Perfect timing

1350 Words
Agad na nag seat belt si Mia at umiwas ng tingin. "Susunod ka rin pala. Ang dami mo pang arte." "Hindi ako maarte. Sadyang mapilit ka lang at wala akong choice. At last na ito!" naiinis na wika ni Mia at wala itong magawa. Ngumiti na lamang si Bryan at nagmaneho na ito. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila. Agad na sanang baba ang dalaga ng sasakyan noong pilit niya itong binubuksan at ayaw mabuksan. "Ano ba? Talaga bang na nadya ka? Buksan mo 'to?" galit at utos ng dalaga. "Ayoko," nang-iinis naman na saad ni Bryan. "Ano ba talagang gusto mo?" galit na tanong ni Mia. "Simple lang, kausapin mo ako ng maayos. Sabihin mo, mahal pakibukas, please." Dahil sa inis ni Mia ay kumuha ito ng gunting sa kaniyang bag. "Sige ka, kapag hindi mo binuksan ito. Malamang basagin ko na," banta naman ni Mia ng na naiinis na naman. "Sige lang, basagin mo. At kapag nabasag 'yan. Ikaw naman ang babaaagin ko," makahulugang aniya ng binata at nagbabanta rin ito. Nagdalawang isip tuloy Mia. Dahil alam nito na puweding totohanin ni Bryan ang kaniyang sinabi. "Ano pang ginagawa mo? Basagin mo na at magbasagan tayo," aniya pa ng binata. "Bryan, naman. Buksan mo na kasi," saad nito na naging mahinahon ang boses. "Okay, madali lang naman akong kausap. Lalo na sa iyo," wika naman ng binata na nakangiti. Agad naman na binuksan ng dalaga ang pintuan ng sasakyan at mabilis na kumilos upang lumabas. Pero hindi pa ito nakakababa ng sasakyan nang muling magsalita si Bryan. "Susunduin kita bukas ng maaga. Ako mismo ang maghahatid sa iyo." "Naku hindi na, salamat na lang. Pero hindi muna kailangan pang gawin 'yon, isa pa kaya ko ang sarili ko. At Sana hindi na tayo muling magkita pa," tanggi naman ng dalaga at agad nitong itunulak ang pintuan ng sasakyan at mabilis na naglakad palayo. "Hay, salamat naman at hindi ko na siya kasama," nakahingang maluwag na saad ni Mia nang nakapasok na ito sa loob ng kaniyang bahay. Agad din niyang ni-lock ang pintuan nito at sinilip sa bintana ang sasakyan ni Bryan. "Ano pang ginagawa niya? Bakit hindi pa siya umaalis?" tanong pa nito sa kaniyang isipan. Nang biglang mag ring ang kaniyang cellphone kaya agad niyang sinagot 'yon. Na nagtataka dahil hindi naka register ang numero sa kaniyang cellphone. "Hello? Sino 'to?" agad na tanong nito. "I see you. Sinisilip mo ba ako?" sagot naman ng binata na halata sa boses nito ang galak. "Bryan?" wika naman ni Mia. "Yes, ako nga. Mukhang namiss mo agad ako, ah?" aniya nito at kumaway pa mula sa bintana ng kaniyang sasakyan. Mabilis naman na isinara ni Mia ang salamin na bintana nito. "Kung wala ka ng sasabihin ibaba ko na 'to at pakiusap lang, tantanan mo na ako," aniya ng dalaga at agad na pinutol ang linya. 'Bahala ka sa buhay mo," saad na lamang ng dalaga at inilapag ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Kumuha rin ito ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang mag-shower. "Magiging akin ka rin Mia sa ayaw at gusto mo," saad naman ni Bryan habang nakatanaw sa tinutuluyang bahay ng dalaga at nagmaneho na ito paalis. kalalabas naman ng dalaga mula sa banyo nang marinig nito na may tumatawag sa messenger. Kaya agad niyang kinuha ng cellphone sa ibabaw ng lamesa at sinagot ang tawag. "Nakauwi ka na ba?" bungad na tanong ng kaniyang ate. "Oo ate. Nandito na ako ngayon sa bahay at katatapos lang maligo," sagot naman ni Mia. "Sino 'yong kasama mong lalake kanina? Manliligaw mo o jowa mo?" pahabol pa na tanong ng ate nito. "Wala 'yon, ate. Wala lang siyang magawa sa buhay niya. At napaka kulit," sagot naman ni Mia. "Nakapagbayad ka na ba ng tuition fee mo? Mag-aral kang mabuti dapat makatapos ka, para madala na kita rito," tanong pa nito. "Tapos na ate. Huwag kang mag-aalala hindi masasayang ang pinapadala mong pang tuition ko at kahit na ano'ng mangyari magtatapos ako sa pag-aaral," sagot naman ni Mia. "Oh, sige na. May over time pa ako. Mag-iingat ka lagi at mag-aral kang mabuti," paalala pa ng ate nito at pinutol na ang linya. Huminga na lamang ng malalim si Mia pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang ate at nagtungo sa kuwarto nito upang matulog na. 'Konting tiis na lang at makakatapos na ako. Hindi hindi masasayang ang sakripsyo mo ate. At ang pangarap nila Inay at Itay. Mis na miss ko na kayo," saad pa nito sa kaniyang isipan na nangungulila sa kaniyang mga magulang. Hanggang sa niyakap na lang nito ang unan at pilit na pilit na ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi na rin niya namamalayang nakatulog na pala siya. KINABUKASAN ay nagising si Mia sa lakas ng tunog na nanggagaling sa kaniyang alarm clock. Kaya kinapa nito ang maingay na alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang lamesa at nasa gilid ng kaniyang kama. Dahan-dahan din itong bumangon sa kama at tumayo upang pindutin ang switchsan sa tabi ng kaniyang pintuan na nakadikit sa wall. 'Kailangan ko ng magluto nang almusal ko at babaunin para makatipid ako," saad nito sa kaniyang sarili at naglakad na patungo sa kusina. Mabilis itong nagluto ng kaniyang pagkain at babaunin. Pagkatapos ay mag-isa rin siyang kumain sa hapagkainan. Pagkatapos niyang kumain ay nagpahinga muna ito ng ilang minuto. Pagkatapos ay mayamaya nagtungo na ito sa banyo at naligo. Pagkatapos ay mabilisan lang nagbihis at inihanda ang sarili. Tumingin din siya sa kaniyang relo na naka angla sa kaniyang kamay. "Time check 6:00 am. Sakto may oras pa akong maglakad. Sayang din ang pamasahe ko sa taxi. Tapos traffic pa kaya maglakad na lang ako," saad nito sa kaniyang sarili ng nakangiti. Mabilis itong naglakad palabas ng bahay at agad na pinad-lock ang pintuan. Tumingin din ito sa kalsada at nakita niyang wala ang sasakyan ni Bryan. "Sabi ko na nga, hindi niya ako maabutan, eh. Mabuti na lang at maaga ako," nakangiting saad nito. At nagpatuloy sa paglalakad. Nagsimula na siyang naglakad hanggang sa nakarating siya ng iskinita at bahagyang lumiko. Hanggang sa naglakad pa ito sa hagdan na paakyat. Mula sa baba ay natatanaw niya ang mga sasakyan at haba ng traffic. Nakarinig siya ng pito na parang tinatawag siya. Kaya nagtakang napalingon ito sa kaniyang likuran na nasisinagan ng araw. Hindi niya tuloy ito masyadong makita kung sino ang lalaking tumatawag sa kaniya maliban sa na aaninag niya na isang lalaki ito dahil sa tindig nito, na may matangos na ilong at nakangiti sa kaniya dahil sa mapuputi nitong ngipin. 'Sino ba 'to?" tanong pa nito sa kaniyang sarili na naka kunot ang noo at inilagay ang isang palad sa kaniyang noo upang makita niya kung sino. Nagtaka naman siya nang dahan-dahan itong naglakad patungo sa kaniya. Hanggang sa makilala niya 'to. "Bry-Byran?" nauutal na wika niya. "Hi, bebe. Good morning!" masayang bati nito sa kaniya. "Ikaw na naman? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo. Tantanan mo na ako," saad ni Mia at nagmadai itong nagalakad palayo sa binata. "Wait!" sigaw naman ng binata at hinabol nito ang dalaga. Nang malapit na sila sa pedestrian lane at ilang minuto na lang ay sabay-sabay na dadaaan ang mga sasakyan. Ngunit pilit pa ring tatawirin ni Mia. Kung kaya mabilis na kumilos at tumakbo si Bryan. At mabilis na hinblot nito ang braso ng dalaga. Sa pagkabigla at muntik ng matumba si Mia dahil sa pagkakahablot ni Bryan sa kaniya ay napahawak siya ng mahigpit sa kuwelyo ni Bryan. Dahil sa puwersa ay hindi sinasadyang nagdikit ang kanilang mga labi. 'Paktay!" saad ni Mia sa kaniyang sarili na ipinikit na lamang ang mga mata nito dahil sa hiya. Samantalang ang binata naman ay tuwang-tuwa at sinalo pa ang ulo ni Mia gamit ang isàng palad niya. 'Sakto lang ang pagkakahablot ko sa kaniya on time. Perfect!" saad naman ng binata sa kaniyang isipan na hindi mawala ang saya at kinikilig pa. Hanggang sa nagdikit nga ang kanilang labi. To be continued. Updated din po ang The Innocent (Athena at Edward) Free Enjoy reading po
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD