Ate

1196 Words
Dahil sa inis ng dalaga ay agad itong tumayo at akmang lalayasan na sana ni Bryan nang mabilis na hinawakan ng binata ang kaniyang braso. Kaya napatingin si Mia sa kamay niyang hinawakan ni Bryan. "Nakakarami ka na. Bitiwan mo ang kamay ko! Kung ayaw mong sumigaw ako!" matapang na saad ng dalaga. "Eh, kung ayaw ko. May magagawa ka ba?" sarkastikong saad naman ng binata at napapangiti ito ng nakakaloko. "Isa...dalawa..kapag umabot ako ng tatlo at hindi mo pa tinatanggal ang kamay mo sa braso ko. Makakatikim ka na naman sa akin!" banta at madiin na wika ni Mia. "Sige nga, tingnan natin ang tapang mo," matapang din na wika ng binata at hindi nito binibitiwan ang braso ni Mia. Bagkus ay hinigpitan pa nito ang pagkakahawak. "Tatlo," wika ni Mia at walang pag-aalinlangan na sinampal nito ang pisngi ng binata. Ramdam naman ni Bryan ang pagkakasampal nito sa kaniya at namula pa ang pisngi nito sa pagkakasampal. "Lintik lang ang walang ganti," inis na wika ni Bryan at mabilis nitong sinakop ang labi ng dalaga. Mahigpit din niyang hinawakan ang ulo ni Mia gamit ang dalawa nitong palad. Habang ang dalaga naman ay umaalma at naglalaban. Pilit nitong tinutulak ang binata mula sa kaniya habang nilalamutak ni Bryan ang kaniyang labi. Patuloy lamang sa paghalik si Bryan at pilit nitong ipinapasok ang kaniyang dila sa bunganga ni Mia. Hanggang sa maramdaman niya ang pagkagat ni Mia sa kaniyang ibabang labi. Doon ay nabitiwan nito ang labi ng dalaga. At napahawak sa kaniyang labi. "I hate you! At kahit kailan hinding-hindi kita magugustuhan. Bastos!" galit na wika ni Mia at akmang lalabas na sana ito nang bigla niyang marinig ang saad ni Bryan. "Kakainin mo rin iyang sinabi mo at sisiguraduhin kong magiging akin ka," wika ng binata at pinunasan nito ang dugo sa kaniyang labi. Wala na rin itong nagawa ng tuluyang lumabas ang dalaga. Nang makalabas na si Mia ay agad itong nagpara ng taxi ngunit sa bawat hinto naman ng sasakyan ay may nauunang sumakay. Kung kaya naglakad-lakad na lamang ito sa gilid ng kalsada. At hindi niya maiwasang makaramdam ng inis at galit kay Bryan. "Akala siguro niya matatakot niya ako. Kung dati oo. Pero ngayon hindi na. Ang bastos niya talaga, palagi na lang niya akong ninanakaw ng halik. Nawala tuloy sa isip ko gabi na pala. Dapat makauwi na ako, baka mamaya tatawag na naman ang ate ko. At sure ako na magtataka iyon kapag nakita niya ako rito sa labas. Paktay na naman ako." Muli ay nagpara ito ng taxi at huminto nga ito. Agad siyang lumapit sa taxi. Ngunit nang hinawakan niya ang pintuan ay nagtaka siya at kumunot ang kaniyang noo. "Ikaw na naman? Hindi mo ba talaga ako tatantanan?!" galit na wika ng dalaga nang makita si Bryan. "Hindi, at wala akong balak na tatanan ka. Mamili ka? Sasabay ako sa iyo o ihahatid ka?" tanong ng binata. "Wala! At sumakay ka mag-isa mo!" asik nito kay Bryan at muli nitong nilayasan ang binata. "Puwede ba, Bryan. Huwag mo akong sinusundan!' naiinis na naman na wika nito habang mabilis na naglalakad. "Bakit ba kasi ayaw mong ihatid kita? Gusto ko lang namang makasigurong ligtas kang makakauwi," wika ng binata at habang sinasabayan sa paglalakad ang dalaga. "Ayoko nga 'di ba? Mahirap bang intindihin ang sinabi ko? Naku, Bryan. Huwag ka ng magsayang ng oras mo sa akin. Dahil wala kang mapapala sa tulad ko. Humanap ka na lang iba. Iyong mauuto mo," naiinis pa na wika ni Mia. "Ang dami mong sinasabi. Mahal kita period. Wala ng kasunod. At kung hindi mo man ako gusto