bc

Marry Me, Carlos Miguel

book_age18+
4.6K
FOLLOW
40.5K
READ
pregnant
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
enimies to lovers
first love
surrender
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Title: Marry Me, Carlos Miguel

Written by: Miss_Choi

Genre: Romance

Status: (Under PTR)

Hanica Vidal. Maldita, matalak, at workaholic . Ngunit mapagmahal na apo at gagawin ang lahat para sa kumpanya. Dahil ito ang kanyang mundo. At kahit minsan hindi pumasok sa utak nito ang pag-aasawa. Kaisa-isang apo ni Mr. Gilbert Vidal.

Carlos Miguel, empleyado ni Hanica Vidal. Masunuring anak lalo na sa kanyang Lola Pacita. Ngunit hindi kasundo ang ama. Kaya ninais na lamang pumunta ng Manila dahil masgustong mamuhay mag-isa at lumayo upang makalimutan ang dating kasintahan.

Paano kung malaman mong ang last will testament na naiwan ng 'yong Lolo Ay kailangan mong mag-asawa? Bago mo makuha ang kumpanya at magpatuloy na CEO.

"Wala na akong ibang choice kung hindi ang magpakasal. Kanino? Gayong wala naman akong kasintahan?" Inis na tanon ng dalaga habang nakatingin kay Carlos Miguel.

"Bakit ka nakatingin sa akin?" kunot-noong tanong ni Carlos.

"Excuse me," wika ni Hanica at hinila nito ang binata palabas ng opisina.

"Ano na naman ba, Ma'am Hanica? Ginagawa ko naman lahat ng pinag uutos n'yo," reklamo at kunot-noong tanong ni Carlos sa kanyang boss.

"MARRY ME," Carlos Miguel.

"What?! Nababaliw ka na ba? At saka bakit ako? Ang dami pa namang iba d'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Carlos.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Para pakasalan mo ako?" tanong ng dalaga na despirada na at walang choice kung hindi ang gawin 'yon. Kaysa naman makasal s'ya sa taong hindi kilala.

"I think about it," wika na lamang ng binata at tinalikuran nito ang dalaga.

"Carlos Miguel, sabihin mo lang kung magkano ang kailangan mo at ibinigay ko," pahabol na wika pa ng dalaga.

Napatingin ang binata ng kunot-noo sa dalaga dahil sa sinabi nito at sinabing, "Ano'ng tingin ko sa akin? Mukha pera. Pakasalan mo 'yang pera mo!" Asik ng binata at nilalayasan nito ang dalaga.

Paano kung malaman ni Hanica Vidal na ang utusan nito ay mas mayaman pa pala kaysa sa kanya?

Abanga. . .

chap-preview
Free preview
Marry Me, Carlos Miguel
"Good morning, Lo," wika ni Hanica ng may ngiti sa labi at humalik ito sa pisngi ng kanyang mahal na Lolo. "Umupo ka muna at sabayan mo akong kumain," utos ng kanyang Lolo Gilbert. "Mali-late na po ako, Lolo, I have to go at may kailangan pa po akong asikasuhin," nagmamadaling wika ni Hanica at lumabas na ito ng kanilang bahay. "Hay, kawawa naman itong apo ko, puro nalang trabaho ang iniisip, dapat sa edad n'yang ganyan may sarili na siyang pamilya, hindi puro negosyo na lang ang laman ng utak niya. Hindi ba Winston?" Kunot-noong tanong nito sa kanyang abogado. "Yes, sir, dapat nga mag-asawa na siya ng makita niyo pa po ang apo niyo sa tuhod," wika ni Winston ng may ngiti sa labi. "Hindi ko na ninanais pang masilayan ang apo ko sa tuhod sapat ng makakasiguro akong may taong masasandalan, mapagkakatiwalaan at may taong magmamahal ng totoo sa apo ko. Alam mo naman Winston sa 'yo lang ako may tiwala at ikaw lang nakakaalam na hindi na tatagal pa ang buhay ko dito sa mundong ibabaw. Nakakalungkot isipin na hindi ko na makikitang ikasal ang pinakamamahal kong apo. Nais ko na kapag wala na ako, makapag asawa ang apo ko, para may mag-alaga sa prinsesa ko. Siguraduhin mo 'yon Winston at ipangako mo sa 'kin," bantang pakiusap ni Don. Gilbert ang Lolo ni Hanica. "Huwag po kayong mag-alala, nakalagay na po 'yan sa last will testament niyo. At sisiguraduhin ko po na makakasal ang apo niyo po sa tamang lalake," wika ni Winston ang abogado ni Don. Gilbert. "Salamat kung gano'n dahil matatahimik at magiging mapayapa na kalooban ko," wika ni Don. Gilbert at hinawakan sa balikat ang abogado nito. "Wala pong anuman, ako po ang bahala sa mahal niyong prinsesa," paninigurong wika ni Winston. "Siya nga pala 'yong ipapa blind date ko sa apo ko nakausap mo na ba?" tanong ni Don. Gilbert. "Opo, nakausap ko na po at naiayos ko na rin po. Tutuloy po si Mr. Mendez, para sa business meeting ng apo niyo. "Salamat, Winston, maasahan talaga kita sa lahat ng bagay," wika ng matanda. "Wala po 'yon kumpara sa mga naitulong niyo po sa akin at dahil po sa inyo nakapag tapos po ako ng abogado. Kung nasaan man po ako ngayon ay dahil po 'yon sa inyo, tumatanaw lang po ako ng utang na loob sa inyo," wika ni Winston. Pagdating ni Hanica sa kumpanya ay pinagtitinginan ito, lahat ng masasalubong nito ay binabati siya. ' "Good morning, Ma'am." "Good morning," sagot naman ni Hanica. Nakita ni Carlos Miguel si Hanica na paparating na, "Hay, nako paparating na ang Boss ko na magaling mang-utos, at maldita," wika nito sa kanyang sarili na naiinis. Kung kaya alam na nito ang kanyang dapat gawin. Dumiretso ito sa pantry at nagtimpla ng kape para sa maldita nitong Boss. At inihatid sa opisina nito. "Good morning, Boss," wika ni Carlos Miguel kay Hanica at inilapag na agad ang kape sa desk nito. Lalabas na sana ito ng opisina ng dalaga ng magsalita ang dalaga. "Okay na ba 'yong schedule ko?" tanong ng dalaga sa binata. "Yes, Boss, naayos ko na po lahat pati mga ducument na dapat niyong pirmahan tapos na po dadalhin ko nalang po mamaya dito pagkatapos niyo pong magkape," sagot ng binata. "Hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo huwag mo na akong tawaging, Boss lalo na kapag dalawa lang tayong, isa pa alam mo naman sa tinagal-tagal nating magkasama dito sa kumpanya ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko," wika ng dalaga. "Okay, Hanica," wika ni Carlos Miguel ng pilit ang ngiti. Lumabas na nga si Carlos ng opisina ng kanyang Boss at nagtungo na sa kanyang desk, 'mukha yatang good mood ang maldita ngayon, ah, sana ganyan nalang siya lagi. Mas bagay sa kanya kaysa laging sumisigaw," wika ni Carlos sa kanyang sarili. Hindi pa umiinit ang puwet ni Carlos sa pagkakaupo nang marinig na naman nito ang boses ng kanyang malditang boss. "Carlos Miguel!" sigaw ng maldita nitong Boss. "Heto na naman siya, sigaw doon sigaw dito, utos doon utos dito, hay naku!" wika na lamang ni Carlos Miguel at nagtungo muli ito sa opisina ng kanyang Boss. "Yes, Boss. Ano pong kailangan niyo?" tanong agad ni Carlos sa dalaga. "Bakit hindi mo binigay agad sa akin ang document na kailangan kong pirmahan na proposal ni Mr. Salameda?!" pabulyaw na wika ni Hanica. "Hanica, hindi ba pweding hindi ka sumigaw pwede ka naman sigurong magsalita ng mahinaon hindi 'yong para kang laging may kaaway," pagrereklamo ng binata sa maayos na paraan. "Bakit ba masmarunong kapa sa akin? Hindi ba't ako ang Boss mo, akin na ang Proposal document ni Mr. Salameda!" bulyaw na utos ni Hanica. "'Umiral nanaman ang pagkamaldita niya," bulong ni Carlos. "May sinasabi ka ba?" kunot- noong tanong ni Hanica habang nakatingin sa binata. "Ah, wala Hanica. Kasi kabilin-bilinan mo 'di ba? Kapag nagkakape ka ayaw mo ng storbo," sagot ng binata. "Eh, kasi naman katatawag lang ng secretary niya sa 'kin kailangan nadaw nilang malaman ang sagot ko, bago daw mag bago isip nila," kunot-noong wika ng dalaga. "Ito po ang proposal document ng Salameda, basahin niyo na lang po tapos paki pirmahan kung okay po ba 'yong proposal nila," sagot na lamang Carlos at lumabas na agad opisina ng dalaga. Gabi na ngunit nasa opisina pa rin si Hanica at Carlos Miguel, kumatok muna si Carlos Miguel bago pumasok sa opisina ng dalaga. "Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ng binata. "Hindi pa kailangan mo pa akong samahan, maypupuntahan tayo," sagot ng dalaga. "Hanica, 'wag mong sabihing ipag mamaneho pa kita? Ano ako driver mo?" tanong ng binata. "Bakit wala ka na namang girl friend 'di ba? Saka business ang pupuntahan natin, then kakain nalang tayo sa labas. OT naman ito may bayad 'wag kang mag-alala, may pinapa- meet si Lolo, si Mr. Mendez daw," wika ni Hanica. "Okay, then tayo na at ng makauwi tayo agad," nagmamadaling wika ni Carlos Miguel. Pagdating nila sa papuntahan ay nagsalita si Carlos, "Maiwan na ako dito Hanica wala naman akong gagawin diyan at mukhang date yata 'yan. hindi mo na ako kailangan, tawagan mo nalang ako kapag nagkaproblema ka," wika ni Carlos. "Date ka d'yan," kunot-noong wika ni Hanica, at bumababa na ito ng sasakyan. Naglakad ang dalaga papasok ng restaurant na mukhang mamahalin at magarbo. Malayo pa lamang siya ay sinalubong na siya ng isang lalaki at ini-assist siya agad nito papunta kay Mr. Mendez. Malayo pa lamang ang dalaga ay abot taingang ngiti ang sinalubong sa kanya ng isang binata. "Hi, Miss Hanica Vidal. Sa wakas nakilala ko rin ang magiging ina ng mga anak ko, I'm Anton Mendez," pagpapakilala ng binata at inilahad ang palad nito. Kumunot agad ang noo ng dalaga. 'Ang yabang naman ng tukmol na 'to," wika nito sa kanyang sarili at pilit na ngumiti. "Saglit lang Mr. Mendez, may tatawagan lang ako," wika ni Hanica ng may pilit na ngiti at tinawagan si Carlos Miguel. "Ano ba? Ang sarap na nga ng pagkakaupo ko dito sa sasakyan, eh," pagrereklamo ng binata sa kabilang linya. "Pumasok kana dito sa loob at kailangan kita," utos ng dalaga. Kahit na ayaw sanang sundin at pumasok ng binata sa loob ay wala itong magagawa dahil ito ang utos ng dalaga. "Buwesit! Paano ko kaya natatagalan ugali niya?" tanong ng binata sa kanyang isip at naglakad na ito papasok. Nang nakapasok na si Carlos Miguel ay agad na tumayo ang dalaga at sinalubong ang binata, kumapit ito sa braso ng binata at sinabing, "Mr. Mendez, I would to meet you, my boy friend. Carlos Miguel, ang tagal mo naman kasing dumating honey eh, namis tuloy kita agad," wika ni Hanica ng may paglalambing at nilalakihan ng mata si Carlos Miguel na para bang sinasabi na sumunod ka nalang. Nagtakang napatingin si Carlos Miguel sa dalaga, na parang nagtatanong at nagulat. Ngunit nilalakihan siya ng mata ng dalaga kaya umayon na lamang siya sa nais nito. Inakbayan rin ni Carlos Miguel ang dalaga at sinabing, "Ikaw naman honey eh, katatapos lang natin namis mo agad ako," wika naman ni Carlos Miguel at ningitian ang dalaga ng matamis na ngiti na nang-aasar at hinahaplos ang balikat ng dalaga. Napatingin na lamang si Mr. Mendez sa dalalawa at sinabing, "I think, I have to go may aasikasuhin pa pala ako," wika na lamang ni Mr. Mendez at iniwan na ang dalawa. "Ingat, Mr. Mendez," wika ni Carlos Miguel. "Bitiwan mo nga ako! Makaakbay ka, kala mo kung boy friend kita!" galit na wika ni Hanica. "Hey, pinagpanggap mo ako 'diba? Kaya sinunod lang kita, akala mo naman kung ginusto ko 'to," wika ng binata ng kunot ang noo at naaartihan sa dalaga. "Anong sabi mo?" tanong ng dalaga. "Wala, sabi ko umuwi na tayo," sagot na lamang ni Carlos Miguel at nagkamot sa ulo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook