chapter 3

1202 Words
"Aba, wala na yatang effect ngayon si Amanda sa puso mo, ah? Naka move-on ka na ba?" sunod-sunod na tanong ni Garry na may nakakalokong ngiti. "Si nurse Aica Morales, pumasok na ba?" balik na tanong ni Andrew. "Ahem! Mukha yatang may bago ka ng napupusuan," nang-aasar na wika ni Garry imbes na sagutin ang tanong ng kaibigan. "Paano ko ba ipapaliwanag sa 'yo? At saan ako magsisimula?" sunod-sunod na tanong ni Andrew na naguguluhan. "Ano ba kasing nangyari sa inyo?" takang tanong ni Garry at nilapitan ang kaibigan. "Hindi ko alam kung paano nangyari? Oh baka siguro nadala ako sa init ng katawan at nawala sa sarili dahil lasing ako kagabi. Kaya 'yon nangyari ang hindi dapat nangyari," saad ni Andrew na hindi mapakali. "Ibig mong sabihin may nangyari sa inyo ni Aica? As in nag-s*x kayo? Wow! Ang lupit mo pala, eh. Ayaw mo niyan palay na ang lumalapit sa manok," wika pa ni Garry na natatawa at hindi makapaniwala. "Ako ang nakauna sa kanya. At ayokong umasa siya sa wala. Lalong hindi ko siya pananagutan dahil lang sa isang pagkakamali," saad ni Andrew. "Pagkatapos mong masarapan at makuha ang gusto mo. Babaliwalain mo na lang si Miss Morales. Baka makalimutan mo virgin 'yong babae ibig sabihin talagang may nararamdaman siya para sa 'yo. Dahil hindi niya basta-basta ipagkakaloob ang sarili niya lalo na sa isang tulad mo. Kung ako sa 'yo. Bigyan mo ng chance malay mo mag click at meant to be pala kayo," makahulugang saad ni Garry. "Ayaw kong ipilit ang isang bagay na hindi ko gusto. Isa pa hindi si Aica ang tipo kong babae. Ayoko sa babae na naghahabol," saad ni Andrew. "Ano ang plano mo sa dalaga? Tatakasan mo. Paano kung mabuntis pala iyon?" tanong Garry. Napakunot ang noo ni Andrew dahil sa sinabi ng kaibigan. "Ano? Buntis?" takang tanong ni Andrew. "Malay mo 'diba? Hindi natin alam kaya kung ako sa 'yo, umayos ka baka bigla kang maging ama," makahulugang wika ni Garry na natatawa nang makita ang itsura ng kaibigan. "Imposible, minsan lang 'yon. Kaya hindi mangyayari," saad ni Andrew. Nang bigla nitong maalala ang mga sinabi ni Amanda. Kaya pinilig nito ang kanyang ulo. "Kung sakaling mangyari man 'yon. Paninindigan ko lang ang bata hindi siya," matapang na saad ni Andrew. "Pwede bang matulog muna ako sa tinutuluyan mo, ilang araw lang naman?" tanong at pakiusap nito sa kaibigan. "Paano naman si Aica kapag hinanap ka sa 'kin?" tanong ni Garry. "Sabihin mo hindi mo alam kung nasaan ako. Basta bahala ka ng magpalusot. Mauna na ako sa tinutuluyan mo," sagot ni Andrew at lumabas na ito. Hindi na itong nag-abalang kinuha ang susi ng condo ng kaibigan dahil nasakanya ang isang susi nito. Sumakay na ito ng kanyang sasakyan at nagtungo sa condo ng kaibigan. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at nang makita niya itong si Aica ang tumatawag, hindi niya ito sinagot at pinansin, hinayaan niya lamang ito. Samantalang si Aica naman ay kararating lang sa hosipital at hindi nakita si Andrew na kalalabas lamang. Nagtungo ito agad kay Doc. Garry. "Good morning, Doc. Nakita n'yo po ba si Doc. Andrew?" tanong ni Aica kay Garry. "Hi, good morning," pasinsya ka na, wala kasi akong alam kung nasaan siya," pagsisinungaling ni Garry sa dalaga. "Gono'n po ba, Doc? Kapag nakita n'yo po at kung sakaling tumawag sa 'yo. Pakisabi po na hihintayin ko siya sa condo niya at nando'n lang ako na maghihintay sa kanya," saad ni Aica na bakas sa mukha ang lungkot ngunit pilit na ngumiti. "Makaka-asa ka," sagot naman ni Garry. Lumabas na si Aica at naghintay sa labas ng hospital. "Hay, sinisimulan na akong takasan ni Andrew. Pero sorry ka dahil mas ma utak ako. Hihintayin kita rito sa labas ng gate Doc. Garry at kahit pilitin mo pang itago si Andrew sa 'kin. Malalaman at malalaman ko sa pamamagitan mo," saad ni Aica sa kanyang isipan habang naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan. Hapon na nang matapos ang duty ni Doc Garry at kalalabas lamang nito ng hospital sumakay ito ng kanyang sasakyan at nagmaneho palayo. Habang si Aica naman ay nakasunod lamang na nakangiti. Nang makarating si Garry sa kanyang condo ay palihim na sinusunda ito ni Aica. Mayamaya pa ay nakarating na ang binata sa kanyang condo. "Hey, kumusta sa hospital?" masayang tanong ni Andrew sa kaibigan nang makita itong kapapasok lamang. "Gano'n pa rin. Siya nga pala galing si Aica sa hospital tinatanong ka," saad ni Garry na nakakaloko. "Ano naman ang sinabi mo sa kanya?" tanong ni Andrew. "Ayon pinagtakpan kita. Pero kita sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot. Nakakaawa nga, eh. Alam mo tinamaan sa 'yo si Aica. Kung ako sa 'yo huwag ka ng magtago harapin mo siya at hayaan mo na lang. Kung lagi siyang nakabuntot sa 'yo," pahayag ni Garry. "Ayoko, dito na muna ako. Isa pa, wala namang dahilan para mapalapit ang loob ko sa kanya. At ayokong umasa sa akin. Dahil masasaktan ko lang siya," paliwanag ni Andrew at isinara ang pintuan. Sabay na naghapunan ang magkaibigan at nanood sila ng movie habang umiinum ng alak. Hanggang sa makaramdam sila ng antok kaya napagpasyahan nilang pumasok ng silid at matulog na. Kinabukasan ay maagang gumising si Garry dahil may duty ito. Naiwan naman si Andrew at nakalimutan na i-lock ni Garry ang pintuan paglabas. At nakaabang naman si Aica sa labas nang makita nito si Garry na lumabas ng condo ay doon siya nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa loob ng condo nito at makasiguro kung naroon nga si Andrew o wala. Dahan-dahan itong pumasok sa loob ng condo at laking gulat ni Andrew nang makita ang dalaga. "Ano'ng ginagawa mo rito? takang tanong ng binata. Ngumiti ang dalaga at nilapitan siya nito, "Talaga bang tinataguan mo ako, Mr. Andrew Castillo? Sinusubukan mo talaga ako ano?" tanong nito at itinulak si Andrew sa kama. "Aica! Umalis ka sa harapan ko?" utos ng binata. Nagulat ito nang biglang pumatong sa kanya ang dalaga at idinikit ang mukha sa kanyang mukha. "Ano ba ang ginagawa mo? Hindi ka ba mahihiya sa ginagawa mo? Kababae mong tao ganyan ka," naiinis na wika ni Andrew sa dalaga at hindi mapakali. Ngunit tumayo ang balahibo nito at hindi makagalaw nang mas lalong inilapit ni Aica ang mukha niya kanyang tainga at binulungan ng, "I miss you. I miss everything we did last night," nang may pang-aakit na boses. Kaya walang ano-anong naitulak nito ang dalaga. Mahuhulog na ang dalaga ngunit mabilis itong kumapit sa binata kaya nahulog sila sa sahig at nakapatong ang binata sa dalaga ngunit sinalo nito ang ulo ni Aica gamit ang dalawang palad nito. Nasaktan ang dalaga dahil dinaganan siya ng binata ngunit ininda niya 'yon, hindi pinakita na nasaktan siya at yumakap na lamang ito sa katawan ni Andrew. Agad namang bumangon ang binata at kunot-noong sinabing, "Aica! Hindi kita gusto at masasaktan ka lang sa huli kapag pinilit mo pa. Please lang, layuan mo na ako." Dahil sa sinabi ng binata ay nakaramdam ng kirot sa kalooban si Aica kaya agad itong bumangon at tumakbo ito palabas ng condo. Mula nang araw na iyon ay hindi na ito nagpakita sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD