chapter 5 Ang pag-amin at pagsisinungaling.

2034 Words
Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Makalipas ang ilang sandali ay dumating na nga ang lolo ni Hanica. Ang mga employado ng kumpanya ay naka fall in line at sabay-sabay na nagbigay galang at nagsalita kay Don. Gilbert Vidal. "Good morning, Sir Gilbert," masayang wika ng mga empleyado nito. "Good morning salamat sa mainit na pagbati. Asaan nga pala ang apo ko?" tanong ni nito. "Nasa office po niya, Sir," sagot ni Lordes. "Lo, narito na pala kayo," masayang wika ni Hanica na naglalakad palapit sa kinaroroonan at sumalubong sa kanyang lolo, kumapit ito agad sa braso ng kanyang lolo. "Asaan nga pala si pala si Carlos Miguel?" tanong nito agad nang hindi makita ang binata. "Pumasok po muna kayo sa opisina ko at doon na lang natin siya hintayin," wika na lamang ni Hanica. Naglakad at pumasok sila sa loob ng opisina ng dalaga at doon ay umupo ang matanda. Nang biglang pumasok si Carlos Miguel na may dala-dalang dalawang tasa ng kape. "Hijo, bakit ikaw ang gumagawa niyan? Dapat hindi na. Dahil kasintahan ka ng apo ko. Ikaw Hanica ang dapat gumawa niyan dahil ikaw ang babae. Kaya dapat ikaw ang nasisilbi sa lalake," saad ng lolo nito. Napangiti si Carlos sa tinuran ng matanda. "Lo, Hindi ko pa po asawa si Carlos Miguel. Saka nandito po kami sa trabaho kaya dapat be professional po kami," saad ni Hanica na may pilit na ngiti at tinitingnan si Carlos na may malapad na ngiti, habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam nito ay inaasar siya. "Am, opo, Sir. Tama po si Hanica. Dapat maging professional po kami pagdating sa trabaho. Kasi sayang naman po ang binanayad ng kumpanya sa amin. At dapat po talaga hiwalay ang trabaho sa personal na buhay," saad din ni Carlos Miguel. "Alam mo, Hijo. Bukod sa matalino ka masasabi ko na hindi ka mapagsamantala. Nagtataka ako kung paano mo nagustuhan itong apo ko?" saad ni Don. Gilbert na may ngiti sa labi. "Si Lolo talaga pati ba naman iyan itatanong niyo pa po," wika ni Hanica na tumatawa na lamang at biglang nakaramdam ng kaba sa dibdib. Dahil baka mahuli sila ng hindi oras o baka mapansin ng kanyang lolo na nagpapanggap lamang silang na magkasintahan. "Ano nga palang nagustuhan mo sa apo ko, Carlos Miguel? Bukod sa maldita siya at palautos?" tumatawang tanong ng matanda. Biglang napalunok si Hanica sa tinanong ng kanyang Lolo sa binata at hindi ito makaniwala na tanong ng kanyang lolo. 'Patay alam niya kaya ang isasagot niya? Paano kung magkamali siya ng sagot mabuking pa kami," saad ni Hanica sa kanyang isipan. Lalapitan na sana nito ang binata at siya ang magsasalita at sasagot sa tanong, ngunit biglang nagsalita ang si Carlos Miguel. "Ang totoo po, hindi ko alam. Kung ano ang nakita ko o nagustuhan sa kanya. Bukod sa maldita siya, maarte, pala-utos mabilis umunit ang ulo, at mayabang. Bigla ko nalang pong naramdaman. Basta nagising na lang ako isang araw at gusto ko na pala siya," saad ni Carlos Miguel habang nakatingin kay Hanica. 'Maarte, mayabang at maldita pala ako, ah. Ganyan pala ang tingin mo sa akin. Humanda ka sa akin mamaya," saad ni Hanica sa kanyang isipan habang nakatingin ito sa binata ng kunot ang noo. "Isa lang ang ibig sabihin niyan, Hijo. Na-develop ka sa apo ko. Dahil lagi kayong magkasama dito sa opisina. Ang totoo mabait naman itong apo ko at mapagmahal," saad ng matanda na pinupuri ang kanyang apo at may ngiti sa labi. "Si lolo talaga, pinapalaki ang tainga ko. Hindi niyo naman na po kailangan sabihin pa iyan. Baka po maniwala si Carlos Miguel," saad ni Hanica ng may ngiti sa labi at nakatingin sa binata. "Parang hindi ko po yata nakita iyan sa kanya, Sir," saad agad ni Carlos Miguel na natatawa. "Ano'ng sabi mo?" naiinis na tanong ng dalaga. "Wala syempre binibiro lang kita. Alam ko naman na mabait ka at mapagmahal kaya nga nagustuhan kita diba?" saad ni Carlos Miguel kay Hanica habang nakatingin ito sa dalaga. Kunot-noo namang tiningnan ni Hanica. "Alam niyo kayong dalawa para kayong aso't pusa. At nakikita ko kayong nagmamahalan talaga kayong dalawa. Ikaw naman Hanica apo. Ano naman ano nagustuhan mo kay Carlos? tanong nito sa kanyang apo na may ngiti sa labi. "Ahem!" inoubo-ubong saad ng binata. "Ano nga ba? Bukod sa boring kasama, may sariling mundo. Parang binabae. Joke!" saad ng dalaga na tumatawa at nakatingin sa binata na parang nang iinis. Tiningnan naman siya ng kunot noo ng binata. "Ganito kasi iyon lolo. Itong si Carlos po kasi matagal na siyang may gusto sa akin. Kilala niyo naman po ako. Aaminin ko po noong una ayaw ko sa kanya. Pero noong nakita ko kung gaaano po siya kapursigidong at nakita ko po kung gaano niya ako kamahal talaga. Ayon po nakuha po ni Carlos Moguel ang matamis kong, oo," saad ni Hanica na tumatawa at nakatingin sa binata. 'Ang kapal mo!" naiinis na saad ng binata na walang boses at salubong ang kilay na nakatingin sa dalaga. "Hahaha!" Tumatawang wika ng lolo ni Hanica. "Ganyang-ganyan din ako sa lola mo dati. Paano naman kasi may pagkatorpe din ako pagdating sa babae. Anyway masayang-masaya ako at sa wakas. Nakahanap na ng katapat ang apo ko at mag-aalaga," saad ng matanda tumayo ito para yakapin ng sabay ang dalawa. "Gusto kong sabihin na kung gusto niyo ng magpakasal. Binabasbasan ko na kayo. Matatanda na kayo ako rin matanda na rin ako. Gusto ko sana ng marami pang apo sa tuhod. At makita iyon lahat pero ayukong minamadali kayo. Basta Carlos Miguel alagaan at mahalin mo ang apo ikaw na rin ang bahala sa kanya. Habaan mo lang ang pasinya mo," pahabol na wika ng matanda. Hindi makapagsalita ang binata at bigla itong inubo. "Bakit, honey? Nasamid ka ba?" nag-aalalang kunwaring tanong ni Hanica at pinapalo ng malakas ang likod ni Carlos Miguel. "Aray ko ang lakas ng palo mo," naiinis at bulong ng binata sa tainga ng dalaga. "Ay, sorry honey, ah. Carried away ako," nang-iinis na saad ni Hanica sa binata. Walang nagawa ang binata kung hindi ang magakamot sa kanyang ulo. 'Makakaganti rin ako sa 'yong babae ka," saad na lamang nito sa kanyang isipan at tiningnan ng matalim na tingin ang dalaga. "Mabuti pa apo at Carlos Miguel samahan niyo akong maglakad-lakad dito sa kumpanya," saad ng matanda. "Sige po," sagot ni Hanica at kumapit ito sa braso ng kanyang lolo. "Bakit sa braso ko ikaw nakakapit?" tanong ng kanyang lolo. "Po? Saan po pala ako kakapit, Lo?" takang tanong ni Hanica. "Kanino pa nga ba?" balik na tanong ng kanyang lolo. "Sir, mawalang galang na po, ayuko ko po kasing may ibang makaalam about sa amin ng apo niyo. Para iwas tsismis na rin po," saad agad ni Carlos Miguel. "Kahit pilit niyong itago iyan. Sisingaw at sisingaw pa rin iyan. Saka wala namang masama binata ka at dalaga ang apo ko. Isa pa matatanda na kayo. Ano naman ngayon kung malaman nila na may relasyon ang boss at ang secretary niya? Wala namang masama doon," pahayag ng matanda. "Alam niyo naman po ang takbo ng isip ng mga tao," saad ng binata. "Tama si Carlos Miguel, Lo. Baka po maging masama ang tingin nila sa kanya. Alam niyo naman po ang pagkakakilala nila sa akin. Imposible po na magustuhan ako ni Carlos Miguel. Gayong alam nila na ang ugaling meron ako. Tapos baka po isipin nila ang habol ni Carlos Miguel sa akin ay ang kayamanan natin. Mapapasama pa po siya sa mata ng mga tao," dugtong pa ni Hanica. 'Ang yabang talaga ng babae na ito. Kayamanan talaga? Hindi mo lang alam Hanica at wala kang alam sa pagkatao," wika ng binata sa kanyang isipan na naiinis. "Wala na tayong magagawa kung anuman ang iisipin nila o sasabihin nila. Nasa kanila na iyon. Ang importante ang nararamdaman niyo at kung ano ang totoo. Doon ka kumapit sa braso ng kasintahan mo, hindi sa akin dahil. At wala silang pakialam kung anuman ang makita nila. Kaya dapat gano'n din kayo," utos ng matanda ng may ngiti sa labi. Niluwagan ni Carlos Miguel ang pagkakabukas ng pintuan at naglakad sila ni Hanica likod ng matanda na nakasunod. "Oh, bakit nandiyan kayo sa likod ko? At bakit hindi kayo magkahawak