sa ngayon, magugustuhan mo rin ako. At Hahanap-hanapin," makahulugang saad ng binata. "In your dreams!" wika naman ni Mia at nagpatuloy ito sa paglalakad. Hanggang mag ring ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya ay nakita nito ang pangalan ng kaniyang ate. "Paktay! Ano'ng sasabihin ko?" wika nito na kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Kaya napatingin si Bryan ng kunot-noo kay Mia. "Sino 'yang tumatawag sa iyo?" agad naman na tanong ng binata. "Hay naku! Problema ko na nga itong ate ko. Dumagdag pa itong lalaki na ito.". "Wala ka na roon," sagot ni Mia. Pero nagulat ito nang hinablot ni Bryan ang kaniyag cellphone at sinagot ang tawag. "Mia! Kanina pa kita tinatawagan bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?" galit na tanong ng kaniyang ate. "Nasaan ka? Bakit nasa labas ka pa?" pahabol pa na tanong nito. Dahil sa messenger ito tumawag. "Hello po, Ate," saad naman ni Bryan na nakangiti at ipinakita ang mukha sa screen. "Sino ka?!" galit at gulat na tanong ng Ate ni Mia. "Ako si Bryan Avelino kasintahan po ako ni Mia." "Naku, ate. Hindi ko siya kasintahan," agad na wika ni Mia at inagaw nito ang cellphone sa binata. "Kabilin-bilinan ko sa 'yo. Na dapat before mag 8:00 pm nakauwi ka na. Pero nandiyan ka pa sa labas. Paano kung may nangyaring hindi maganda sa iyo. Mabuti sana kung malapit lang ako, eh. Nandito ako malayo at Mia nasa Manila ka, tandaan mo 'yan!" sermon ng ate nito . "Huwag po kayong mag-alala, ate. Hinding-hindi ko po pababayaan si Mia at ihahatid ko na po siya ng ligats at maayos sa boarding house niya. Walang kulang at walang bawas. Umasa po kayo," sambit naman ni Bryan. "Tumigil ka nga!" naiiritang saad naman ng dalaga sa binata. "Okay, aasahan ko 'yan. Ano ulit ang pangalan mo?" tanong naman ng ate ni Mia. "Bryan Avelino po. Umasa po kayo na hindi mapapaano si Mia kapag kasama niya ako, ate," sagot ng binata na nakangiti. "Umuwi na kayo. At pakihatid ang kapatid ko," pakiusap pa nito. "Opo, ate," nakangiting saad naman ni Bryan. "Ate, kaya ko namang umuwi mag-isa at hindi na niya ako kailangan pang ihatid ang totoo paauwi na ako. Dumaan kasi ako sa grocery para mamili," dahilan ni Mia. "Mia, magpahatid ka na sa kaniya at least 'yan nakuha ko ang buong pangalan niya. Tatawag uli mamaya. Ingat ka," paalam ng nakakatandang kapatid nito at naputol na ang tawag. "Someday makikilala ko rin 'yang hipag ko sa personal. Kaya sumakay ka na para maihatid na kita. Buti pa siya alam kumilatis ng taong mapagkakatiwalaan, ikaw hindi." "So, what? Salamat na lang. Pero hindi ako sasakay sa sasakyan mo. Kaya ko ang sarili ko," wika nito pero naglakad muli palayo. Pero mayamaya ay laking gulat niya nang bigla siyang buhatin ni Bryan na parang isang sakong bigas na nakasampay sa balikat ng binata. "Ibaba mo ako!" nagpupumiglas na wika ng dalaga at pinagpapalo nito ang likod ng binata. "Ang liit mo, akala mo naman kung may laban ka sa akin," nakangiting saad nito at agad na tinungo ang kaniyang sasakyan. Doon ay ipinasok niya sa loob ang dalaga at mabilis na rin siyang sumakay loob. "Nakakainis ka talaga! At talagang napaka bastos mo antipatiko!" naiinis na wika ng dalaga. "Ikaw naman, ang sungit-sungit mo. Ihahatid lang naman kita. Gusto ko lang makasigurong safe ka na makakarating sa pupuntahan mo. Masama ba iyon? Mag seat belt ka na o baka naman gusto mong, ako pa ang maglagay niyan," wika nito na may nakakalokong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD