"Sira ba, ulo mo? Heaven ka diyan! Mag-isa ka!" naiinis na wika ni Mia at pilit na binubuksan angpituan ng sasakyan.
"Buksan mo 'tong pintuan at bababa ako!" pahabol pa na wika nito.
"Hindi ka baba sa ayaw at gusto mo. Dahil ako ang masusunod!" Malakas na wika ni Bryan.
"Alam mo ikaw! Hindi ka lang baliw, eh. i
Isa ka pang bastos at manyakis!" naiinis na wika ng dalaga.
"Tumahimik ka! Dahil hindi nakakalabas kahit na ano'ng gawin mo," wika muli ng binata. At iginilid ang sasakyan.
"Sa ginagawa mo sa akin. Lalong hinding-hindi kita magugustuhan! Saka ganito ka ba manligaw? Sapilitan!" nagwawala na wika ni Mia.
Pero nagulat ito nang bigla siyang hinawakan ni Bryan ng mahigpit ang kanyang magkabilaang pisngi at walang ano-anong sinakmal siya ng halik sa labi.
Hindi lang isang halik na banayad ang iginawad sa kanya kung hindi isang halik na walang kawala.
Pilit naman niyang inilalayo ang kanyang mukha ngunit wala siyang nagawa dahil sa mas malakas ang binata kaysa sa kanya. Matapos ang sampong minuto ay saka lamang binitiwan ni Bryan ang labi ni Mia.
"Kapag nagsalita ka pa, hahalikan kita ulit! Kaya tumahimik ka na!" banta ni Bryan na seryoso ang mukha ngunit sa loob nito ay nagdiriwang kang kanyang kalooban.
Hindi naman na nagsalita pa ang dalaga at nanahimik na lamang ito dahil alam niya na tototuhanin ni Bryan ang sinabi nito.
Mayamaya pa ay nagmaneho na lamang si Bryan habang si Mia naman ay hindi makatingin ng sa binata at nakatanaw na lamang sa labas ng binatana.
Naiinis man siya ay wala siyang magawa dahil alam niyang kapag nagpumilit siya ay siya rin ang kawawa sa huli.
Hanggang sa nakaramdam siya ng antok ngunit pilit niyang nilalabanan dahil iniisip niya na baka mamaya ay kapag nakatulog na siya doon ay maisagawa ni Bryan ang maitim nitong plano sa kanya.
At napansin naman 'to ng binata.
"Matulog ka na kung matutulog ka. Medyo malayo-layo pa tayo sa pupuntahan natin," wika nito.
"Ayoko nga. Baka mamaya ano pa ang gawin mo sa akin. Saka wala akong tiwala sa 'yo," wika nito na hindi na tumitingin sa binata.
"Huwag kang mag-alala wala akong planong masama sa 'yo. Saka isa pa kahit ganito ako hindi ako gaya ng iniisip mo. Hihintayin ko ang oras na kusa mong ibigay sa ang sarili mo sa akin. At pakakasalan kita agad kapag may nangyari sa 'tin," wika ni Bryan na seryoso ang mukha.
"Utot mo! Magpakasal ka mag-isa. Ayoko ko sa 'yo. At kailanman hinding-hindi ako magpapakasal sa 'yo kahit pumuti pa 'yong uwak," wika naman ni Mia.
"Alam mo sa totoo lang kapag ganyan ka sa akin. Nawawala ang paggalang ko sa 'yo. Dahil gustong-gusto kitang parusahan. Pero pinipigilan ko hanggang kaya kong pigilan. Dahil alam ko at umaaasa ako na makukuha ko rin ang puso mo ng buong-buo," makahulugang wika ni Bryan.
"Ngek-ngek mo! Huwag ka ng umasa dahil hinding-hindi kita magugustuhan. Lalo na 'yang ginagawa mo sa kin na paulit-ulit mo na lang akong hinahalikan," naiinis at naiiyak na wika ni Mia.
"I'm sorry kailangan kong gawin 'yon para manahimik ka. Panakot ko na rin sa 'yo," wika ni Bryan na nakatingin sa mukha ni Mia.
"Huwag ka ng mag-assume pa na magugustuhan kita. Dahil hinding-hindi mangyayari 'yon," madiin na wika ni Mia.
"Sa pagkakaalam ko wala ka namang jowa ha? Huwag mong sabihin na may nagugustuhan ka? Sino siya?" galit at nagseselos na tanong ni Bryan.
"Wala man 'yon wala ka ng paki," wika naman ni Mia.
"Alam mo kung sino man ang lalaking nagugustuhan mo makikilala at malalaman ko rin 'yan. At kapag nalaman ko kung sino man siya. Makikita mo at malalaman mo kung ano ang gagawin ko sa kanya. Huwag kang papahuli sa akin," wika nito sa dalaga.
Makalipas ang ilang minutos ay nakarating na sila sa kanilang pupuntahan.
Agad na bumaba ng sasakyan si Bryan at pinagbuksan nito si Mia ng pintuan.
Inilahad din nito ang kanyang palad upang alalayan ang dalaga. Ngunit tumanggi si Mia.
"Kaya ko ang sarili ko. At hindi ko kailangan ng tulong mo," wika nito na nakasimangot.
"Okay sabi mo, eh," wika naman ni Bryan at naglakad na rin 'to.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong muli ng dalaga.
"Basta, pumasok ka na sa elevator," saad ni Bryan.
Pinindot ng binata ang pinaka mataas na palapag ng gusali. Mayamaya pa ay nakarating na sila. Sa pagbukas ng elevator ay sinalubong sila ng isang lalaki.
"Mr. Avelino, sumunod po kayo sa akin. Naihanda ko na po ang silid n'yo," wika nito kay Bryan.
'Room? Para saan? Hindi kaya gahasain na ako nito?" wika ni Mia sa kanyang isipan na kinakabahan at hindi mapalagay.
"Sh*t, hindi puwede 'to. Dapat may gawin ako," wika pa nito sa kanyang isipan.
"Ahm, Bry. Bigla kasing sumakit ang tiyan ko. Baka puweding dumaan muna ako ng banyo?" wika nito na kinakabahan.
Napatingin si Bryan na nakangiti ng nakakaloko kay Mia.
"Bakit? Kinabahan ka ba sa narinig room natin?" balik na tanong ng binata na nakangiti sa dalaga.
"Hindi noh! Bakit naman ako kakabahan? Gusto ko lang talagang mag banyo kasi masama ang pakiramdam ng tiyan ko," sagot ni Mia.
"Okay sabi mo, eh. Mabuti pa pumunta na tayo sa room natin at doon ka na mag banyo," nakangiting saad ni Bryan.
"Amm, may naiwan ako sa sasakyan sa-saglit lang babalik ako agad," wika ni Mia at papasok na sana ulit ng elevator. Nang bigla siyang hawakan ni Bryan sa kanyang braso.
"May balak kabang takasan ako? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo sa simula palang. Ayaw na ayaw kong tinatakasana ako," tanong nito sa kanyang tainga na para bang binulungan lang siya. At biglang kinabing ang kanyang beywang.
"Don't worry wala akong balak na masama sa 'yo. Sinabi ko naman kanina 'di ba? Magtitimpi ako dahil umaasa ako at maghihintay na kusa mong ibigay ang sarili mo sa akin. Basta sumunod ka lang," wika pa nito habang hinahaplos ang mukha ni Mia ng palad nito.
Hindi naman makapagsalita si Mia dahil sa kaba at takot na baka angkinin muli nito ang kanyang labi.
"Let's go," wika na lamang ni Bryan habang nakahawak 'to sa beywang ng dalaga.
Wala namang nagawa si Mia kung hindi ang sumunod na lamang kay Bryan.