"Ano'ng uuwi? Umupo ka at dito na tayo kakain," utos ng dalaga.
Walang nagawa si Carlos Miguel, kundi ang sumunod na lamang at umupo.
"Hay, nakakainis ka talagang babae ka," naiinis na wika ni Carlos Miguel sa kanyang sarili.
"Ito, mamili ka kung anong gusto mong kainin. Magpakabusog ka dahil ihahatid mo ako pauwi at ihanda mo ang sarili mo, I'm sure nakarating na 'to kay Lolo," saad ng dalaga na para bang may laman ang salita binitiwan at iniabot sa binata ang menu.
Pumili ang binata ng pagkain na nais nitong kainin. Ibinigay ang menu kay Hanica at nag-abot ng pera pambayad.
"Ano 'yan?" takang tanong ni Hanica na kunot ang noo habang nakatingin sa pera.
"Malamang pera. Kunin mo dahil hindi ako sanay na babae ang nanlilibre o gumagasatos sa pagkain," sagot ng binata.
"Aba! Gentle man. Para sabihin ko sa 'yo Mr. Carlos Miguel, huwag kang assuming dahil hindi 'to date. One more thing, Boss mo ako kaya natural lang na ako ang magbayad ng kakainin natin at huwag kang mag-alala dahil babayaran ko ang over time mo," asik ng dalaga.
"Ang feeling nanga ng babae na 'to ubod pa ng kayabangan," mahinang usal ng binata.
"Anong binubulong-bulong mo diyan?" naiiritang tanong ng dalaga.
"Ah, wala Boss, sabi ko busog na ako mabuti pa umuwi na tayo at ng maihatid na kita," wika na lamang ni Carlos na nais ng umuwi at naiinis na rin sa dalaga.
Tumayo na lamang ang dalaga at nauna ng naglakad palabas. Habang si Carlos naman ay nakasunod lang sa likuran ng nito.
"Anong ginagawa mo diyan sa likuran ko? Pagbuksan mo kaya ako ng pintuan ng sasakyan. Akala ko ba gentle man ka," utos ng dalaga.
"Boss, nauna kasi kayong naglakad sa kaysa akin eh, malamang, alangan namang itulak ko kayo 'di ba?" matapang na sagot ng binata na naiinis na talaga, ngunit nagtitimpi lamang ito at pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan ang dalaga.
"Galit ka ba? Mukha yatang masmagaling kapa sa 'kin ah!" naiinis na tanong ng dalaga sa binata.
"Hindi Boss, nagpapaliwanag lang," sagot ng binata. Pero ang totoo naiinis na talaga ito at nagtitimpi lamang.
"Mag-drive ka nalang diyan ang dami mong sinasabi. Gisingin mo ako kapag nakarating ka tayo sa bahay," wika ng babae at ipinikit ang mata.
'Makakaganti rin ako sa 'yo," wika ng binata sa kanyang isipan.
Habang nagmamaneho ang binata ay binilisan nito ang takbo ng sasakyan at biglang nag preno. Kung kaya nauntog ang ulo ng dalaga sa harapan nitong upuan.
"Ouch! Sinasadya mo ba?" daing ng dalaga.
"Hindi, Hanica, may dumaan kasing pusa sa kalsada kaya bigla akong nag preno. Pasinsiya na naistorbo kita," dahilan lamang ng binata na napapangiti ng palihim.
"Malapit na ba tayo?" tanong na lamang ng dalaga ngunit nakahawak sa kanyang noo.
"Oo, ito na ipapasok ko na sa gate niyo," wika ng binata.
Pinagbuksan ni Carlos ng pintuan ang dalaga. Papasok na sana ito sa sasakyan nang biglang magsalita si Mr. Gilbert ang Lolo ni Hanica, "Carlos Miguel, pwede ba kitang makausap?"
"Opo, Sir," sagot ni Carlos Miguel at susunod na sana ito sa Lolo ni Hanica nang bigla siyang hatakin ni Hanica.
"Ano'ng ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako," naiiritang wika ng binata at tinanggal ang kamay ng dalaga.
"Huwag kang maingay at lalong huwag kang magsasalita ako na ang bahalang magsabi kay Lolo basta makinig kalang. Oo ka lang sa mga sasabihin ko. Maliwanag?" pagbabanta ng dalaga at humawak 'to sa braso ng binata.
"Ha!" naguguluhang wika ng binata at pilit na tinatanggal ang pagkakakapit ng dalaga sa kanyang braso.
"Sumunod ka na lang," wika ng dalaga habang naglalakad papalapit sa kan'yang Lolo.
"Hanica, bakit naman hindi mo agad sinabi sa 'kin na kayo na pala ni Mr. Miguel?" tanong kanyang Lolo habang nakatingin sa binata.
Napatingin na nagtataka si Carlos sa dalaga.
"Ngumiti ka naman kahit pakitang tao lang," mahinang wika ni Hanica sa binata habang nakangiti 'to at nakakapit pa rin sa braso ng binata.
Ngumiti na lamang si Carlos Miguel ng pilit sa Lolo ni Hanica.
"Good evening po," bati ni Carlos Miguel at hindi alam ang sasabihin.
"Lo, kasi po secret lang dapat namin 'to 'eh, kaso lang po. Hindi ko naman akalain na hindi pala business 'yong kay Mr. Mendez. Sana po tinanong niyo muna ako," saad ng dalaga.
"Mabuti na rin ang nangyari atleast ngayon hindi na ako mahihirapang hanapan ka ng tamang lalaki. I'm sure naman na aalagaan ka ni Mr. Miguel," paniniguradong saad ng matanda na may ngiti sa labi.
"Po?" hindi mapigilang wika ng binata.
"Bakit Mr. Miguel? Hindi ka ba seryoso sa apo ko? May gusto kabang sabihin?" sunod-sunod na tanong ng Lolo ni Hanica na naka kunot ang noo.
"Si Lolo talaga, huwag niyo naman pong takutin si Carlos. Honey, pasinsiya ka na ha, ganyan lang talaga si Lolo, hindi lang kasi s'ya makapaniwala na may magkakagusto sa akin," wika ni Hanica habang kinikindatan ang binata na parang sinasabing manahimik ka na lang.
"Oh bweno, Carlos Miguel, gabi na. Mabuti pa umuwi ka na at bukas mag-uusap tayo, gusto kong mas makilala pa kita. Salamat at natitiis mo ang ugali ng apo ko," wika ng Lolo ni Hanica at hinawakan sa balikat ang binata ng may kasamang ngiti sa labi.
"Lo, ako napo ang maghahatid sa kanya sa labas halikana honey," wika ng dalaga at hinawakan muli ang braso ng binata.
"Oh, sige mag-ingat ka sa pag-uwi hijo hanggang sa muli," wika ng Lolo ni Hanica.
Pilit na ngumiti na lamang ang binata sa Lolo ni Hanica at naglakad na 'to papalayo.
Nang nasa sasakyan na sila ay nagpupumiglas si Carlos Miguel.
"Bitiwan mo nga ako! Pati ako dinadamay mo sa kalokohan mo, hindi ka ba nag-iisip hindi mo manlang ako tinanong, basta-basta kanalang gumagawa ng desisiyon mo. Hoy, Miss Hanica Vidal. Para sabihin ko sa 'yo, secretary mo lang ako. Hindi mo hawak ang puso at utak ko. Lalong hindi ako robot na sunod-sunuran sa 'yo, kaya itong ginawa mo ngayong gabi. Ayusin mo dahil kahit sinong lalaki sa mundo hindi ka magugustuhan dahil diyan sa ugali mo. Lalo na ako!" galit na wika ng binata at sumakay na 'to agad ng kanyang sasakyan.
Magsasalita pa sana ang dalaga, ngunit bigla itong sinarahan ng pintuan ng binata.
"Bastos!" Inis na bulyaw ng dalaga.
Naiinis na hindi mapakali ang dalaga dahil sa ginawa ng binata sa kaniya.
'Makikita mong hinahap mo bukas, humanda ka sa 'kin," wika ng dalaga sa kanyang isipan.
'Sira talagang ulo mong babae ka, pati ako na nanahimik dinadamay mo sa kalokohan mo, ikaw palang Hanica ang babaeng gumawa sa 'kin nito. Magbabayad ka bukas, makikita mong hinahanap mo," saad ng binata sa kanyang isipan.
Pumasok na lamang si Hanica sa loob ng kanilang bahay.
"Apo, naririnig ko nagtatalo ba kayo?" tanong ng kaniyang Lolo.
"Hindi po, Lolo, alam niyo naman po may kunti lang na hindi pagkakaintindihan, pero huwag po kayong mag-alala dahil maayos rin po 'to bukas," wika ni Hanica ng may ngiti sa labi.
"Alam ko apo, dumaan rin kami ng Lola mo sa ganyang stage, Im sure maayos niyo rin agad 'yan, lalo na at mahal niyo ang isat-isa," wika ng kaniyang Lolo na panatag ang kalooban.
"Opo, Lo, don't worry, magiging okay din po kami," wika ng dalaga ng pilit na ngiti.
'Humanda ka talaga sa 'kin, Carlos Miguel," naiinis na wika ng dalaga sa kanyang isipan.