napatawag po kayo," wika ng dalagang abot hanggang tainga ang ngiti. "May pumunta ba riyan na lalaki Jonathan ang pangalan?" tanong ng kaniyang amo. "Yes, sir. At kaaalis lang po ng sasakyan niya," sagot naman nito. "Bakit hindi mo pinapasok sa loob? Alam mo ba na importanteng tao 'yon?!" galit na wika nito sa kabilang linya. "Ahm, sir. Sabi po kasi niya babalik na lang po siya rito kapag nandito na raw po kayo," saad ng dalaga. "Hindi mo man lang ba kinuha ang numero niya para naman natawagan ko," saad ng amo nito. "Naku, sir. Hindi po talaga. "Sige, bye na!" wika ng binata at pinutol na nito ang usapan. "Suplado ka talagang lalaki ka. Pasalamat ka talaga at gustong-gusto kita. Hay," wika nito at tinapos na lamang niya ang kaniyang ginagawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook