First date

1060 Words
Kinakabahan man si Mia at hindi mapakali ay wala itong nagawa kung hindi ang sumunod sa nais ng kaniyang ka date. Sa pagbukas nila ng silid ay hindi akalain ni Mia ang kaniyang nadatnan. Namangha ito dahil hindi niya akalain na nasa pinaka toktok na pala sila ng building. Ang mga nakikita niya at transparent na salamin at natatanaw niya ang mga ilaw na maliliit sa gusali. "Wow! Totoo ba ito? Nasa pinakamataas ako na gusali at kung hindi ako nagkakamali nasa pinaka-toktok ako," tanong ni Mia sa kaniyang nakikita at lumapit pa ito upang hawakan ang salamin na transparent. "Oo nasa pinaka mataas na gusali tayo," sagot naman ni Bryan. "Ang mahal siguro rito?" tanong pa ni Mia at tiningnan si Bryan ng naka kunot ang noo. "Bakit mo ako tinitingnan ng ganiyan? Ano'ng akala mo sa akin. Poor?" saad pa ni Bryan na nakangiti. "Nagtataka lang ako, siguro nga hindi pa kita gano'n kakilala," saad ni Mia. Pinagmasdan muli ang mga ilaw at gusali. "Eh, 'di subukan mo akong kilalanin. Ako nga sinusubukan kitang kilalanin at pilit na pumapasok sa mundo mo," saad ni Bryan sa dalaga. "Bakit, sinabi ko bang pumasok ka sa buhay ko? Saka puwede ba, Bryan. Hindi mo ako madadala ng pangiti-ngiti mo," nakasimangot na wika ni Mia. "Alam mo, ikaw lang yata ang babaeng nakilala kong hindi tinatablan ng karesma ko," saad muli ng binata na may ngiting nakakaloko. "Alam mo, kung iyong ibang babae nauuto. Puwes ako, hindi. Ibahin mo ako," matapang na wika nito. "Kaya nga ikaw ang gusto kong pakasalan, eh. Kasi iba ka sa lahat," wika muli ni Bryan. "Kasal ka diyan! Akala mo siguro, gano'n kadaling magpakasal at mag-asawa. Ikaw lalaki ka, ha? Nilalaro mo lang kasal, alam mo bang sagrado 'yon. Alam ko na sinasabi mo lang 'yan para mauto mo ako. Hay, naku! Hindi mo ako mauuto," saad pa ni Mia at huminga ito ng malalim. "Hindi kita inuoto. At lalong hindi kita niluluko. Gusto mo pakasal na tayo ngayon, eh," aya pa ng binata. "Nababaliw ka na ba? Hoy! Bryan! Kakilala pa lang natin. Gaano ka sigurado na ako na ang gusto mong maging asawa? Naalala mo, binuhusan lang kita ng tubig, gusto mo na ako agad na pakasalan agad," wika ni Mia na hindi siniseryo ang sinasabi ni Bryan. "May isang salita ako. At hindi ako nakikipaglaro sa iyo. Dahil sigurado ako, ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda ko. Sabihin na nating nababaliw talaga ako pagdating sa 'yo. Pero kahit gusto na kitang angkinin at halikan ng paulit-ulit. Gusto ko pa rin na iharap ka sa altar. Bago ka maging akin ng buong-buo. Saka gusto ibigay mo sa akin ng kusa ang pag-ibig mo. Hindi iyong napipilitan lang. Dahil gano' kita kagusto, ay hindi kamahal," saad pa nito. "Otot mo, Bryan! Maghanap ka ng babaeng mauuto mo at tiyaka puwede ba? Tantanan mo na ako. Kasi wala kang maaantay sa akin," pagsusungit ni Mia. Imbes na magalit si Bryan at uminit ang ulo nito ay napangiti pa ito sa mga sinabi ni Mia. "Kaya gustong-gusto kita. Kasi matapang ka at hindi madaling paamuhin," saad ng binata at nilapitan ang dalaga na may kakaibang tingin. "Ooppss! Diyan ka lang! Alam ko may gagawin ka na namang hindi maganda! Sisigaw ako, kapag lumapit ka pa!" banta ng dalaga. "Kahit sumigaw ka pa. Walang tutulong at lalapit sa iyo rito. Kaya nga nandito tayo ngayon sa isang silid, eh," makahulugang saad ni Bryan at may ngito itong nakakaloko. Dahil sa bilis kumilos ni Bryan at hindi ito takot kay Mia ay agad itong nakalapit sa dalaga ng walang pag-aalinlangan. Mabilis din nitong nahuli ang mga kamay ni Mia na balak siyang sampalin. "Sigurado ka na bang, itutuloy mo 'yan? Baka pagsisihan mo. Sabagay, iyan talaga ang hinihintay ko," wika ni Bryan at mas inilapit pa ang kaniyang mukha. Habang hawak-hawak nito nag dalawang kamay ni Mia. Hindi naman alam ng dalaga kung itutuloy ba niya ang gagawing pagsampal. Gayong alam na nito ang magiging kabayaran ng kaniyang pagsampal sa binata. "Huwag kang mag-alala. Makakapaghintay pa naman ako," wika ng binata na may matamis na ngiti sa labi. Habang pinagmamasdan ang mukha ni Mia na namumula. Hanggang biglang may kumatok at bumukas ang pintuan. Agad na binitiwan nito ang kamay ng dalaga. "Sakto, gutom na kami," saad ni Bryan at hinila nito ang isang upuan para kay Mia. "Dito ka na, Babe. Alam ko gutom ka na, susubuan kita," saad pa ni Bryan. "Enjoy your dinner date, Ma'am and Sir. Enjoy the food," wika ng crew na nakangiti at lumabas na ito. "Halikana, kumain na tayo," aya muli ni Bryan. Ngunit hindi pa rin. Kumikilos si Mia. "Gusto mo ba talagang buhatin pa kita patungo rito sa hapagkainan? O talagang gusto mong makatikim?" banta ni Bryan sa dalaga. Dahil takot si Mia sa mga puweding gawin ni Bryan sa kaniya ay wala itong nagawa kung hindi ang umupo sa upuan na nasa tabi ni Bryan. "Mas gusto mo talagang binabantaan pa kita, ano? Bago ka lumapit?" wika nito. "Kumain ka na, masarap lahat 'yan. Saka huwag kang mag-alala. Walang lason 'yan. Lalong walang pampatulog 'yan. Kung iyon ang inaalala mo," saad pa ni Bryan. Nakita ni Mia si Bryan na sumubo ng pagkain. Kaya kumuha na rin ito ng pagkain at kumain. "Ang sarap," aniya ng dalaga na nasasarapan sa pagkain. "Kumain ka lang, masarap talaga ang pagkain nila rito," wika ng binata. Kumain naman si Mia at hindi na itong nahiyang kumain. Nang biglang mapasin ni Bryan ang kanin mula sa pisngi ni Mia. "Bakit mo ako tinitingnan?" tanong naman ni Mia na nagtataka. "Huwag kang gagalaw may tatanggalin ako," saad ng binata. "H-Ha?" wika na lamang ng dalaga. Muli ay halos lumuwa ang mata at hindi makagalaw sa kinauupuan si Mia nang maramdaman nito ang init at dampi ng labi Bryan sa kaniyang pisngi. "Ayan, natanggal ko na," wika pa ni Bryan at nang makita nito ang mukha ni Mia na namumula ay walang pagdadalawang isip niyang sinakop ang labi ni Mia ng pandalian lamang. Mabilis din niyang hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga na walang kawala sa kaniya. "Basto ka talaga!" inis na saad nito sa binata walang pagdadalawang isip na sinampal niya si Bryan. "Aray, ang sakit, Ah? Hindi bali kuwets tayo. Nakasampal ka. Nakahalik naman ako," saad nito na may nakakalokong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD