chapter 2

1038 Words
"Where are you?" tanong ng kanyang ama na nasa kabilang linya. "Dad, good morning. Nandito po ako sa hospital," pagsisinungaling na sagot ni Aica. "Umuwi ka at may pag-uusapan tayo," utos ng ama nito. "Po? Ano po ang pag-uusapan natin?" tanong muli nito sa kanyang ama. "Basta umuwi ka na. Now na!" galit na saad ng ama ni Aica. "Yes, Dad," sagot na lamang ni Aica at pinutol na nito ang linya. Matapos magluto ni Aica ng almusal ay naglagay ito ng note sa table para kay Andrew at bago ito lumabas ay dinampian nito ng halik sa pisngi ang binata. "I love you. See you later," saad nito ng may ngiti sa labi at lumabas na ito ng silid. Nagmaneho ito pauwi sa kanilang bahay. "Hija," saad ng kanyang ina. "Mom, good morning po," saad ni Aica nagmano ito at humalik sa pisngi ng kanyang ina. "Dad, good morning po," magalang na saad nito sa kanyang ama. "Siya ba ang anak mo, kumpadre?" tanong ng lalaking bisita ng ama nito. "Yes, Kumpadre. Ang kaisa-isang anak ko. Aica, magmano ka sa soon to be your father in law," saad ng ama nito. Nagtakang pinagmasadan ni Aica ang kanyang ama at pilit na ngumiti sa lalaking kausap nito at nagmano. "Good morning po," saad na lamang ni Aica at nagmano sa Ginoo. "Kay gandang bata. Bagay na bagay kayo ng aking anak. Sigurado ako at magugustuhan mo rin siya kapag nagkita na kayo," saad ng Ginoo sa dalaga. Pilit na lamang na ngumiti si Aica. "Mauna na po ako sa silid ko," paalam ni Aica. "Pasinsya ka na, Hija. Kung hindi mo nakita ang aking anak sa ngayon. Kasi naman busy 'yon sa trabaho at pagpalakad ng kumpanya. Hindi bali at para sa inyo naman iyon pagdating ng araw," saad muli ng Ginoo. "Sige po," sagot na lamang ni Aica na pilit na ngumiti at naglakad na ito paalis. Mayamaya pa ay nagpaalam ng umalis ang Ginoo. Nang nakaalis na ito ay tinungo ng ama ni Aica ang silid ng kanyang anak. "Dapat ngayon pa lang kilalanin mo na ang magiging asawa mo at matutunang mapalapit sa kany. Sa pamilya niya. Dahil hindi magtatagal ay ikakasal kayo," makahulugang saad ng ama nito. "Dad, ayoko ko pong magpakasal. Hindi ko po kayang magpakasal sa taong hindi ko naman gusto," paliwanag ni Aica. "Ginagawa ko 'to hindi para sa akin o para sa amin ng inay mo. Ginagawa namin ito para sa 'yo. Para sa ikabubuti mo," wika muli ng ama ni Aica. "Kahit ano po ang sabihin n'yo, hindi po ako papayag na makasala sa taong hindi ko naman mahal. Isa pa po hindi n'yo po 'yan ginagawa para sa akin. Ginagawa n'yo po 'yan para sa kumpanya n'yo," pabalang na wika ni Aica sa ama. "Sa ayaw at gusto mo! Ipapakasal kita. At ako ang masusunod!" galit na wika ng ama nito at isinara ang pintuan ng malakas. Hindi mapigilan ni Aica na tumulo ang luha nito habang nakakaramdam ng sakit at inis dahil sa kagustuhan ng kanyang ama. Nang biglang kumatok at pumasok ang kanyang ina. "Anak, huwag ka ng umiiyak. Dahil ginagawa namin ito para sa sa iyo," saad ng ina nito. "Para po ba sa akin? O para sa kumpanya?" tanong ni Aica habang tumutulo ang luha nito. "Ganyan din ako dati anak. Pinakasal ako sa ama mo para sa kumpanya namin at aaminin ko na hindi ko gusto ang ama mo noong una, sa simula hirap ako. Dahil wala akong alam sa pagkato niya. Pero noong kinasal kami at nakilala ko na siya ng pakonti-konti. Nalaman ko rin na parihas kami ng gusto sa buhay hanggang sa hindi nagtagal nagkamabutihan kami. Hindi namin namamalayan na mahal na pala namin ang isa't isa at sa pagmamahalan namin na buo ka," paliwanag ng ina nito. "Mom, iba po ako sa inyo. Hindi naman po tayo parihas ng damdamin at huwag n'yo pong igaya ako sa inyo. O ang dati sa ngayon. Iba na po ngayon," pangangatwiran ni Aica sa ina. "Bakit hindi mo subukang kilalanin muna si Leo. Matalino, guwapo, at higit sa lahat magaling magpatakbo ng kumpanya. Saka mo sabihin kung papasa ba siya sa panlasa mo," pahayag ng ina nito. "Mom, may kasintahan na po ako.Isa siyang doctor. At nagmamahalan po kami. Kaya huwag n'yo na pong ipilit sa akin ang mga bagay na hindi ko gusto," saad ni Aica. "Kaya pala, dahil may kasintahan ka na. Anak, kaisa-isang tagapagmana ka ng kumpanya natin. Alam mo 'yan, ano ang magagawa ng isang doctor sa kumpanya natin?" nag-aalalang tanong ng ina nito. "Mom, hindi ko po habol ang kumpanya o kahit na ano'ng salapi. Kaya nga po nag-aral ako ng medesina para makawala sa kumpanya natin. Pero paulit-ulit n'yo pa rin pinagtutulakan sa akin. Simpleng buhay lang po ang gusto ko," saad ni Aica habang lumuluha. Niyakap na lamang ito ng kanyang ina. Samantalang si Andrew ay tanghali nang nagising, pagbangon niya ay nakita nito ang bahid ng dugo sa bedsheet kaya nagbalik ang ala-ala na namagitan sakanila ni Aica kagabi. "s**t! Ano ang ginagawa ko? Dahil sa alak, may nangyari sa 'min ni Aica. Pero hindi ko naman gusto si Aica at siya lang ang may gusto nito. Kaya dapat iwasan ko siya. Dahil baka masaktan lang siya at umasa sa wala," saad ni Andrew at nagmadaling pumasok sa banyo upang maligo. Matapos maligo ay nagmadali itong nagbihis at nagtungo sa kusina. Nakita nito ang kapiraso ng papel at ang nakasaad ay, "Good morning don't forget to eat your breakfast. See you later, I love you." Nakita rin nito ang nilutong almusal ng dalaga na nakahain sa lamesa. Kaya umupo ito at kumaiin mag-isa. Nang matapos itong kumain ay kinuha nito ang kanyang bag, lumabas ito at sumakay ng kanyang sasakyan. Nagmaneho at nagtungo sa hospital na kanyang pinagtatrabahuan. "Good morning, Doc," saad ng mag nurse na kanyang nasasalubong. "Good morning," sagot naman niya at agad na tinungo ang kanyang kaibigan na si Garry. "Long time no see, kumusta ang bakasyon mo? Kumusta si Amanda at Reinver?" tanong nito nang makita si Andrew na kapapasok lamang. "May problema ako," bungad na saad ni Andrew imbes na sagutin ang tanong ng kaibigan. At seryoso ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD