Ang Proposal ni Hanica kay Carlos Miguel

2052 Words
Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_ Choi Genre: Romance HAPON na nang matapos ang ginawang interview ni Hanica sa mga applicant. "Wala manlang akong na interview na papasa sa standard ko, ni isa sa kanila wala akong nagustuhan, hindi kagaya ni Carlos Miguel. Lahat ng gusto ko sa isang uri ng applicant nasa kanya lahat, pati trabaho niya maayos at hindi ko na kailangan pang tanungin at ulit-ulitin. Ano bang dapat kung gawin? Pupunta pa naman si Lolo dito bukas para makausap at makita si Carlos Miguel. Patay ako kapag nalaman nitong nagsisinungaling ako. Baka hanapan na naman ako ng ka blind date at kung sino-sino nalang. Hindi maari 'yon at lalong ayuko na ng lalaki. Tapos baka ang masama pa baka ipaasawa ako ng hindi oras," naguguluhan at nag-aalalang wika ni Hanica sa kanyang sarili. Nang may biglang kumatok. "Come-in," wika ni Hanica "Ma'am, pinatawag niyo daw po ako?" tanong ni Lordes. "Oo, saan nga pala nakatira si Carlos Miguel? Akin na ang address niya," utos ni Hanica. "Po?" kunot-noong tanong ni Lordes at may pagtataka sa mukha. "I said, akin na ang address ni Carlos Miguel. Complete address," utos ni Hanica. "Am, 'to po, Ma'am," wika ni Lordes at isinulat agad ang address sa kapirasong papel at inilapag sa desk ng kanyang malditang Boss. "Bakit alam mo ang address ni Carlos Miguel? At bakit ganyan ka makatingin sa 'akin?" tanong ni Hanica ng kunot ang noo. "Halos lahat po ng empleyado niyo po alam ko po ang address at memorize ko po, dahil ka-closed ko silang lahat at ako ang nag-aayos ng mga papeles sa BIR, SSS, mga bayarin po ng company at iba pa po. Matanong ko lang po, Ma'am. Pupunta po ba kayo sa condo ni Carlos Miguel?" kinakabahang tanong ni Lordes at nakayuko. "Gano'n pala, good job. Oo, dahil wala akong choice, kailangan siya ng company at kailangan siya ni Lolo na makausap bukas. Kapag hindi ko napapayag si Carlos Miguel na bumalik dito. Ikaw ang sasalo sa position na iniwan niya at magiging secretary ko," wika ni Hanica. "Po? Hindi po ako pwede, Ma'am. Wala po akong alam sa trabahong secretary baka makagawa po kayo ng pagsisihan niyo, kapag ako po ang sinalpak niyo sa trabahong hindi ko po alam. Malaking pagkakamali po 'yon," tangging wika ni Lordes habang hindi maipinta ang mukha at kinakabahan. "Okay, then tulungan mo akong mapapayag siya na bumalik dito sa kumpanya. Malapit naman kayo sa isat-isa diba? wika ni Hanica. "Hindi po masyado, sakto lang po," tanggi ni Lordes. Dinampot ni Hanica ang kapiraso ng papel, inilagay sa kanyang bag naglakad palabas ng kanyang office at ibinagsak ang pintuan pasara. Nakahinga naman ng maluwag si Lordes. At napahawak sa dibdib. 'Para akong nasa lie dector test ah, hay, mabuti nalang at lumabas na siya, sana bumalik na si Carlos Miguel kung hindi patay talaga ako," nag-aalalang wika ni Lordes sa kanyang sarili. Tiningnan mabuti ni Hanica ang address na binigay ni Lordes. Nagmaneho 'to ng halos isang oras at natunton na nito ang address ni Carlos Miguel. Pumasok 'to sa loob ng building at pumasok sa elevator. Pinindot rin nito ang numero kung saang floor siya patungo. Nang maya-maya pa ay narating na nito condo ni Carlos Miguel. Nagdadalawang isip siya kung tutuloy pa ba? At ano ang sasabihin? Dahil wala siyang choice. Lalo na bukas kailangang mapaipagpatuloy nila ang pagpapanggap na magkasintahan. Huminga muna 'to ng malalim at bago nag door bell. "Sino kaya 'to? Wala naman akong inaasahang bisita," wika ni Carlos Miguel na kunot-ang noo at lumapit sa pintuan. Pinihit ng binata ang siraduhan at binuksan 'yon ng dahan-dahan. Pagbukas ng binata sa pintuan ay nagulat ito at nagtaka dahil hindi niya inaasahan ang nasakanyang harapan. Ang maldita nitong Boss. Napatingin siya sa mukha ni Hanica na namutla ang mukha at hindi makatingin sa kanya at inilipat ang tingin sa iba. Nakalimutan tuloy ng binata na nakashort lang 'to at walang pang itaas na damit. Biglang isinara muli ng binata ang pintuan, kumuha ito ng t-shirt at isinuot. Bago muling binuksan ang pintuan at humarap sa kanyang malditang Boss. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Nakangising tanong ng binata. "Andito ako para makausap ka, may proposal ako sa 'yo," sagot ng dalaga ng mahinahon na boses. "Wow, parang ang bait mo yata ngayon, may lagnat ka ba?" Nang-iinsultong tanong ng binata sa dalaga. "Pwedi ba Carlos Miguel! Umayos ka! Dahil hindi ako nandito para makipag ngisi-ngisihan sa 'yo!" naiinis na wika ni Hanica. "Ang lakas talaga ng loob mong pagsabihan ako ng ganyan, baka nakakalimutan mo hindi mo na ako empleyado kaya h'wag mo akong sigawan," matapang na wika ni Carlos Miguel. "Ang ibig kong sabihin andito lang naman ako, dahil sa proposal," mahinahong wika ni Hanica habang nagpipigil. "Okay, so pasalamat ka' dahil gentle man ako at hindi ako marunong manakit ng babae. Nakakaintindi ako ng salitang respect, pumasok ka sa loob," utos ni Carlos at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok naman agad ang dalaga. Tiningnan ng dalaaga ang kabuuan ng condo ng binata. Masasabi nito na napakalinis at maayos ang mga gamit ng binata sa loob ng kanyang pamamahay. "Ano'ng tinitingin-tingin mo? Sabihin mo nga ano bang pakay mo sa 'kin?" tanong ng binata. Huminga muna ng malalim si Hanica. "Bumalik kana sa company. I will increase your salary, basta bumalik kana at ipagpatuloy natin ang pagpapaggap sa harapan ni Lolo. Lalo na bukas, gusto ko nyang makausap," matapang na wika ng dalaga. "So, 'yan ang proposal mo sa 'kin? Paano kapag ayaw ko?" matapang na sagot ng binata. "Ano bang gusto mo?" matapang na tanong ni Hanica. "Simple lang, baguhin mo 'yang ugali mo at asta mo sa mga empleyado mo, kung ayaw mong mawalan ng mga empleyado at kung ayaw mo, na ako mismo ang magsabi ng katotohanan sa Lolo mo," pagbabantang wika ng binata. "Okay, then deal, 'yon lang pala 'eh," wika ni Hanica at inilahad ang palad kay Carlos Miguel. Imbes na hawakan ng binata ang palad ng dalaga ay nagsalita na lamang 'to. "Patunayan mo muna, dahil mahirap makipag deal sa mga kagaya mo," makahulugang wika ni Calos Miguel. Inilagay na lamang ng dalaga ang palad nito sa kanyang bulsa na parang walang nangyari at dinampot ang kanyang bag. Pilit nitong pinakalma ang kanyang sarili kahit ang totoo, 'to ang kauna-unahang may taong nagpahiya sa kanya, bwesit!" wika nito sa kanyang isipan. Naglakad na lamang patungo ng pintuan si Hanica at nagsalita bago binuksan ang pintuan, "See you tomorrow, I need to go, marami pa akong gagawin," wika nito at tuluyan ng lumabas at ibinagsak ang pinto sa pagkakasara. 'Ugali mo talagang babae ka," naaasar na wika ni Carlos Miguel sa kanyang sarili. Matapos ang araw na iyon ay maagang umuwi si Hanica sa kanilang bahay at sinalubong ito ng kanyang Lolo. "Apo, mukha yatang maaga kang umuwi ngayon. Hindi ka ba hinatid ni Carlos Miguel?" takang tanong ng lolo nito. "Hindi po, Lo. Dahil masama po ang kanyang pakiramdam pero huwag po kayong mag-alala dahil bukas po is maagang papasok si Carlos Miguel," masayang wika ni Hanica. "Mabuti naman apo at makakausap ko na siya ng masinsinan. Siya nga pala minsan naman dahin mo siya dito para mas makilala ko pa siya," pakiusap ng kanyang lolo. "Opo, Lo. Soon po," wika ni Hanica na may ngiti sa labi. Sabay na kumain ng almusal ang mag lolo at nilalagyan nito ng pagkain ang plato ng kanyang apo. "Lo, matanda na po ako. Huwag niyo na po akong bibihin pa," saad ni Hanica. "Kahit na may kasintahan ka na ngayon at kahit na anuman ang mangyari ikaw pa rin ang prinsesa ko," saad nito ng may paglalambing sa kanyang apo. "Si lolo talaga. Kaya mahal na mahal ko po kayo, eh. Thank you Lo. Mula nang mamatay si Mommy and Daddy kahit na minsan hindi niyo po ipinaramdam sa akin na hindi ako buo at walang araw na hindi niyo po pinaparamdam sa akin na mahal niyo po ako. You are the best lolo for me," masayang saad ni Hanica at tumayo ito upang yakapin ng mahigpit ang kanyang lolo. "Lagi mong tatandaan apo. Mahal na mahal kita," saad ng kanyang lolo na naiiyak. Inisip rin nito ang kanyang apo na paano na kaya ito kapag wala na siya. "Lo, umiiyak po ba kayo?" tanong ni Hanica. "Hindi apo. Masayang-msaaya lang ako. Kasi sa wakas may roon ng lalaki na mag-aalaga at magmamahal sa iyo. Kapag wala na ako. At sa edad mo na thirty three ngayon kalang nagkaroon ng boyfriend. Pasinsya ka na apo, ha. Imbes na mag enjoy ka sa buhay, pinalaki at hinubog kita na magpatakbo kumpanya natin," saad ng kanyang lolo na maluha-luha. "Ano po ba 'yang sinasabi niyo, Lo? Matagal pa po tayong magkasama at isa pa po tama lang po ang ginawa niyo sa akin. Tingnan niyo po ngayon isa na akong matagumpay na businesswoman. At dahil po ito lahat sa inyo, Lo, saad ni Hanica na may ngiti sa labi. "Hay, mabuti pa kumain na tayo para baka saan pa mapunta itong usapan natin," saad ng kanyang lolo at nagpatuloy silang kumain. Pagkatapos nilang kumain ay pinainum ni Aica ng gamot ang kanyang lolo at pagkatapos ay tinimplahan niya ito ng gatas. "Dati naaalala ko pa ako ang taga timpla mo ng gatas sa gabi bagi matulog. Ngayon ikaw na apo," saad nito na nakahiga sa kanyang kama. "Lo, kung dati po kayo ang nag-aalalaga sa akin. At nagtitimpla ng gatas ko bago matuloh. Ngayon kayo naman po ang aalagan ko at pagsisilbihan ko. Isa pa po huwag niyo na po akong alalahanin. Kasi po matanda na ako at kahit hindi po ako makapag asawa kaya ko po ang sarili ko. Hindi ko po kailangan ng katuwang sa buhay," saad ni Hanica. "Parang mali yata ako ng pagpapalaki sa 'yo. Kasi napalaki kita na masyadong matapang at hindi kailangan ng ibang tao para mabuhay o humingi ng tulong sa iba," saad ng kanyang lolo. "Lo, hindi naman po. Dahil ngapo sa pagpapalaki niyo sa akin kaya naging matatag at matapang ako. Higit sa lahat naging successful ako sa buhay," masayang wika ni Hanica. "Alam mo apo, iyang edad mo dapat ngayon may sarili ka ng pamilya at anak. At iyon ang gusto kong mangyari para sa 'yo," saad ng kanyang lolo. "Si lolo talaga kung ano-ano ang iniisip. Mabuti pa po matulog na kayo at para makapagpahinga na kayo," saad ni Hanica at kinumutan na nito ang kanyang lolo at hinalikan sa pisngi. Lumabas na rin ito ng silid at nagtungo sa terrace upang magpahangin. 'Hay, si lolo talaga kung ano-ano ang sinasabi," saad nito habang nakatanaw sa malayo at nagpapahangin. "Makapasok na nga sa loob at mukhang malaming na dito," pahabol pa nito. Naglakad na ito patungo sa kanyang silid at doon ay padapang humiga sa kanyang kama. Mayamaya pa ay hindi na nito namamalayang nakatulog na pala siya dahil sa pagod sa trabaho. Kinabukasan ay maagang gumising si Carlos Miguel at maagang pumasok sa trabaho. "Good morning, Carlos. Mabuti at nakabalik ka pa. Akala ko talaga hindi ka na babalik. Kung hindi ka bumalik at at ako anh ipapalit ni Ma'am sa pwesto mo. Gugustuhin ko nalang mag resign kaysa ang maging secretary niya," saad ni Lordes. "Ano ka ba wala ka ng magiging problema at nakabalik na ako. Isa pa may pinag-usapan na kaming dalawa. Kaya sa tingin ko baka tumagal na rin ako dito," masayang saad ni Carlos Miguel. Inilapag nito muli ang kanyang gamit sa kanyang desk na may ngiti sa labi. "Lo, mga ano'ng oras po kayo pupunta sa kumpanya?" tanong ni Hanica habang kumain ng almusal. "Basta makikita mo na lang mamaya naroon na ako," masayang saad ng kanyang lolo. "Sige po Lo, mauna na po ako," saad ni Hanica at humalik ito sa pisngi ng kanyang lolo bago lumabas ng kanilang bahay. Pagdating ng dalaga sa kanyang kumpanya ay malayo pa lamang ay tanaw na nito si Carlos Miguel na may dalang tasa ng kape. "Good morning," saad nito sa dalaga ng masalubong ang binata. Imbes na magsalita ng good morning too ang dalaga ay sinabi nitong, " No thanks. Nagkape na ako at ihanda mo ang sarili mo at pupunta ngayon si Lolo." "Okay," saad na lamang ni Carlos at huminga ng malalim. Itutuloy-----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD