Dampi lamang ng labi ni Bryan ang ginawad nito. Pero kakaiba talaga ang nararamdaman at tama ng binata kay Mia. Pinagmasdan din niya ang mukha ni Mia habang napapangiti siya, dahil nakapikit 'to.
"Okay ka lang ba?" tanong pa nito sa dalaga na may kakaibang ngiti.
Agad naman na dinilat ni Mia ang kaniyang mga mata at umayos ng tayo. Tinulak din nito si Bryan ng palayo.
"Sinadya mo 'yon, ano?" naiinis pa tanong nito sa binata.
"Sinadya ka diyan? Kung hindi ko ginawa 'yon. Malamang napaano ka na. Sa susunod mag-iingat ka, paano kaya kung hindi kita kasama," sagot naman ng binata.
"Kung hindi mo ako sinusundan. Malamang hindi rin iyon mangyayari," saad naman ni Mia at nang makita nito red lights na ay naglakad na lang siya. Agad naman na sumunod si Bryan.
"Talaga bang naglalakad ka papuntang school every morning?" tanong pa ng binata.
"Bakit ka nagtatanong?" kunot-noong tanong ni Mia. Imbes na sagutin ang tanong nito.
"Eh, kasi nagtatrabaho ka sa gabi tapos sa umaga nag-aaral ka. Nakakapagod 'yon," saad ni Bryan habang sinasabayan nito si Mia sa paglalakad.
"Ayoko kasing gastusin iyong mga pinapadala ng ate ko. Ayokong iasa lahat sa kaniya. Lalo na at alam kung may pamilya rin siyang binubuhay. Iba pa rin 'yong may sarili akong kita at pinagpapaguran ko. Kaya sa gabi nag pa-part time job ako. Saka ano bang pakialam mo sa buhay namin?" pagsusungit na saad ni Mia.
"Wala lang, ikaw kasi, eh. Ayaw mong sumakay sa kotse ko, edi sana ngayon nandoon ka na sa school mo at nakapagtipid ka pa ng pamasahe," saad naman ng binata.
"Bakit? Naaawa ka sa akin? Kasi poor lang ako at ikaw rich? Gano'n ba? Hindi ko kailangan ng awa mo," saad naman ng dalaga.
"Hindi, ah. Bakit naman ako maaawa sa iyo. Ang maldita mo kaya. Pero lalo kitang nagugustuhan dahil masipag ka at independent," saad ng binata na napapahanga sa dalaga.
"Wala na akong magulang na masasandalan. Ate ko na lang ang meron ako, kaya ayokong masayang ang pinagpapaguran ng ate ko sa ibang bansa. Kahit alam kong ayaw niya akong magtrabaho, ginawa ko ng palihim at huwag kang maingay!" saad pa nito sa binata.
"Kaya ba ayaw mo sa akin at tinaboy mo ako na tinatakasan?" tanong muli ni Bryan.
"Oo, kasi nangako ako na hindi ako magkakaroon ng boyfriend hanggang hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral. Saka ayoko ko talaga sa iyo. Kaya huwag ka ng umasa pa," walang paligoy-ligoy na saad ni Mia. At dahil nakikita na ng dalaga ang pinapasukan nitong university ay tumakbo na ito at tuluyan ng iniwan si Bryan.
'Maaring sa ngayon hindi mo ako gusto. Pero darating din ang araw na magugustuhan mo rin ako at makukuha ko rin ang matamis mong oo," umaasang saad ni Bryan sa kaniyang isipan. Habang nakatanaw kay Mia na nakangiti.
"Hi, Miss," wika ni Rico ang kaklase ni Mia nang makita nito ang dalaga.
Wala namang reaksyon si Mia at diretso lang ito sa kaniyang upuan na parang walang naririnig.
"Oy, Mia. Nakita kanina, ah. Sino 'yong kasabay mong naglalakad kanina?" tanong ni Dana.
"Ah, 'yon. Wala 'yon. Nakasabay ko lang siguro," sagot naman ni Mia.
"Eh, 'yong lalaking kausap ko sa phone mo, noong nakaraang araw sino 'yon?" tanong pa ni Dana.
"Naligaw lang 'yon sa boarding house," sagot nito.
"Naligaw? Baka naman manliligaw. Babe pa nga tawag mo sa akin, eh. Ikaw, ha? Nagsesekreto ka na sa akin," panunuksong saad nito.
"Para namang hindi mo ako kilala, Dana. Ayoko ng lalaki at hindi pa ako puweding mag boyfriend. Alam mo 'yan," saad pa ni Mia at nag buklat ito ng kaniyang notes.
Mayamaya pa ay may guard na pumasok sa kanilang silid. At tinawag si Mia.
"Miss Ferrer, may nagpapabigay sa iyo," saad ng guard at iniabot kay Mia ang isang bouquet ng bulaklak na kulay puti.
Nagtaka naman si Mia kung kanino galing iyon.
"Salamat," saad na lamang ng dalaga.
"Oy! Sana all!" saad ng mga kaklase nito.
"Sabi ko na nga may manliligaw ka. Kunwari ka pa, eh. Ayaw pang umamin, kanino ba kasi galing 'yan?" pang-aasar at tanong pa ng kaibigan nito.
Nang tiningnan ni Mia ang maliit na card nito kung kanino galing ay nabasa niya ang nakasulat na, "Please be careful. I'll pick you up later." Fr: Bryan.
'Baliw na talaga siya," saad na lamang ni Mia sa kaniyang isipan.
"Wow! Bryan pala ang pangalan niya, ah. Ang sweet naman ng manliligaw mo. May pa bulak-bulaklak pa," pang-aasar na saad ni Dana.
"Kung gusto mo, sa 'yo na. Oh, ayan bigay ko na sa 'yo," saad naman ni Mia at ibinigay ang bulaklak sa kaniyang kaibigan.
"Hindi na, baka mamaya hanapin pa niya 'yan sa iyo kapag nagkita kayo," saad naman ni Dana at ibinalik ang bulaklak kay Mia.
"Hindi, ah. Kung gusto mo kayo na lang ang magkita mamaya," nakangiting saad ni Mia na may naiisip na plano.
"Okay lang ba sa iyo 'yon? Paano kung ma-inlove siya sa 'kin? Sh*t friend, kinakabahan ako," kinikilig na saad ni Dana.
"Oh, 'di maganda," saad naman ni Mia.
Hanggang sa dumating na ang kanilang professor.
Kinahapunan ay may natanggap na text si Mia habang nasa klase pa ito.
"Hi, nandito ako sa parking lot ng university niyo. Dito sa may oval. Hintayin kita rito," from Bryan.
"Okay, wait mo na lang ako riyan. Ano bang kulay ng kotse mo? At ano rin ang kulay ng suot mong t-shirt?" reply naman ni Mia.
"Naka t-shirt lang ako ng black na under armour at naka sombrero ng kulay itim. At red na sport car."
"Okay, see you later."
Napapangiti naman si Bryan habang nagte-text na nakatingin sa cellphone nito. Dahil sa pag-aakalang sisiputin siya ni Mia sa parking lot.
5:00 Pm na nang nagsilabasan na ang mga student sa university.
"Basta, nakasuot siya ng black under armour na t-shirt, naka sumbrero ng black and red na sports car. Nasa oval na rin siya at naghihintay. Enjoy at have fun," saad ni Mia
"Hoy, hindi ka ba magpapakita at magsasabi sa kaniya na ako ang pupunta imbes na ikaw?" tanong pa ni Dana.
"Hindi na, baka makagulo lang ako sa inyo. Bye!" paalam ni Mia at nagsuot din ito ng black jacket at nagsumbrero ng itim. Agad na naglakad paalis at nag tungo sa fastfood na kaniyang pinagtatrabahuan ng part time job.