chapter 6 Ang pagkamatay ng lolo ni Hanica

1769 Words
Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Nang maihatid ni Hanica ang kanyang Lolo sa sasakyan nito at nakaalis na ito ay naglakad ang dalaga patungo sa kanyang opisa na siya namang agad sinundan ni Carlos Miguel. "Ano ba talaga ang plano mong babae ka?" kunot noong tanong ng binata pagkapasok pa lamang nito sa loob ng opisina ng kanyang Boss. "Ang hot mo naman baka nakakalinutan mong boss mo ako," saad ni Hanica na salubong ang kilay. "Hanica, sinasabi ko na sa iyo. Ayukong magpakasal sa iyo," saad nito sa mahinahon ang boses. "Bakit? Sino bang gustong magkapakasal? Alam mo, kung iniisip mo na magpapakasal tayong dalawa. Huwag kang mag-alala, dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo. OVER MY DEAD BODY!" asik ni Hanica kay Carlos Miguel. "Gusto ko lang ng malinaw at sigurado. Dahil ayukong mangako sa lolo mo at isa pa! Hindi ikaw ang tipong kong babae," saad ni Carlos Miguel at tinitigan nito ang dalaga mula ulo hanggang paa. At nagmadaling lumabas ng opisina ng kanyang boss. "Hay, relax kalang Hanica. Kailangan mo siya. Huwag mo na munang patulan baka at baka maghabol ka na naman sa kanya," saad nito sa kanyang sarili na pinipilit maging mahinahon ngunit naiinis na ito sa binata. Six pm na ng kumatok si Carlos Miguel sa sa kanyang malditang boss. "Come in," saad ni Hanica. "Tayo na at alam ko na hinihintay tayo ng lolo mo. Nakakahiya dahil nakapangako na ako sa kanya," saad ng binata. "Okay," saad ni Hanica at kinuha nito ang kanyang bag, tumayo at naglakad. Pinagbuksan din ni Carlos Miguel ang dalaga ng pintuan ng sasakyan. Habang nasa biyahe sila ay katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. "Pwede bang mamaya galingan mong umarte para naman matuwa si lolo. Madalas kasi nakikita ko parang ang lalim ng iniisip niya," saad ni Hanica na nag-aalala sa kanyang lolo. "Susubukan ko," saad ni Carlos Miguel na napipilitan. Pagkarating at kababa pa lamang ni Hanica ay nakita na sila agad ng kanyang lolo. Kaya dali-dali itong naglakad patungo sa kanila na may ngito sa labi. "Carlos Miguel, kanina ko pa kayo hinihintay," masayang wika ng matanda. Naglakad sila papasok sa loob at nagtaka ang dalaw ng makita ang photographer. "Lo, para saan po ito?" takang tanong ni Hanica sa kanyang lolo. "Kayo naman gusto ko lang magpakuha tayong tatlo ng picture para kahit paano ay may tinitignan ako at syempre pamilya na ang tingin ko dito kay Carlos Miguel," saad ng matanda na natutuwa. "Salamat po," saad na lamang ng binata. "Halikana magpa-picture na tayo. "Miss, ano ba ang unang gagawin?" tanong ng matanda sa photographer. "Sila po munang dalawa," saad ng photographer. Pinagdikit niya ang katawan ng dalawa at inilagay ang kamay ni Carlos Miguel sa kanang balikat ni Hanica. Kaya ang labas inakbayan ng binata ang dalaga. Iyon ngalang naiirita si Hanica at hindi sila kumportable. "Smile," saad ng lolo ni Hanica habang pinagmamasdan sila. "Isa pa," saad ng lolo ni Hanica at pinagdikit ang kanilang noo habang nakaharap sa isa't isa. Kaya hindi sila mapakali. "Okay, last na. Sir, opo na po kayo sa upuan tapos hahawakan po kayo ng apo niyo sa balikat niyo po. Habang naakbay muli ang kanyang kasintahan sa kanya parang family picture," saad ng photographer. "Last na, smile!" saad nito at sabay-sabay silang ngumiti. "Ayan, perfect!" masayang saad ng photographer. Matapos ang kanilang pictorial ay nakahinga na ng maluwag ang dalawa. "Kumain na tayo. Alam ko gutom na gutom na kayo," saad ng kanyang lolo. Sabay-sabay silang kumain at sarap na sarap kumain ang binata. "Mukhang nagustuhan mo yata, Hijo. Kumain ka lang dahil pinaluto ko talaga iyan para sa iyo," masayang saad ng matanda. "Salamat po," saad naman Carlos Miguel. Matapos silang kumain ay kinausap ng masinsinan ng lolo ni Hanica si Carlos Miguel. Habang umiinum sila ng alak. "Salamat at kahit paano tinanggap at nagustuhan mo ang apo ko. Alam mo palagi ko talagang pinagdarasal na sana may may magkamaling magkagusto sa apo ko. Kahit ang totoo karamihan alam ko pera lang habol nila sa apo ko. Kaya nga napaka saya ko noong nalaman ko na may relasyon kayo. At panatag ang kaooban ko. Kasi alam ko na napunta ang apo ko sa tamang tao. Kilala kita Carlos Miguel sa tinagal-tagal mo sa kumpanya ko. Alamo ko na mapagkakatiwalaan kita at aalagaan mo ang apo ko," saad ni matanda. "Am, wala po iyon. Huwag po kayong mag-alala. Kahit paano naman po natitiis ko po ang ugali ng apo niyo," wika naman ng binata. "Hijo, mahal na mahal ko iyang apo ko na iyan. Sana lang mahalin mo siya at ingatan. At sana rin hindi ka magsawa kanya. Ikaw na ang bahala sa kanyan, ha? Huwag mo siyang pababayaan," pakiusap ng matanda. Nagulat si Carlos Miguel nang bigla siyang yakapin ng matanda. Kaya napayakap na rin ito. 'Huwag po kayong mag-alala. Dahil titiisin ko po ang ugali niya at ihahanap ko po siya ng lalaking mag-mamahal ng tapat at totoo sa kanya," saad ni Carlos Miguel sa kanyang isipan. "Grabi mas love ka na yata ng lolo ko. Kaysa sa akin," saad ni Hanica nang makita ang tagpong iyon. "Hindi naman apo nagkatuwaan lang kami," wika naman ng kanyang lolo. "Mabuti pa po, Lo. Ihatid ko na po kayo sa kama niyo para makapag hinga na kayo," saad ni Hanica. "Wait," saad ng lolo nito at nagulat ang dalawa nang bigla silang yakapin na dalawa. "Sana'y mahalin niyo at pakaingatan ang isa't isa. Matuto kayong ilagalang at magpatawag at higit sa lahat lagi kayong magdasal at magpakumbaba. Habaan niyo ang pasinsya ng bawat isa," saad ng kanyang lolo. Nagkatinginan naman ang dalawa ng kunot ang noo na para bang nagkakaintindihan kahit walang boses. "Opo, Lo. Huwag po kayong mag-alala," saad na lamang ni Hanica. At inihatid nilang dalawa ang matanda sa silid nito. "Good night, Lo. I love you, tulog na po kayo," saad ng dalaga at humalik ito sa noo ng kanyang lolo. Mayamaya pa ay nakatulog na ito. Saka lamang nila iniwan ang matanda. Sinamahan naman ni Hanica ang binata palabas ng bahay. "Carlos Miguel, salamat nga pala at pinakitaan mo ng maganda ang lolo ko. Huwag kang mag-alala dahil dadagdagan ko ang bayad ko sa iyo. "Marunong ka rin pala magpasalamat. Wala, iyon," saad ng binata at sumakay na agad ito sa kanyang sasakyan. 'Bakit kaya kakaiba ang pakiramdam ko sa lolo ni Hanica? Parang nagpapaalam siya. Pero sana hindi naman," saad ni Carlos Miguel at ipinilig ang ulo habang nagmamaneho. Nang makarating ito sa kanyang condo ay naligo ito agad. Pagkatapos ay humilata sa kama hanggang sa nakatalog na ito. Kinabukasan ay maagang nagising ang binata at maaga rin itong pumasok sa trabaho. "Good moring, Sir!" masayang bati ni Lordes. "Bakit, Sir? At pwede ba huwag mo akong matawa-tawag na sir," saad ng binata. "Bakit hindi? Diba kasintahan mo naman si Ma'am Hanica? Pero nagtataka talaga ako, kasi parang hindi mo talaga siya magugustuhan. Inis na inis ka pa nga sa kanya noong isang araw, eh. Tapos nag resign ka pa. Akalain mo iyon nagkagustuhan kayo. Ano nga ba ang nagustuhan mo sa kanya? Naku good luck na lang sa iyo," saad ni Lordes. Maysasabihin pa sana ito nang marinig ang boses ni Hanica. "Ang aga-aga chismis na naman ang pinag-uusapan niyo! Imbes na trabaho ang atupagin niyo ,eh," saad ni Hanica nang makita ang mga empleyado na nagkukumpulan. Kaya kanya-kanya sila ng balik sa kanilang mga desk. Tanghali na nang biglang tumunog ang telepono ni Hanica kaya agad niya itong sinagot. "Yes? Hello?" tanong ng dalaga. "Ma'am, ang lolo niyo po," saad ng isa sa kanilang kasambahay na humahagulgol sa pag-iyak. Dali-daling tumakbo si Hanica palabas ng opisina na natataranta. "What happened?" maang na tanong Carlos Miguel nang makita ang dalaga tumatakbo. "Hanica," saad ni Carlos Miguel ngunit hindi ito pinansin ni Hanica at sumakay ito ng kanyang sasakyan at pinaharurot iyon. "Agad naman na sumakay si Carlos Miguel sa kanyang sasakyan at sinundan ang dalaga. Mayaman pa ay nakarating na ito sa hospital. Agad itong pumasok sa loob at nakita niyang nasa labas ng ICU. Nang biglat lumubas ang doctor, "I'm sorry ginawa namin ang lahat ng paraan pero hindi na talaga kaya ng katawan niya," saad ng doctor. "Hindi. Hindi iyan toto! Buhay pa ang lolo ko!" malakas na wika ni Hanica habang humahagulgol sa iyak. Nakita nito na inilalabas ang katawan ng kanyang lolo mula sa ICU kaya agad niya itong nilapitan. "Lolo, bakit niyo po ako iniwan? Kayo na lang po ang kaisa-isang tao na nag mamahal sa akin at meron ako," saad ng dalaga habang niyayakap ang lolo niya at hinahaplos ang mukha nito. Nakita naman ni Carlos Miguel iyon kaya hindi nito maiwasang makaramdam ng awa sa dalaga. Kaya nilapitan niya ito, "Tama na wala na tayong magagawa. Kaya mo iyan alam ko na matapang ka," saad ng binata habang nakahawak sa magkabilang braso ni Hanica na nasa likuran nito. Makalipas ang ilang sandali ay dinala ang bangkay sa St. Peter. At nakabantay lamang si Hanica sa kanyang Lolo habang naghihintay ng tamang oras. "Mabuti pa umuwi ka na muna, ako na ang magbabantay dito," saad ni Carlos Miguel. "Hindi ko iiwan ang lolo ko. Umuwi ka na," saad ng dalaga. Nang biglang dumating si Winston ang abogado ng kanyang lolo. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan at pagkabalisa. "Wala na pala talaga siya, hindi ko manlang naubatan at hindi manlang ako nakapagpasalamat sa huling pagkakataon," saad ni Winston. "Magpahinga ka na muna, Hanica. Nandito naman na ako," saad ng kanilang abogado "Ayuko, dito lang ako," saad ni Hanica habang lumuluha. Madaling araw na noong naiuwi ang bangkay ng kanyang lolo sa bahay nila. Maraming tao ang naroon. Walang ginawa si Hanica kung hindi ang bantayan at pagmasdan ang kanyang lolo na nasa kabaong. Hindi niya ito iniiwanan kung hindi kinakailangan. Hindi rin ito gaaanong umiimik o nagsasalita. Makalipas lamang ng ilang araw ay inilibing na ang kanyang lolo at ilang araw din na hindi pumasok si Hanica sa kanyang kumpanya inabot ito ng halos isang buwan. Kaya halos si Carlos Miguel ang gunagawa ng paran at nag-aasikaso sa kumpanya nito. Kasama si Winston. Hanggang sa isang araw ay napagpasyahan ng binata na puntahan ang dalaga. Pinapasok siya ng mga kasambahay at sinabi na hindi ito lumalabas ng silid at nakakulong lamang. Kung kumakain naman ito ay pakunti-kunti lang. kinakatok nila ang silid ng dalaga ngunit parang walang naririnig si Hanica. Kaya kinuha ni Carlos Miguel ang susi ng silid ni at binuksan iyon. Nakita niya ang dalaga na nakahiga at tulala habang tumutulo ang luha. Itutuloy----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD