chapter 1
"AYAW na ayaw kong tinatakbuhan ako! Oh, tinatakasan! Huwag na huwag kang gagaya kay Amanda, Mia. Dahil kapag sinabi ko. Ginagawa ko!" banta ni Bryan habang titig na titig ito sa mukha ng dalaga.
Hindi naman makapagsalita ang dalaga dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Bryan sa kanyang mukha. Takot din itong magsalita at baka bigla siyang halikan muli. Bagkus ay tiningnan na lamang niya ito ng matalim na tingin.
"Bakit ganyan ka makatingin sa 'kin? Papalag ka ba? Baka gusto mo na namang makatim," saad ni Bryan at lalo pang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga.
Kunting-kunti na lang at maglalapat na ang kanilang labi. Pinigilan na lamang ng dalaga ang kanyang pahinga. Habang pinagpapawisan ito ng malagkit at nakadikit sa ding-ding ang kanyang katawan.
Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at doon ay natuon ang kanilang pansin. Sabay pa silang napatingin sa kinaroroonan ng cellphone. Kaya agad na nagkaroon ng idea si Mia para umalis sa harapan ng binata. Mabilis siyang umilalim sa braso ng binata at agad na nagtungo at kinuha ang cellphone sa na nasa ibabaw ng lamesa. Sinagot naman niya agad ang tawag.
"Hello," saad ni Mia na mahina lamang.
"Hello, friend," sagot naman ni Dana ang kaibigan nito.
"Hi, babe. Ikaw pala, susunduin mo na ba ako?" tanong ni Mia.
"Babe?" saad ni Byran ng kunot-noo habang nakatingin ito sa dalaga.
Bigla nitong nilapitan si Mia at inagaw ang cellphone sa dalaga. Nang maagaw na ay kinuha nito ang cellphone at kinausap ang kausap ni Mia.
"Who are you?" galit na tanong ng binata.
"Ikaw, sino ka?" naiinis naman na wika ni Dana sa kabilang linya.
Nang marinig ni Bryan na babae ang boses nito ay agad nitong pinatay ang tawag.
"Babe, pala ah?" saad ni Bryan na may nakakalokong ngiti habang nakatingin kay Mia.
Hindi naman makatingin ang dalaga sa binata.
"Wala kang pakialam!" asik nito sa binata.
"Sa susunod galing-galingan mo, iyong kapani-paniwala. I pick you up later at seven pm. Huwag mo akong tatakasan kung ayaw mong dito mismo maganap sa boarding mo ang hindi dapat maganap," bantang saad ni Bryan at lumabas na ito ng bahay.
Doon lamang nakahinga ng maluwag ang dalaga.
"Ahhh! Isa siyang baliw!" naiinis at sumisigaw na wika nito.
Lumabas si Bryan na may ngiti sa labi, sumakay na ito ng kanyang sasakyan at nagmaneho paalis.
'Ewan ko lang kung hindi ka maging akin Mia Ferrer. Ayoko ng may lalaking umaali-aligid sa 'yo. Dahil gusto ko sa akin ka lang," saad ni Bryan sa kanyang isipan.
Biglang tumunog ang cellphone nito. Kaya agad niya itong sinagot.
"Bryan, pumunta ka ngayon din sa mansyon at nais kang makita ni Don Gilbert," saad ni Joseph isa kanyang mga kaibigan.
"I'm coming," sagot nito at pinutol na ang linya. Matulin din nitong pinatakbo ang kanyang sasakyan.
Mayamaya pa ay nakarating na ito sa mansyon. Pagkapasok pa lamang niya ay sinalubong na ito ni Don Gustavo ang pinuno ng kanilang organisasyon.
"Mabuti at nakarating ka na. Kailangan nating mag-usap," saad nito at nagtungo sila sa isa sa mga silid ng mansyon.
Pagkapasok nila ay pinagtitinginan sila ng mga taong naroon na may matataas na katungkulan at opisyales sa kanilang organisasyon. Lumapit si Bryan sa tabi ni Don Gustavo.
"Gusto kong makilala n'yo si Bryan Avelino. Matapang, magaling humawak ng baril, magaling makipaglaban, walang kinakatakutan. Ang aking kanang kamay. Siya ang napipisil kong papalit sa akin. Pagdating ng tamang panahon," saad ng matanda na nakangiti.
Hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi ng kanilang pinuno.
"Bakit siya? Marami ka namang pweding pagpilian saka masyado pang bata si Bryan para humawak ng isang malaking organization. Hindi kaya ipahamak kami niyan pagdating ng araw?" tanong ni Dexter anak ng isang sa mga nasa mataas ang katungkulan sa organisasyon.
"Tahimik! Sa ayaw at gusto n'yo wala na kayong magagawa dahil 'yon ang pasya ko. At lalong huwag niyo akong kuwestyunin! Dahil alam ko kung ano sinasabi ko at ginagawa ko!" malakas at galit na wika ni Don Gustavo.
Nanahimik naman ang lahat at umupo na lamang sa kanilang upuan.
Habang si Bryan naman ay nawindang sa sinabi ng matanda at hindi ito makapaniwala. Dahil wala ito sa kanyang plano at nais na niyang mamuhay ng tahimik at mag-asawa. Nais din sana nitong bumitaw na sa kanilang organisasyon. Paano pa iyon mangyayari kung siya ang napipisil na papalit sa katayuan ng kanilang boss?
Matapos ang meeting ay nagsi-alisan na rin ang lahat ng nakipulong, kasama ang kanilang mga bodyguards ang naiwan na lamang ay siya at ang kanyang boss.
"Bryan, may gusto ka bang sabihin?" tanong nito.
"Bakit ako ang napili n'yo? Tama sila paano kapag binigo ko kayo at sila?" tanong ng binata.
"Dahil alam ko na kaya mo at ikaw lang Bryan ang masisiguro kong mapagkakatiwalaan ko," wika ng Matanda.
"Kung kailan gusto ko ng bumitaw sa orginasasyon at mamuhay ng maayos. Magkaroon ng isang masaya at tahimik na buhay. Saka naman sa akin napunta ang pinakamahirap na tungkulin," saad ni Bryan.
"Alam mo naman ang dahilan ko 'di ba? At Alam mo rin ang mangyayari kapag nagpakasal ka na hindi pa nahuhuli si Magnus Pareno ang mahigpit na kalaban natin at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap at patuloy na nagtatago. Baka nga hindi natin alam ang susunod na mangyayari. Kaya mabuti na iyong maaga pa lang bago niya ako mapatay. Maayos na ang lahat at may kapalit na ako," saad ng matanda.
"Kaya sana, Bryan. Pagbigyan mo ako at huwag mo akong biguin," pakiusap at pahabol na wika ng Don.
"Susubukan ko," sagot ng binata.
"Huwag mong subukan gawin mo at ipakita mo. Dahil alam ko na kaya mo," ani nito at humawak sa balikat ni Bryan.
"Mauna na po ako dahil may lakad pa po ako," paalam ng binata.
"Bryan, alam mo ang patakaran ng organisasyon natin. Mag-iingat ka," wika ng matanda.
"Sila ang mag-ingat sa akin. At kayo po ang dapat mag-ingat dito," saad naman ng binata naglakad na ito patungo sa kanyang sasakyan sumakay na ito at pinaandar.
mamaya pa ay nakarating na ito sa kanyang bahay agad itong nagtungo sa banyo upang maligo. Bago mag seven pm ay naroon na siya sa boarding house ni Mia.
Kumatok muna ito ngunit walang nagbukas ng pintuan kaya nagtao po siya. Ngunit walang sumagot sa kanya.
Kaya binuksan nito ang katabing bintana ng pintuan at doon ay ipinasok niya ang kanyang kamay hanggan sa maabot nito ang siraduhan ng pintuan at nabuksan iyon.
Pagbukas niya ay agad itong pumasok sa loob at hinanap ang dalaga. Nahalughog na niya ang buong bahay ngunit wala siyang nakitang Mia Ferrer sa loob.
"Humanda ka sa akin, Mia. Dahil kapag nahanap kita talagang hindi ka makakawala sa paningin ko," naiinis na wika ng binata. Nagmaneho ito at tinawagan ang isa kasamahan upang ipahanap kung saan nagtatrabaho si Mia.
Agad naman nag text ang kausap niya kanina at ibinigay ang address.
Pinaharurot ni Bryan ang kanyang sasakyan at tinungo ang address ng pinagtatrabahuan ng dalaga.
Nang makarating ito ay nakita agad nito si Mia na kalalabas lamang galing sa trabaho. Kaya inilapit nito ang kanyang sasakyan sa dalaga.
Nagtaka naman ang dalaga na may humintong sasakyan sa kanyang harapan. At mas lalong nagulat ito nang bumukas ang bintana at natanaw ang lalaking kina-iinisan.
"Sakay," utos ni Bryan.
"Kaya kong maglakad mag-isa at hindi ako sasakay sa sasakyan mo,," pagsusungit ni Mia at nagpatuloy ito sa paglalakad.
Habang naglalakad ang dalaga ay siya namang sunod ng sasakyan ni Bryan.
"Babaeng, maarte! Talaga bang inuubos mo ang pasinya ko? Oh, baka gusto mong buhatin kita at kaladkarin papasok ng kotse ko! Nakakalimutan mo na bang may usapan tayo. Huwag mong ubusin ang pasinsya ko! Sakay!" banta at naiinis na wika ng binata, binuksan muli nito ang pinutuan ng sasakyan.
'Nakakainis talaga itong lalaki na ito. Kung makapag-utos akala mo kung sino," naiinis na wik ni Mia at nakasimangot itong pumasok sa loob ng sasakyan.
"Pinahirapan mo pa ako. Sasakay ka rin pala," saad ni Bryan na may ngiti sa labi.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" naiinis na tanong ng dalaga.
"Sa heaven," saad ni Bryan at nakatingin ito ng kakaiba sa dalaga.
"Ano? He-Heaven?" kinakabahang tanong ni Mia.