ng kamay na naglalakad? Dapat maging proud kayo at ipagsigawan niyo ang pagamamahalan niyo. May problema ba kayo?" takang tanong ng matanda sa dalawa. "Wala po, Sir," sagot Carlos Miguel na may pilit na ngiti. "Ano bang ginagawa niyo? Nagkakahiyaan pa kayo," huwag na kayong mahiya sa akin," saad ng matanda. At nilapitan ang dalawa, hinawakan ang magkabilang palad nila upang mapilitang hawakan nilang pareho ang palad ng bawat isa. Labag man sa kanilang kalooban ay pikit mata nilang ginawa iyon at pilit na ngumiti. Kahit pa pareho silang naiirita sa isa't isa at napipilitan lamang. "Ayan, oh diba? Ang sweet niyo. Don't mind them. At dapat ipakita niyo kung gaano niyo kamahal ang isa't isa. Dahil maikli lang ang buhay ng tao," saad ng matanda na may ngiti sa labi. Tumalikod na ito naglakad. "Huwag mo nga akong hawakan," saad ni Carlos Miguel na walang bose at naiirita kay Hanica. Habang si Hanica naman ay naiinis rin ngunit hinihigpitan ang kapit sa palad ng binata baka kasi bigla lumingon ang kanyang lolo at magtaka. At nilalakihan ng mata si Carlos na halatang naiinis ito at nagkanguso sa kanyang lolo na nakatikod. Parang nagsisenyas na baka biglang lumingon ang kanyang lolo. "Si Carlos Miguel at Ma'am Hanica may relasyon?" bulong-bulungan ng mga empleyado habang nakatingin sila sa magkahawak kamay naglalakad. "Kailan pa kaya naging sila Carlos at Ma'am Hanica? Saka noong isang araw lang aso't pusa sila ngayon sila na!" Ano ang nangyari kay Carlos Miguel bakit pinatulan niya iyang si Ma'am Hanica?" nagtatakang tanong ni Lordes sa kanyang isipan habang pinagmamasdan na naglalakad ang dalawa na magkahawak kamay. "Attention please!" malakas na wika ng matanda at huminton sa paglalakad. Nagsilapitan ang mga empleyado sa matanda at nagkaroon ng katahimikan. "Naririnig ko ang bulong-bulungan niyo. Ang lakas kaya," malditang saad ni Hanica. "Para maliwanagan kayo at hindi na kayo maguluhan pa. Itong apo ko na CEO ng ating kumpanya at si Carlos Miguel na kanyang secretary ay magkasintahan matagal na," pahayag ng matanda. "Ano raw? Kailan pa sila naging mag-on? Kaya pala magkahawak kamay sila," bulong-bulungan ulit ng mga empleyado. "Yes, kami na! At wala kayong pakialam. Ayan sinabi ko na para hindi na kayo mag tsismisan," naiinis na wika ni Hanica at humawak pa ito sa braso ng binata. "Patay!" naiiritang saad ni Carloa Miguel at walang magawa kung hindi ang magkamot sa ulo. Nang bigla itong bumulong sa tainga ni Hanica, "Mamaya kailangan nating mag-usap ng masinsinan at ayusin mo to." "Sure," saad naman ni Hanica na may ngiti sa labi. "Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo! Puro kayo tsismisan!" galit na wika ni Hanica. Sumunod naman ang mga empleyado at at nagsibalikan sila sa kani-kinilang trabaho. "Napagod na akong maglakad. Iba na talaga kapag tumatanda na," saad ng lolo ni Hanica. "Kayo naman kasi, Lo. Hindi niyo namang kailangan pang pumunta dito. Para lang makausap si Calos Miguel. Kumuha naman ng tubig ang binata at iniabot sa matanda upang makainum ito ng tubig. "Salamat, Hijo. Siya nga pala mamayang gabi magpapaluto ako ng masarap na habpunan. Ihatid mo ang apo sa bahay at doon ka na rin mag dinner may pag-uusapan tayo lalaki sa lalaki," wika ng matanda. "Po?" saad ni Carlos Miguel na nagtataka at gustong tumanggi ngunit tinitingnan ito ng kakaiba ni Hanica. Na parang sinasabing huwag tumanggi. "Bakit, Hijo? May importante ka bang gagawin?" tanong ng matanda. "Wala po. Opo ihahatid ko po ang apo niyo dahil may kailangan din po akong sabihin sa inyo," saad ni Carlos. "Ano ang sasabihin mo, Hijo? Mamanhikan ka na ba?" tanong ng matandang lalaki na bakas sa mukha ang saya. "Hindi po iyon," sagot agad ng binata. "Binibiro lamang kita. Pero pwede mo ring tutuhanin," pahabol ng matanda na may ngiti sa labi. "Lo, mabuti pa po ihatid ko na kayo palabas. Para makauwi na kayo at makapagpahinga na," nag-aalalang saad ni Hanica. Itutuloy----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD