bc

The Innocent Part 4

book_age18+
6.4K
FOLLOW
62.7K
READ
one-night stand
escape while being pregnant
love after marriage
second chance
doctor
billionairess
heir/heiress
twisted
nurse
like
intro-logo
Blurb

"Pagkatapos mong buntisin ang kaisa-isang anak ko. Hindi mo pakakasalan? Baka gusto mong pasabugin ko ulo mo?!" banta at galit na galit na wika ng ama ni Aica kay Andrew.

Hindi naman nakapagsalita si Andrew dahil sa takot at pagkabigla nito. Tiningnan lamang nito si Aica.

"Dad, tama na po, Please," pagmamakaawa at umiiyak na saad ni Aica sa kanyang Ama.

"Aica! Sinunod ko ang gusto mo. Pinag-aral kita ng medisina imbes na pag-aralan mo ang pagpatakbo ng kumpanya natin! Tapos malalaman ko binuntis ka lang ng sira ulong lalaki na ito at hindi ka pananagutan! Para ano? Para makaiwas ka sa lalaking ipapakasal ko sa iyo!" galit muli na wika ng Ama nito.

Nagulat si Aica nang hinawakan ni Andrew ang kamay niya at hinala sa likod nito.

"Pakakasalan ko na po ang anak niyo. Kaya kung maaari po iwan niyo na po kami at may pag-uusapan lang po kami," matapang na saad ni Andrew.

"Dapat lang, dahil kapag hindi mo pinakasalan ang anak ko. Ililibig kita ng buhay," nanggigigigil at bantang wika ng ama ni Aica at lumabas na ito.

chap-preview
Free preview
chapter 1
Title: The Innocent Part 4 Writen by: Miss_Choi Genre: Miss_Choi Chapter 1 PAGADATING ni Andrew pabalik ng ibang bansa ay sinalubong ito ni Aica sa airport. 'Ikaw na naman," saad ni Andrew sa kanyang isipan nang makita nito ang dalaga kaya agad itong umiwas at nagmadaling naglakad. "Hay, talagang tinataguan mo akong lalaki ka, ah. Humanda ka sa akin," saad ni Aica na naiinis nang makita ang binatang nagmamadaling sumakay ng sasakyan at sumakay na rin 'to ng kanyang sasakyan. Mayamaya pa ay noong makarating na si Andrew sa kanyang tinutuluyan ay nagtaka ito at nagulat, nang buksan niya ang pintuan ay nabungaran nito si Aica na abot tainga ang ngiti at nakatingin sa kanya. "Tinagauan mo ba ako?" tanong ni Aica na may nakaklukong ngiti. "Pwede ba, Aica. Huwag ngayon. Labas! At ayoko ng makulit. Wala ako sa mood," saway at utos ng binata, naglakad ito patungo sa kanyang silid. Nang bigla siyang harangin ni Aica sa kanyang daraanan. "Ikaw, tinakasan mo na nga ako at hindi ka manlang nag-text kung nasaan ka. Baka gusto mong ikalat ko ang mga larawan nating dalawa para mawalan ka ng lisensya," pananakot ni Aica sa binata. Kumunot ang noo ni Adrew dahil sa mga sinabi ni Aica at kita sa mga mata nito ang pagkabalisa, lungkot, na parang may pinagdadanan at nais lumuha. Kaya tiningnan ito ni Aica ng may pagtataka at inilapit ang kanyang mukha. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng dalaga sa binata. "Gusto kong mapag-isa ngayon, kung gusto mong ikalat ang mga picture natin then go, kung 'yan ang ikaliligaya mo. Basta umalis ka sa harapan ko at iwan mo akong mag-isa wala na akong pakialam," saad ni Andrew na maluluha na at nagpatuloy itong naglakad patungo sa kanyang silid. Agad na isinirado ng binata ang kanyang pintuan nang makapasok at padapang humiga sa kama. 'Kahit na alam kong masaya na siya sa piling ng iba at nagpaubaya na ako. Nararamdaman ko pa rin na sobrang sakit," saad ni Andrew sa kanyang isipan. Habang si Aica naman ay nakaramdam ng kirot sa kalooban. 'Kawawa naman siya, ano kaya ang magagawa ko para sa kanya? Dapat nasa tabi lang niya ako ngayon kasi kailangan niya ako," saad ni Aica sa kanyang isipan. Lumabas ito ng bahay at nagtungo sa grocery upang mamili. Mayamaya pa nakarating na 'to. Hanggang sa makating siya na sa bilihan ng alak. 'Ano kaya kung painom ko siya ng alak? Para mailabas niya ang sama ng loob niya at makalimot sa sakit. Sabagay kapag nalasing na siya. OMG! Mangyayari na ang dapat mangyari. kaso lang, handa na ba talaga akong ibigay ito? s**t! Sabi nila masakit pa raw 'yon," nag-aalangang saad ni Aica sa kanyang isipan. Ngunit bahangyang nakakaramdam ng saya sa kalooban. "Bahala na," saad na lamang nito. Kumuha ito ng alak at inilagay sa basket. Pagkatapos ay nagtungo sa counter upang bayaran ang pinamili. Agad niyang isinakay ang kanyang pinamili at nag-drive patungo muli sa condo ni Andrew. Pagdating nito ay nagtungo siya sa kusina upang magluto ng hapunan. Pagkatapos magluto ay kinatok nito ang pintuan ng binata. "Andrew, nakaluto na ako. Mabuti pa sabay na tayong kumain," saad nito na nasa pintuan ngunit hindi sumasagot ang binata. Pinihit ni Aica ang siraduhan ng pintuan at nabungaran nito si Andrew na mahimbing na natutulog. Wala itong pang-itaas na damit at naka-boxer lamang. Kita rin ang butil sa gilid ng mata nito. "Ikaw kasi nandito lang naman ako at handang gawin ang lahat para sa 'yo. Bakit kasi hindi mo ako subukang mahalin," saad ni Aica habang tinitigan ang mukha ng binata at kinumutan na lamang 'to. Lumabas na rin ito ng silid at kumain mag-isa. Nang matapos itong kumain ay nagtungo ito sa terrace upang magpahangin. 'Nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan siya. Pero wala naman akong magawa. Mabuti pa kumuha na lang ako ng alak sa ref at uminum ng isang bote. Para makatulog," saad nito sa kanyang isipan at kinuha ang alak. Habang umiinum ito ay nakita ito ni Andrew. "Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi ko sa 'yo. Umuwi ka na at iwan mo akong mag-isa," tanong at utos nito. "Alam mo ikaw, ako na nga ang nagmamalasakit sa 'yo ikaw pa ang galit. Nakapagluto na ako kumain ka na. Isa pa bumili ako ng alak. Baka gusto mo?" tanong ni Aica habang hawak-hawak ang bote ng alak. Hindi na lamang ito pinanasin ng binata at kumain mag-isa. Nang matapos ay kumuha rin ito ng alak sa ref. At humarap sa TV habang naka-upo sa sofa. Makalipas ang halos dalawang oras nito na umiinum ng alak ay nakaramdam ito ng pagkahilo. Nakita nito si Aica na papalapit sa kanya. "Ano ba kasi ang problema mo?" tanong ng dalaga sa kanya. "Ikakasal na si Amanda at masaya ako para sa kanya. Pero bakit gano'n ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit?" sagot at tanong ni Andrew, hindi rin nito maitago ang luha sa kanyang mata. Nakaramdam ng awa si Aica nang makita niya 'yon. Dahil sa bugso ng damdamin ay walang pag-aalinlangan na niyakap niya ito. "Huwag kang mag-alala tutulungan kitang makalimot," saad ni Aica at walang ano-anong sinunggaban nito ang labi ng binata. Nagulat at napalaki ang mga mata ni Andrew ng dumapo ang labi ng dalaga sa kanyang labi. Hindi rin ito makapiniwala. At nakakaramdam ito ng init ng katawan. Nang dahil sa alak at nag-init ng katawan ni Andrew at tinugunan nito ang halik ni Aica. Kaya bahagyang inilayo ni Aica ang kanyang mukha sa binata. Ngunit nagulat ito at lumaki ang mata nang sapilitang hawakan ni Andrew ng magkabilang palad nito ang kanyang ulo at marahas na inilapit sa mukha nito. Doon ay sinakop ng binata ang kanyang labi. Mapusok na halik ang nagpaalipin sa dalaga. Habang hinahalikan siya ni Andrew ay umaapaw ang kanyang kaligayan dahil sa wakas nakuha niya ang gusto niya at nararamdaman niya na gusto rin siya ng binata. Dahil sa napaka banayad na pinagkakaloob nitong halik sa kanya. Ang halik ni Andrew na napunta sa kanyang leeg at dahan-dahan na iniaalis ang butones ng kanyang blouse. Nagulat ito ng tumayo si Andrew at tinanggal ang suot nitong damit. "Ito ang gusto mo diba? Pagbibigyan kita," saad ng binata at sinakop muli nito ang labi ng dalaga. Agad nitong binuhat ang dalaga at tinungo ang kuwarto. Doon ay malayang ipinagkaloob ni Aica ang kanyang sarili. Kahit na nakaramdam siya ng sakit sa kanyang p********e. Dahil ito ang kanyang kauna-unahang nakipagtalik. Ngunit pinagsawalang bahala niya 'yon. Dahil sa pagmamahal niya sa lalaki. At wala siyang pinagsisihan dahil alam niya na mahal niya ang binata. Naganap nga ang nais ni Aica hanggang sa pareho silang nakatulog sa pagod. Kinabukasan ay nagising si Aica na may ngiti sa labi habang nakatingin sa guwapong mukha ng binata. 'Sa wakas, akin ka na at akoy iyong-iyo na rin," saad ni Aica sa kanyang isipan habang pinamamasdan nito ang mukha ng binata na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Bumangon ito ng dahan-dahan at paika-ikang naglakad patungo sa banyo dahil sa sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang kaselanan. Naligo ito sa banyo ng maligamgam na tubig habang inaalala nito ang nangyari sa kanila kagabi ng may ngiti sa labi. Matapos itong maligo ay masaya itong nagluto ng almusal. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kung kaya agad nitong sinagot ang tawag.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook