Title: Marry Me, Carlos Miguel
Written by: Miss Choi
Genre: Romcom
Chapter three
KINABUKASAN ay maagang pumasok si Carlos Miguel.
"Ayuko na talagang magtatrabaho sa company na 'to at ayuko ng makita ang pagmumukha ng maldita kong Boss," wika ng binata habang iniimpake ang gamit niya.
"Sir, ano pong ginagawa niyo? Magreresign na po ba kayo? Nako Sir, maniwala kayo sa 'kin hinding-hindi kayo papayagan ni Ma'am Hanica na mag-resign, lalo na at kayo lang pinagkakatiwalaan niya, kayo lang kaya nakakatitiis sa ugali niya," wika ng isa sa mga katrabaho niya.
"Iyon na nga eh, nakakainis dahil ginagawa ko na nga lahat ng gusto niya at sa tinagal tagal ko dito sa company niya napagtitiisan ko siya, ganito pa ang gagawin niya sa 'kin, kaya magmula sa araw na 'to, I quit!" Inis na wika ng binata.
Nang maya-maya pa ay dumating na rin si Hanica.
Noong makita siya ay agad na lumapit ang mga empleyado niya at nagbigay galang sa kanya.
"Good morning, Ma'am," sabay-sabay na wika ng mga empleyado nito.
"Where is Carlos Miguel?!" Galit at kunot-noong tanong ng dalaga.
"Ma'am, nasa office po niya, nag-iimpake po yata ng gamit niya," wika ng isa sa empleyado niya.
"Gano'n 'ah, sige, talagang inuubos mo ang pasinsiya ko tignan natin," wika nito sa kanyang sarili.
Naglakad 'to patungo sa office ni Carlos Miguel. Nang makarating 'to ay nakita nito na naka impake na ang binata.
"What?" kunot-noong tanong ng binata habang bitbit ang gamit nito at matalim ang tingin sa dalaga.
"So, talagang aalis ka at 'yan talaga ang gusto mo!" Galit na wika ni Hanica.
"Oo, bakit? Pakialam mo ba! Buhay ko naman 'to, isa pa, wala kang magagawa dahil buo na ang pasya ko, aalis na ako sa company mo! Sana lang makaya mo at makahanap ka ng tatagal sa ugali mo!" Galit na wika ng binata.
"Alam mo Carlos Miguel kapalit mo lang marami, maraming nagkakagusto sa position mo at marami din ang nag-aapply araw-araw, kaya saglit kalang palitan!" asik ng dalaga sa pamumukha ng binata.
"Okay, then good luck, sana tumagal kahit isang linggo ang magiging kapalit ko," makahulugang wika ng binata at napangiti 'to ng nakakaluko.
Lumabas na nga ng opisina si Carlos Miguel dala ang kanyang gamit at inis na inis naman si Hanica.
"Aaahh! Bwesit ka talaga Carlos Miguel!" naiinis na wika ng dalaga at winasiwas nito lahat ng gamit na nasa ibabaw ng lamesa.
Pagkabas ni Carlos Miguel ng building ay nakahinga 'to ng maluwag sa dibdib at sinabing, "Hinding-hindi na ako babalik sa company na 'to," patapos na wika ng binata.
Sumakay na rin 'to ng kanyang sasakyan at nagmaneho paalis.
"Ma'am, Hanica, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng kanyang empleyado.
"Mukha ba akong okay, Lordes?" madiltang sagot ni Hanica.
"Nagtatanong lang po, Ma'am," sagot ni Lordes.
"Magpaskil ka ng karatola sa labas. Ilagay mo, urgently hiring. Kailan ko ng bagong secretary at ako mismo ang mamimili at kikilatis," wika ng malditang Boss nito at ibinagsak ang pintuan sa pagsara. Dumiretso na rin 'to sa kanyang office.
"Kala mo talaga, Carlos Miguel malaking kawalan ka sa company ko, 'ah, tignan natin kung hindi ka magmakaawang bumalik dito," wika ni Hanica sa kanyang isipan habang nakaupo sa swivel chair.
Nang makarating na si Carlos Miguel sa kanyang condo unit ay huminga muna 'to ng malalim at ibinagsak ang kanyang gamit sa lapag.
"Mabuti na rin 'to atleast hindi na ako magtitiis pa sa ugali niya ang hirap kaya niyang pakisamahan. Tapos puro pa siya utos do'n utos dito ni magtimpla ng kape niya ako pa. Isang tawag lang niya sa pangalan ko. Mabilis pa sa alas kwatro ando'n na ako agad sa tabi niya. Ngayon pati love life ko pakikialaman pa niya at ginawa pa niya talaga akong boy friend niya, ako naman si uto-uto nagpagamit naman, hay nako, mabuti na lamang at nakaalis na ako do'n, kung hindi malamang, hawak niya leeg ko," wika ng binata sa kanyang isipan.
"Ma'am, nasa labas na po ang mga applicant, " wika ni Lordes.
"Okay susunod na ako," sagot naman ni Hanica.
Pagdating ni Hanica ay may sampong applicant na naghihintay sa kanya. Tinignan niya ang mga 'to at napaisip sana makakita ako ng mas magaling pa kay Carlos Miguel," wika ng dalaga sa kanyang isipan at pumasok na 'to sa isang silid upang mag interview.
"Lordes, magtawag ka na ng masimulan na," wika ni Hanica habang naghihintay sa loob.
"Opo, Ma'am," sagot ni Lordes.
Unang pumasok ay isang babae. Nakasuot 'to ng fitted na kulay pulang dress na hanggang legs lamang at halos lumuwa ang dibdib.
'Ano ba 'tong babae na 'to? Nag-aapply ba talaga 'to ng trabaho O mang-aakit. Mukha hindi trabaho ang pinunta nito," wika ng dalaga sa kanyang isipan.
Magsasalita sana ang babae ngunit inunahan na 'to agad ni Hanica.
"I'm sorry, Miss, pero hindi yata trabaho ang pinunta mo dito, you can leave now," wika ni Hanica.
Masamang tiningnan ng applicant si Hanina at sinabi sa isipan na, 'bwesit 'tong babae na 'to nakakainsulto. Kung siya lang rin ang magiging Boss ko dibali nalang. At naglakad na 'to palabas ng silid.
"NEXT!" sigaw ni Hanica.
"Pasok na po Mr. Joel," wika ni Lordes.
Pamasok naman agad ang lalaki sa loob ng silid kung nasaan si Hanica.
Tiningnan 'to ni Hanica. Umupo ang lalaki sa kanyang harapan.
"So, tell me about your self," wika agad ni Hanica.
Sumagot naman ang lalaki.
"I'm Joel, thirty years old. Single masarap magmahal, maasahan, mapagkakatiwalaan, loyal at higit sa lahat pwedi kahit sa umaga at araw," wika ng applicant at nakagat labi na pa na parang nang-aakit.
"Bwesit! Labas! Hindi kami naghahanap ng single dito lalo na ng malanding lalaki!" Galit na wika ni Hanica at napatayo 'to sa inis.
Lumabas naman agad ang lalaki ng kunot ang noo at sinabi sa sarili na, 'Ano bang sinabi kong masama? Sayang maganda ka pa naman kaso lang ang pangit ng ugali.
"Next! Lordes, bigyan mo naman ako ng matino," wika ni Hanica na nayayamot na.
"Nako po , umiral nanaman ang pagkamaldita ni Ma'am, bumalik kana kasi Carlos Miguel," wika ni Lordes sa kanyang isipan at kinakabahan na rin dahil galit na ang kanyang Boss.
Pumasok naman ang next applicant na babae
"Good morning, Ma'am," wika nito kay Hanica.
"Why do you need this job?" tanong agad ni Hanica pagkaupo pa lamang ng applicant sa kanyang harapan.
"I' need this job for my family and my family is my motivation," sagot naman ng applicant.
'Aba! Mukhang okay 'to ah," wika ni Hanica sa kanyang sarili.
"Marunong ka ba sa computer?
Do you have any experince about computer? Alam mo ba na secretary ang hinahanap namin?" mga tanong ni Hanica na sunod-sunod.
"I'm sorry, Ma'am, hindi ko po alam na secretary pala ang hinahanap niyo po at hindi po ako gaanong marunong sa computer ngunit, 'I'm willing to learn ang to train," taos pusong wika ng applicant.
"Okay, then out, hintayin mo nalang ang tawag namin," wika ni Hanica at lumbas na nga ang applicant ng kanyang silid.
"Hay," buntong hininga ni Hanica.
"Ano ba naman 'to? Okay na sana kaso mukhang aanga-anga pa," wika ni Hanica.
"Next!" Sigaw ulit ni Hanica.
"Hay naku wala yatang natipuhan si Boss ah, sana naman may mapili na siya. Kasi kapag wala, malamang na ako ang, patay ako nito," kinakabahang wika ni Lordes sa kanyang isipan.
Itutuloy----